°°°Chapter 3°°°

38 5 0
                                    

Bundok ng Apora

Pagod na pagod ang mga binti ko...sana pala di ko iniwan ang kabayo ko kay Maya..

Si Maya...oo nga pala

"Mga ginoo, paumanhin ngunit, kailangan ko ng humiwalay ng landas sa inyo...kailangan kong balikan ang kaibigan ko..."

"Kaibigan? May kasama kapa?"

"Oo Eurus." Biglang itinutok sa akin ang espada ni Fabio..

"Igalang mo ang prinsipe.." Ahhh..yun ba.

"Patawad po.." may pa luhod pa ako...

"Ayos lang yun Fabio, gusto mo ba samahan na kitang hanapin ang kaibigan mo?" Halos lumabas ng ang nakatagong biloy ng prinsipe dahil sa ganda ng ngiti niya..

"Mga kapatid, hahanapin muna namin ang kaibigan nya.." sabay kaming tumalikod sa kanila...ng biglang magsalita si Boreas

"Nakauwi na sya." Paanong? Alam na ba ng lalaking ito ang katauhan ko?

"Paano mo nasabi kamahalan?" Nako Maya, baka kung ano naman ang lumabas sa bibig mo...

"Hindi ba sya ang babaeng may binabantayang puting kabayo? Nakita ko syang pabalik ng Celto." Hindi kaya sila nagkausap?

"Bakit may nalalaman ba sya na dapat naming ipangamba babae?" Di ko magawang tumingin kay Boreas..
Kaya umiling na lamang ako..

"Simula ngayon di ka mawawala sa paningin ko.."  Hanggat di ko nakikita ang bulaklak ay di ako aalis mga prinsipe...kung kinakailangan kong magpanggap gagawin ko.

"Wala naman akong balak umalis Boreas, mukhang malayo na tayo sa Celto, di ko na kakayanin pang maglakbay pabalik." Kahit ako ay humahanga sa sarili ko... Hindi ko gawaing magmakaawa o humingi ng tulong...pero para sa misyon ko...kung kailangan kong magpaalipin ..sige lang.

"Di pa ba tayo babalik ng Emperyo? Bumalik na lang tayo sa ibang araw.. mabuti pa ..planuhin at pag-aralan nating mabuti kung ano ba talaga ang bulaklak na iyon..." Makakatulong din pala ang pagiging tamad ni Eurus.

"Tama sya Boreas, mabuti pa bumalik na muna tayo." Sino nga ang isang ito? Zephyrus? Zheph? Ahh basta..

"Zeph may laman pa ba yang lalagyan mo ng tubig? Nauuhaw na kase ako.." Isa-isa ko silang tiningnan , lahat kase sila nakanganga sa sinabi ko...

"Hehehe, may problema po ba?"  Gusto ko ng sampalin ang sarili ko Ngayon pa lang...haysstt

"Hala ka , tinawag mong Zeph si Kuya Zephyr...." Anong meron dun?

"Wag mo ng uulitin yun..alam mo kase bata pa lang kami may tumatawag na sa kanya ng ganyan...tinig lang..ayon sa mga babaylan ng palasyo—" Pabitin naman..

"Tigilan nyo yan...tama ba na pagusapan ang tungkol dyan.. Humingi ka ng tawad Kay Zephyr.." ang arte naman parang yun lang...

Nauuna na sa paglakad si Zephyr at Notos..nasa gitna ang taga-sunod nila...at nasa kanan ko si Eurus samantalang nasa huli namin si Boreas... Kailangan kong mapaamo si Boreas...laging syang nasusunod Dito... Kung maari ko lang ipakita ang aking mukha eh siguradong mapapamo ko silang lahat...

Pero..mas madaling mauto si Eurus..Sya na lang pala...Tama..magaling Beira..

"Eurus di na ata kaya ng mga paa ko..." Napahinto ang makulit na prinsipe...hmm.. dahan-dahan kong hinakbang ang aking mga paa...

"A-anong gagawin ko sayo?" Kumapit ako sa dalawang balikat nya ... Nakakatawa... nanginginig ka sa kapit lang kamahalan?

"Ano bang ginagawa nyo?!!" Arayy...ang sakit nun ha..bakit kailangan pang itulak ako..pwede namang dahan-dahan..

"Ano ba!! Nakakasakit ka Boreas." Kanina pa ako napapagod... Hindi ba pwedeng sumakay sa likod ng prinsipe?

"Ah eh...Sige Kuya dun na ako sa una...a-ano ba yan mapapahamak pa ako.."  Ang layo nman ng agwat namin sa kanila... Paano kung patayin ako ng lalaking ito?

"Isa ka bang bayarang babae?" Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng unggoy na to...

"Kamahalan...yun ba ang tingin mo sa akin?" Akala ba nila?? Sa itsura kong to ?

Oo nga pala...Di ako mukhang kagalang-galang sa suot ko..

"Hoy prinsipe, di porket ganito ang itsura ko pwede mo na akong laitin at bastusin.." kailan man ay di ko hahamakin ang isang nilalang dahil lang sa kanyang kasuotan..

"Talaga?? Bakit pilit mong dinidikit ang sarili mo Kay Eurus? Bakit ? dahil madali syang linlangin at akitin?" Masyado ng masakit ang mga sinasabi mo..maging ang aking mga luha ay di na napigilan pa sa kanilang pagpatak..

"Dahil lang dun nasukat mo na agad ang pagkatao ko." Sa Celto...pantay ang pagtingin ko sa aking nasasakupan... Bayaran man o hindi..

"Marumi kang babae." Magiging marumi lang ako, yun ay dahil puno ako ng galit .

"Sana di mo kainin lahat ng sinabi mo. Kamahalan." Binilisan ko na ang paglakad...

....

Villan Empire

"Prinsipe Boreas mabuti at nakabalik na po kayo." Tsk.. suplado talaga ang isang to..

"Ipaghanda mo ang babaeng ito ng isang silid, humanap din kayo ng angkop na kasuotan para sa kanya."  Mukhang sariling taga-sunod ang babaeng ito.

"Ako nga pala si Sera, ang personal na nagsisilbi kay Prinsipe Boreas." Tama nga ako.. mukhang mas bata sya sa akin ... siguro ay parehong edad lang sila ni Maya.

"Ako si...si Beira..." Agad ngumiti si Sera ... mukhang may makakasundo na ako Dito.

"Di mo ba talaga inaalis ang maskara mo?" Bakit ba ? Napatingin ako sa malaking salamin ng silid. Ano?? Kaya pala naman , napakaitim na ng aking kasuotan...ang mga buhok ko ay parang pugad na ng ibon maging ang aking balat ay napakalayo na sa gatas sa aking paliguan...

"Ahhh...nais ko sanang maglinis ng aking sarili.." Sa mga tingin ni Sera ay parang nahihiwagaan sya.

"Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng nakalapit sa mga prinsipe bukod sa akin? Hihihi, nakakatuwang magiging magkaibigan tayo." Ngayon ko lang napansin na magandang nilalang si Sera...totoo bang taga-sunod lamang sya?

"Sera? Pansin ko lang malapit ka sa kanila? Totoo bang taga-sunod ka lang?" Agad nyang tinawanan ang sinabi ko...

"Parusa ko lamang iyon.. mukha ba akong alipin? Sa ganda kong ito...baka ako si Sera..ang diyosa ng mga bulaklak..." Tama...kaya pala may natural syang halimuyak...

"Nandito ka sa Villan Empire kung saan matatagpuan ang mga diyos at diyosa." Dito? Eto ba ang pinagmulan ni Ina?

"Ibig mong sabihin ito ang Villan? Ang  gitnang palasyo? Paano ako nakapasok Dito...hindi ba at ang mga ordinaryong nilalang ay di basta makakapasok? " Ibig sabihin....alam na nila...

"Marahil ang iyong dugo ay kabilang sa mga diyosa.." Si Ina... maari kayang nandirito sya?

"Marami pa akong gustong malaman...maari bang palagi mo akong kwentuhan?" Nakakatuwang makita na kumikislap ang kanyang mga mata...

"Yieehh, oo ba...mabuti pa...paliliguan at bibihisan na kita... Kailangan tulad ko ,tayong dalawa ang pinakamagandang nilalang sa Villan..." Kinikilig sya sa sarili nyang salita...

Habang pinagmamasdan ko ang silid ay masasabi kong napakarangya ng Villan kung ikukumpara sa Celto.. ano kaya ang dahilan at mas pinili ni Ina na manirahan doon, ganun ba kadakila ang pag-iibigan nila ni Ama..

"Beira, ang mga langis na ito ay mula sa mga rosas, magagawa nitong patingkarin ang iyong maputing balat, kakaiba ang iyong kulay, ang puti mo ay tulad ng mga nyebe, kahit di ko pa nakikita ang iyong mukha, sa tingin ko ay higit na mas maganda ka kesa sa akin...ang iyong buhok ay napakahaba at mahiwaga.." Naalala ko tuloy si Maya...ang mga salitang iyan ay sa kanya ko lang naririnig noon...Ngayon ay may Sera na.

Celto..aking palasyo... hintayin nyo ang pagbaba

Frozen Weep Where stories live. Discover now