Chapter 5

27 7 0
                                    

"Huy Angel. Parang nakakita ka ng multo ah. Ano ba kasing tinitignan mo dun" tanong ni Kyla.


Napilitan akong humarap sa kanya.


"Eh ano kasi si ano kanina pa nasa pinto" sabi ko sabay turo sa may pintuan.


"Sino? Sa may pinto? Wala naman ah" sabi niya habang nakatingin sa may pinto.


"Kanina nandyan si-"


"Angel"


Tawag sa akin Francis, isa sa mga kaklasi namin.


Galing siya sa labas. Baka nakita niya si Rayleigh.


"Nakita mo ba si Rayleigh?" tanong ko


"Si Rayleigh yung nakita mo?" singit ni Kyla.


"Oo. Kanina ko pa napansin na may tao sa malapit sa pinto. Tumitingin tingin siya direksiyon namin. Siya ata talaga iyon" paliwanag ko.


Lumapit sa akin si Francis. May inabot siya sa akin. Nang makita kong maayos kung ano iyon, nagulat ako.


"Teka. Wallet ko ito ah. Paano napunta sayo ito?" tanong ko.


"Inabot sa akin nung isang lalaki kanina. Di ko kilala eh. Sabi niya abot ko daw sayo ito. Naiwan mo daw sa canteen kanina." paliwanag ni Frances.


Agad akong lumabas ng classroom. Pagkalabas ko, wala na siya doon.


Pumunta din ako sa may hagdan sa pagbabakasakaling nandun siya kaso wala din siya dun.


Asan na yun? Nagteleport?


Bumalik na lang ako sa classroom namin.


"Nakita mo ba? Si Rayleigh ba talaga iyon?" tanong ni Kyla.


"Hindi ko alam. Hindi ko na siya inabutan" sabi ko


Bumalik na ako sa upuan ko.


"Yun siguro ang dahilan kung bakit kanina pa siya pasikip silip sa may pinto" sabi ni Kyla.


"Ang ingay niyo kasi. Baka kanina niya pa niya ako tinatawag, di ko lang narinig" sermon ko sa mga kasama ko.


"O baka naman nahihiya lang siyang lumapit sa iyo. Hindi ba mahiyain iyon" sabi ni Mark.


"Mahiyain? Dati siguro, oo. Pero iba na ngayon. Kanina lang pinagpipiyestahan siya ng mga estudyante. Andaming nakapalibot sa kanya kanina" sabi ni Kyla.

Trust Me My AngelWhere stories live. Discover now