"Charles" napangiti sya ng makita nya ako.. Ang gand nya talaga, parang isang diwata. 

"Sorry na late ako." sabi ko at umupo ako sa kabilang upoan.

"Okay lang, sanay  ako dyan. Always ka namang late sa mga lakad natin eh" sabi ni Ayesha at napatingin naman agad ako sa kanya.. Na shock ako don, pati yun naaalala nya pa. Sumisikip tuloy dibdib ko sa sinabi nya.

"wag mo nang isipin yon, hali ka order na tayo" sabi nya ulit. Lumapit sa amin yung waiter at umorder na kami ng makakain namin.

Vegetarian si Ayesha kaya isang vegtable salad ang inorder nya at may isang serve ng fish fillet. Ganyan talaga sya masyado kasi syang ma ingat sa katawan at kalusogan nya at yan ang pinagkaiba naman. Mahilig kasi ako kumain, pero hindi naman ako tumataba. Dalawang large chicken burger naman ang inorder ko, sabi ko nga mahillig akong kumain. ^___^

Habang kumakain kami nakangiti palagi si Ayesha, kahit sa pagkain poise na poise sya. Parang isang Dyosa ang kaharap ko ngayon at di ko ma iwasan na hindi mahumaling sa kanya.. Napa-isip ako tama talaga siguro na sya ang pinuntahan ko dito.. 

"Sel, may ketchup yung bibig mo" napatingin naman agad ako kay Ayesha, bigla kasi syang nagsalita.. pero ano daw? may ketchup anng bibig ko? pest3 nakakahiya.. kaya agad kong pinunasan ito..

"HAHAHA, ako na nga... gaya ka pa din ng dati, palaging nagkaka-ketchup sa bibig" sabi ni Ayesha at pinunasan ang gilid ng bibig ko... >//< nakakahiya naman, putakt3 mga tsong, ako lalaki dito dapat ako gumagawa non.. Yan yung mga napapanood ko sa mga korni na movies.. Magkaka ketchup ang bibig ng babae at pupunasan ng lalaki.. baliktad ata yung sa amin..

"Ahmmp, Sel... sino yung babaeng kasama mo sa Jollibee?" tanong ni Ayesha. Naku, naloko na, nakita na nya pala si Maddy. Ano sasabihin ko? Sya yung fiancee ko! tapos ano? end of story?...

"Ahh, si Maddy" sagot ko >//< walang kwentang sagot, diba nagpakilala na sa kanya si Maddy... bullsh!!t baka mawala pa second chance ko nito..

"Nagpakilala na sya, ka ano-ano mo ba sya?" pest3 naman oh, bakit nya ba tinatanong... t@ng ina, napapamura ako sa mga nangyayari, talagang hindi na ako makakapasok sa langit nito.

"ahh, ano fian---" 

*kring kring kring

Kung sino ka mang tumatawag ka, maraming salamat sa iyo. Agad kong kinuha yung phone ko na nasa bulsa ko. Si Mrs. Cortes tumatawag, maraming salamat sayo.. hulog ka ng langit.

Her Yellow Notebook (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon