°°°Chapter 4°°°

22 5 0
                                    


Villan Empire

"Di ka pa ba tapos dyan?" Bakit ba dali-dali itong si Sera ... Ang hirap kayang magsuot ng makapal na bestidang ito . Ayaw ko naman na makita nya ang aking kahubadan...hindi maari..

"Tulungan na kita Beira... kanina ka pa kase pinapatawag ni Kuya Boreas eh... baka ako ang pagalitan...isang kumpas ko lang eh ayos na ...papasok na—"

"Wagg!! Dyan ka lang Sera.." Itatali ko na lang ang laso.

"Tapos na!!" Agad bumukas ang pinto.
At pumasok ang —bat ka tulala?

"Napaganda ng iyong hubog.... Ngunit may kulang...nais mo bang paltan ang iyong maskara?" Nagmamakaawa ang tinig nito...

"Sige ..." Isang napakagandang ngiti ang ginawad nito sa akin..

"Etoo...ang maskarang may balahibo ng kalapati ay bagay sa iyong maputing kulay...at asul na bestida...

"Salamat Sera.." Agad na din itong lumabas ng silid..

Hinanap ng aking mga mata ang salamin . Sa Ngayon kailangang paltan ko ang maskarang magpapa-alala sa Celto... Kasabay ng misyon ko ang paglimot ko sa aking tunay na buhay at kalooban... Ang bagong maskara at ang bagong Beira..

Higit na nadepina ang hubog ng aking katawan....ang malaabong kulay ng aking buhok ay nagliliwanag. Ang aking maputing balat ay mas lalong kuminang .. Dahan-dahan kong tinanggal ang aking maskara... Napakaganda , walang kapintasan , ang aking mukha ay may magandang hugis mula sa mapupula kong labi, tamang tangos ng ilong, makapal at kaaya-ayang hugis ng kilay , maging ang aking mga pilik na nangungusap at nakakahipnotismong mga mata ...masasabi kong akoy tunay na pinagpala... Babaeng ipinanganak para sa isang Diyos.

Beira..

Agad hinanap ng aking mga mata ang tinig na iyon... Pagkatapos ng mahabang panahon...mas naging malinaw ang kanyang boses..

Bakit? Anong dahilan at nagparamdam kang muli?

Di ko makakalimutan ang tinig na iyon.

"Beira." Ayaw kong lumingon ... Nahihibang na ba ako? Paano magkaparehas —

"Di ka ba talaga marunong gumalang?" Si Zephyr. Agad kong isinuot ang maskarang binigay ni Sera..

"Patawad po kamahalan." Di ko magawang tumingin sa kanyang mga mata..

"Sumunod ka sa akin." Agad kong sinundan ang kanyang yabag habang nanatili akong nakatungo.

"Nasabi na siguro ni Sera kung asan ka. Maraming bagay sa Villan na wala sa Celto at maaring maguluhan ka.. kung nais mong manatili dito ng mas matagal matuto kang gumalang at sumunod. " Lahat ba ng prinsipe na to maliban Kay Eurus ay suplado.

"Maaring tama ka.. kailangan kong sumunod at matuto sa mga bagay dito sa Villan. Ngunit di ba kayo magtatanong kung anong kailangan ko sa inyo?" Agad syang napatigil sa paglalakad. Napangiti ako ng bahagya.

"Kung ano man ang pakay mo nasasayo na yun. May dahilan kung bakit mo gagawin ang isang bagay at wala along balak malaman yun." Sadyang kakaiba ang mga lalaking ito. Higit nyo akong pinapahanga ..

Tuluyan na naming tinahak ang daan patungo sa isang— Hardin..na may mahabang lamesa at maraming upuan. May kakaibang palamuti ito na para sa isang makapangyarihang pamilya lamang. Ito na Beira...tatahakin mo ngayon ang landas ng mga diyos at diyosa.

"Maupo ka.. pagdating nila gumalang ka." Opo kamahalan.

Agad dumating ang lalaking mas maliit Kay Zephyr... Isa syang taga-sunod na nasa mataas na rango.

Frozen Weep Where stories live. Discover now