STB 26: getting closer?

Start from the beginning
                                    

" I-I'm sorry about that ms. Ku--Charlotte.. I was just uhm, hate teachers who---"

" its okay ms. Valderama" lihim akong napangisi dahil sa agad nyang pagputol sa sasabihin ko, so takot syang malaman ang ginagawa nya? haha..

" teachers who--- what?" curious na tanong ni James tsk! kaya gustong gusto kong partner in crime tong pinsan kong to eh, alam nyang sumabay haha..

" well its--" bastusin! hindi na naman ako pinatapos sa pagsasalita, putulin ko kaya dila neto?

" its nothing sir, anyway, ngayon ko lang nalaman na may girlfriend ka na pala!" pagiiba nya nang usapan kaya napa roll eyes nalang ako, buset eh!

" ah yeah! ngayon lang kasi sya dumating galing states kaya ayun" sabi naman ni James...

" oh? Galing pala syang states? in fairness hindi halata" mahina lang yung last part na sinabi nya pero narinig ko pa rin dahilan para tumaas ang kilay ko, epal neto!

" ehem, may sinasabi po kayo ms. Kul-charlotte?" tanong ko samantalang tong katabi ko alam kong nagpipigil na nang tawa, buset! mabulunan sana sya..

" wala naman, ang sabi ko I'm sorry for attacking you a while back" sabi nya habang nakangiti ng plastic, mas lalo tuloy syang pumanget psh..

" I'm sorry din ms. Ku--Charlotte kung nabastos ko man kayo" sabi ko naman as I smiled sweetly ha! mas maganda kase ako sa kanya tsh!

" okay, then its settled then, lets finish our food" sabi naman ni James kaya nagpatuloy na kami sa pagkain..

_end of flashback_

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan kung paano malukot yung mukha ni kulot kagabi habang nagiging sweet sa akin si James, langya! punit na yung table napkin eh! ang ganda talaga nyang pagtripan muahahahaha!

" what does it take to get you... Hmmm hmmmm hmm"

Pakanta kanta akong naglalakad habang papunta sa class D, gusto kong makita kung anong gagawin ni kulot ngayong nalaman nya na kung sino nga ba talaga ako..

Binuksan ko ang pintuan at saka dumiretso sa upuan ko, wala akong pake alam kung nakatingin silang lahat sa akin, maganda kasi ako eh tsk!

Nang makaupo ako ay agad akong umub ob habang naka earphones pa rin at nakikinig sa favorite kong kanta..

--------------

Tj's POV

Naka ubob lang ako sa mesa ko habang nag iingay naman ang buong class D, grabe kasi yung natamo ni Rave kaya hindi muna sya nakapasok ngayon,, kanina pa din sorry ng sorry yung ibang taga dito kasi nahuli daw sila at muntikan na rin kaming mapuruhan..

" okay na yun, walang kaso at pamilya tayo dito kaya dapat walang na aargabyado" sabi ni Ace, sya kasi ang kumakausap sa kanila dahil masyado kaming pagod sa nangyari kagabi...

Weak lang naman yung mga nakalaban namin kagabi pero ang dami kasi nila kaya nabangasan din kami,. Tsk! ang sakit tuloy nang panga ko, nagkapasa pa yata...

Kumunot ang noo ko nang tumahimik ang paligid.. Nagtatakang iniangat ko at ulo ko saka napatingin kayla Cj.. At sa iisang direksyon lang sila nakatingin kaya sinundan ko ito..

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si witch, at ang malalala, nakangiti si witch! what the fvck? guguho na ba ang mundo? tapos eto na naman yung puso ko.. ANg lakas nang tibok shit! may sakit ba ako sa puso? tanginang witch yan! kinulam talaga ako!

Huminga ako nang malalim habang nakahawak pa rin sa may dibdib ko, buset talaga, tapos habang nakatingin ako sa kanya.. Feeling ko ang liwanag at nakakasilaw pero hindi ko naman maalis ang tingin ko.. ANo ba to?! can somebody explain this to me?

She's the Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now