Chapter 14

10 1 7
                                    

(A|N): sa mga nacucurious kung bakit sofia the first ang pang asar ni Jairo kay Tanya kasi po Sofia po ang second name ni Tanya sa mga nakalimutan na buong name nya ayan na po HAHA.

Enjoy reading! Don't forget to vote✩ Thankyou!

Tanya's POV

"Sofia the first!" Tawag sakin ni Jairo.

"What now?!" Inis kong sabi sakanya. Kanina pa sya ganyan ako daw si Sofia the first nakakarindi.

"Meron ka ngayon sis?" Kunwaring sincere na tanong nya.

"Raulo!" Tsaka ko sya binatukan.

"Aray ha! Pinag-lilihian mo ba me?"

"Gago!" Tsaka ako nag walk out sa classroom.

"Tanya!" Narinig ko pang tawag ni Blaire pero di ko na to pinansin bwisit na Jairo nayan.

"Hoy hoy yow yow watsup!" Bati ni Adonis. Great! Nadaan ko pa tong tatlong mokong nato.

"Wag moko ma yowyow dyan baka masuntok kita ng di oras."

Tinaas nya ang dalawang kamay nya na para bang suko na sya.

"Chill ka lang po ma'am." Singit ni Adrian. Sinuntok ko sya sa tyan pero antigas ede kayo na may muscles.

Napangiwi at napasigaw sya sa sakit kaya naagaw namin ang atensyon ng tao dito sa hallway.

"Bro olats ka pala eh!" Tumawa ng malakas si Adonis da mokong.

"Bro pakisabi nalang sa pamilya ko mahal na mahal ko sila." Niyugyog pa nya ang magkabilang balikat ni Adonis.

Inirapan ko nalang ito at tumingin kay Zach na walang pakielam sa mundo.

"Why are you so pissed?" Malamig ngunit may diin na tanong nya.

"Si Jairo kasi! Nakakainis." Para akong nagsusumbong sa magulang.

He groaned.

"You two let's go. We are wasting our damn time here." Tsaka sya dere-deretsong umalis. Problema non? Bakit pa parang ang init ng dugo nya pag binabanggit ko si Jai?

Nag ring na ang bell kaya naglakad na ako pabalik sa room ng may marinig ako.

"Grabe yang taga section a nayan kala mo kung sino."

"Bakit nya ginanon si bebe Adrian? sumosobra nayan."

Humarap ako sa dalawang babae na nagsabi non. Tuma-timing pa tong dalawa na to makakatikim kayo ngayon ng "Tanya's Bad mood 101"

"Shut up! Kayong dalawa wala kayong alam! Kung lalaitin nyo man ako pwede ba sa hindi ko maririnig. Ako? Sumosobra? Eh kung kayo kaya ang badmood tapos aasarin kapa ng mga kaibigan mo? Sinong di maiinis don diba?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"A-ah eh opo sorry po!" Sabay nilang sabi at tsaka tumakbo paalis. I smirked.

Pagbalik ko sa classroom bumungad sakin ang mga amaze na amaze na classmates ko at pumapalakpak pa.

"Baka Tanya yan ng Section A!"

"Iba magalit ang Tanya nyo!"

"Hoy Adrian at Adonis wala pala kayo eh!"

Napairap nalang ako sa mga komento nila at bumalik sa upuan.

"Jusko po Tanya nyo badtrip." Tsaka hinawakan ni blaire ang mgakabilang muka ko.

I Already Found My Safe PlaceWhere stories live. Discover now