Chapter 3

30 7 0
                                    

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi siya ang kilala kong Rayleigh.


Ang kilala kong Rayleigh, mailap sa tao. Ayaw na ayaw niyang nagiging center of attention.


Pero ano itong ginagawa niya ngayon? Bakit bigla na lang siyang naging friendly?


"Uy Angel. Kanina ka pa nakatingin dun ah. Sino ba kasing tinitignan mo?" usisa ni Joshua.


"Wait, hindi ba si Rayleigh iyon? Siya ba yung pinagkakaguluhan kanina?" paliwanag ni Kyla.


"Hindi ko din alam-"


"Angel. Long time no see pare" tawag ng kung sino.


Napatingin ako kung sinong tumawag. Si Clyde lang pala. Bago ko pa siya sagutin. Napalingon muna ako sa direksiyon ni Rayleigh.


Napatingin din siya kay Clyde. Ilang sandali lang, biglang nagtama ang paningin namin.


Agad din siyang umiwas ng tingin at muling tinignan sa mga kumakausap sa kanya.


"Ay dedma. Ilang buwan na nga tayong di nagkita, di mo man lang ako papansinin" singit ni Clyde.


What happened caught me off guard. Pilit na lang din akong tumingin kay Clyde.


"Andyan ka pala?" pabiro kong sabi.


"Hindi. Wala ako dito. Imagination mo lang ito. Masyado mo akong namiss kaya pati ang imagination mo, ako ang laman."


Natawa na lang ako sa reaksyon niya. May kasama pa kasing hand gestures ang sinasabi niya. Medyo oa din itong lalaking ito.


Bagay sila ni Juswa.


Dahil halos magkatapat lang kami ni Rayleigh at wala nang nakaharang sa paningin ko, konting galaw lang ng mga mata ko ay agad ko na siyang makikita.


Nahuli kong nakatingin si Rayleigh ka Clyde.


Bakit ang sama ata ng tingin niya kay Clyde? Nagaway ba kaya itong dalawang ito. Medyo close naman sila dati ah.


"Pwera biro, namiss ko kadaldalan mo." sabi ni Clyde.


Nagbakasyon kasi sa Bulacan itong si Clyde. Medyo malapit lang naman iyon dito sa Pampanga pero dalawang buwan din kaming hindi nagkita.


Pinalo ko ang braso niya. Tagal na nga naming hindi nagkita, pangaasar pa una niyang ginawa.


"Aray naman. Di mo man lang ako namiss? Tagal na nating di nagkita, hampas pa unang gagawin mo sakin." sabi niya habang hinihimas niya ang braso niya.

Trust Me My AngelWhere stories live. Discover now