Kabanata 14

5 0 0
                                    

Tahimik lang akong nakikinig sa sermon ni daddy sa loob ng office. Dalawang araw na simula ng makalabas ako ng ospital at ikinagagalit pa rin niya ang agaran kong paglabas doon. Magkasalop ang mga kamay ko at bahagyang nakayuko.

"You disobeyed me again Clara. I said take care of yourself anak... " Napaismid ako.

"Ikaw na lang ang meron ako at ang mommy mo." Napaharap ako sa sinabi niya. Matagal na rin nang makarinig ako ng ganoong salita galing sa kanya. "I'm sorry daddy. I will take care of myself now."

"No Clara, I'm sorry anak. I am wrong with my actions towards you. Hindi ko gustong gawin 'yon pero nagawa ko na, hindi ko lang kasi matanggap na wala na ang kuya Clark mo. Ikaw na lang na prinsesa namin ang nandito." Nakikinig lang ako kay daddy sa mga salitang hindi ko akalaing masasabi niya pa sa'kin ng harapan pagkatapos ng mga nangyari, palagi kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ni kuya na kung hindi niya sinalag ang bala na patungo sa'kin ay buhay pa siya at ako ang nawala.

"I do my very best to make you proud daddy, lahat 'yon ginawa ko para sa'yo para kahit papaano maibsan ang lungkot mo sa pagkawala ni kuya." Medyo naluluha nang sabi ko, hindi ko mapigilan.

"Wala ka'ng kailangang patunayan anak. Anak kita. You always do your very best, nakikita ko'ng lahat ng 'yon." Ngumiti si daddy sa'kin pagkatapos ay niyakap ako kaya napayakap na rin ako at naiyak. This is the moment I've wish before.

"Tama na nga 'to anak, ayoko ng gan'to, baka maiyak pa ako." Ang tigasin kong ama ay lumambot muli ang puso. "Wait... How about you and Keanno?" Umalis ako sa pagkakayap kay daddy at hinarap siyang mabuti. Naalala kong nandoon nga pala si daddy sa hospital room ko no'ng nakaraan at nakita niya si Keanno kaya lang ay hindi naman niya ito kinausap. It's better to say the truth. Kahit pa magalit si daddy.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "We ended our relationship, dad." Hinanda ko na ang sarili ko sa mga salitang sasabihin niya pero ilang minuto ay hindi pa rin ito sumasagot.

"It's good Captain, you made the right decision." Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko.

"Paano---,"putol sa sasabihin ko.

"Kiervo Romano is now in jail."

Anong kinalaman ng isang kriminal sa usapang ito?

"What's with Kiervo Romano in this conversation, dad?" I curiously asked. Hindi ko alam ang ipinupunto ni daddy.  Sinimulan niyang magtanong tungkol kay Keanno pero isisingit niya naman ang ibang tao sa usapan. Daddy!

"He's your ex-boyfriend's brother."

"What?!... Paanong?" Nabigla ako sa binanggit niya. Bahagyang ini-usod ni daddy ang swivel chair niya at may kung anong kinuha sa ilalim ng mesa.

"We have a research about Kiervo Romano." Inilapit sa'kin ni daddy ang kinuha niyang files. Agad kong inabot iyon at tiningnan ang laman, medyo makapal rin ang pahina nito.

Kiervo Romano Enriquez

Sandali kong binasa ang pangalan niya pagkatapos ay ang iilan pang detalye tungkol sa kanya. Pamilyar rin ang kanyang mukha na parang nakita ko na pero hindi ko naman matandaan kung saan.  Nagmamay-ari ng isang sikat na casino at ilegal na pagawaan ng baril.

Biglang tinapik ni daddy ang lamesa kaya napatingin ako sa kanya. "Turn the page." Inilipat ko naman iyon at nakita ang mukha ni Keanno. I turn the page back from the start, where Kiervo is in. Pinaglipat-lipat ko iyon at pinagdikit ang mga litrato.

Kaya pala pamilyar ang mga mukha, Kiervo is the eldest.

Keanno Romano Enriquez

Hindi ko kasi napapansin noon ang buong pangalan ni Keanno he even say it but he don't have a middle name, ni wala siyang nababanggit tungkol sa pamilya niya. He changed a lot.

Celestine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon