°°°Chapter 7°°°

7 2 0
                                    

Kinailangan kong bumalik sa aking silid upang makapaghanda...
Ngayong gabi ay sisimulan na namin ang paglalakbay ni Cleevan. Walang pupuntahan ang misyon na ito kung maghihintay ako dito.

Napakatahimik ng palasyo.... ngunit mukhang sanay na ang buong Emperyo. Tila wala namang kakaibang nangyayari.

Si Cleevan, sya ang magiging daan para malaman ko ang tinatagong mundo ng mga Villan.

"Beira." Nilingon ko ang boses.. mukhang kanina pa nakahanda ang lalaking ito.

Kakaiba ngunit payak ang kaniyang kasuotan. Ang kanyang hipid na buhok kanina ay may medyo magulo na ngayon... Napakalayo sa makisig na prinsipe kanina.

Sadyang mabilis kang malilinlang ng kanyang itsura...kung hindi sa kulay ng mata ay masasabi kong sya talaga si Boreas.

"Natutunaw na ako Beira, ganun ba ako kagandang lalaki at di mo maalis ang iyong tingin sa akin?" kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi ..tsk

"Masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili Cleevan. " Muli kong pinagmamasdan ang aking silid bago ako tuluyang umalis..

"At di tugma ang sinasabi mo Beira...aminin mo. Kakaiba ang hiwagang dala ng isang Cleevan." Tukso ang iyong mga tingin at mapang-akit ang iyong mga tinig ngunit di ako maaring pumatol sa iyong kapusukan.

"Nahihibang ka na Cleevan.." Nauna na akong humakbang palayo...

Sabay naming tinahak ang daan patungo sa gitnang tarangkahan ng emperyo.

"Wala ka na bang nakalimutan?" Napatingin ako Kay Cleevan sa sinabi nito.

Meron nga ba?

"Kailangan bang dalhin ko lahat at wag na mag-iwan kahit ano?" Nanliit ang mga mata na na parang tinatantya ang nais Kong ipahiwatig.

"Iwan mo ang lahat ng iyong kahinaan sa mundo na ito dahil sa bagong daan na ating tatahakin mas makakatulong kung mas malakas na Beira ang makakasama ko." Bagong Mundo... Bagong ako.

"Tama ka....yun ang kailangan."  Hinayaan ko humakbang kung nasaan si Cleevan.

Talon ng Apora

Sa Apora? Dito kami nahinto ng paglalakbay. Nakakapagod na paglalakad.

"Bakit di tayo gumamit ng kabayo? Halos maubos na ang ating lakas sa paglalakad pa lamang." Kita ko ang tikwas ng kanyang labi...

"Yan ba ang malakas Beira?" Napabuntong-hininga na lamang ako... Eto ba ang una nyang hakbang upang alamin kung malakas na nga ba ako? Tsk .

"Nandito ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao." Tao?

"Sa mundo ng mga tao tayo magtutungo?" Ngunit? Akala ko ba mas makapangyarihang mundo?

"Oo Beira...ang mga tao ang bago nating kakaharapin." Kung ganun...ang mga Villan ay nasa mundo ng mga tao.

"Paalala." Biglang nagbago ang simoy ng hangin. Naging mas malamig kumpara kanina.

"Sa sandaling pasukin natin ang bagong mundo ay maaring di na tayo magkakilala. O kaya naman ay magkalayo tayo... Kaya kinakailangan na mas malakas ka..." Hindi ko maintindihan...

"Anong ibig mong sabihin?" Mas lalo akong nilamig ng humakbang sya palapit sa akin.

"Hahanapin kita Beira... Sa bagong mundo...ako ang unang makakahanap sayo." Nararamdaman kong unti-unti akong hinihigop ng malakas ng hangin...

"C-cleevan." Beira.

H-hindi....Hindiiii!!!

.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Frozen Weep Where stories live. Discover now