Chapter 14

9.2K 380 43
                                    

Soren


Marami pang tinanong at sinabi saking paalala si Tito bago niya ako pinauwi. Malapit na rin mag tanghali at iniisip kong para gusto ko ng adobong manok. Hinanap ko naman si Exequiel sa garden.


Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon. Pinagkibit balikat ko nalang iyon at tuluyang nakarating sa garden. Nung una, akala ko ay wala siya doon pero ng makapunta sa may gilid, ando'n pala siya. And he's with Raichel. Nakaupo sila sa bench na andoon at nakatalikod sila mula sakin. Raichel keeps clinging onto him and smiling.


Hindi ko naman makita ang reaksyon ni Kiel. Is he enjoying talking to her?


Parang kumirot ang dibdib ko. Hindi ko ikakaila na minsan ay naiingit ako kay Raichel. Hindi dahil sa mayaman siya at kaya niyang bilhin lahat ng gusto niya, kundi dahil engaged siya kay Exequiel. Hindi ko rin ikakaila na bagay silang dalawa at alam kong sila ang dapat na magpakasal.


Bakit ko ba patuloy na sinasaktan ang sarili sa mga ganitong bagay?


Aalis na sana ako pero nakita ako ni Raichel. Akala ko ay hindi niya ako papansinin kaya nagulat ako ng tawagin niya ako.


"Soren!" Tinaas niya pa ang kamay niya para kumaway sakin. Nakangiti siya pero halatang nangaasar.


Kahit hindi na ako nagt-trabaho dito, I don't want to be rude. Ayoko man, lumapit ako sa pwesto nila. Napaharap narin sakin si Kiel at seryoso lang ang tingin niya.


"Sa'n ka pupunta?"


"Uh... mag grocery ako."


"Ah, talaga? Balak ko rin sana para may maitulong ako kina Tito," bumungisngis ito at kumapit na naman sa kanya. "Pwede sumama? Don't worry, sasama rin si El at siya na magdadala ng mga bags!"


Napangiwi ako. Akala ko masaya na ang araw ko pero bakit ganito? Parang paulit ulit akong kinakarma.


"Okay lang sayo, 'di ba, El?" Malambing na sambit ni Raichel.


Nagkatinginan kami ni Kiel. Hindi ko mawari kung anong ipinapakita niyang emosyon at hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.


"If that's okay with Soren."


Nagulat ako sa sinabi nito at napayuko nalang. Ano ba, Kiel! Tinignan ako ni Raichel at tinaasan ng kilay na para bang sinasabi na pumayag ako kundi makakatikim ako sa kanya. Hindi ako natatakot sa kanya pero alam kong wala rin akong choice.


"Okay lang sakin. No problem."


Nagsukatan na naman kami ng tingin ni Kiel. Sa huli, ako nag iwas ng tingin. Natuwa si Raichel at pumalakpak pa. She looks like a penguin. Naglakad ito habang hila hila si Kiel, halatang excited. Nakasunod lang naman ako sa kanila, maintaining a 5 meter distance between them.

His Endgame [COMPLETED]Where stories live. Discover now