Kabanata 6

7 1 0
                                    

Mabilis ko rin narating ang lugar kung saan kami magkikita ni Inspector Leo. Nauna na ako, siguro ay pagkalipas pa ng kalahating oras siya makakarating. "Naiinip ka na ba Max?," tanong ko sa alaga kong aso na akala mo naman talaga ay sasagutin ako. Isinama ko kasi si Max dahil minsan na lang din kaming magkasama. I tap his head that makes his chin rested to my right shoulder.

Kumuha ako ng dog food na nakalagay sa may paper bag. Inilahad ko ang kamay ko at marahang niyang kinain iyon.

Sandali akong lumingon sa labas, madilim ang paligid isang poste na lang ng ilaw ang nagsisilbing liwanag dito, sobrang tahimik na din ng paligid. Malayo kasi ito sa mga bahay-bahay dito.

"Oh Max!," nagulat ako ng dinilaan ako sa pisngi ni Max. Humarap siya sa may paper bag na pinagkuhaan ko kanina ng pagkain niya. Nanghihingi pa siguro.

"Ang laki mo na baby Max." Sabi ko pa at hinimas muli ang ulo niya. Bigla siyang napatigil sa pagkain at humarap sa may labas ng kotse. Nag-ngangalit ang labi niya sa 'di ko malamang dahilan. "Calm down Max." I tapped his head again.

"Baka pusa lang siguro 'yon at napadaan sasasakyan ko." Mahinang bulong ko sa sarili. Lumabas ako at tiningnan kung ano iyon. "Ang lamig." Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig na dumapi sa aking balat. Nakasuot lang ako ng black sando na pinapatungan ng black leather jacket at black cargo pants. Wala naman ako sa ibang bansa pero parang ang lamig parin. Ang tagal mo Leonel.

"Ayy!!!," nagulat ako nang may dumaan na kung ano sa harapan ko at naramdaman muli ang lamig sa aking balat pati ang mga balahibo ko sa braso ay nagsitayuan. Sinundan ko iyon at sinilip ang ilalim ng sasakyan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may nakatayo roon. Ibig sabihin ba may nakasunod na sa akin galing sa mga high personnel? Naku po nalintikan na!

Nakayukong sinundan ko ang pares ng mga paa na iyon sa likod ng sasakyan ko. Mahihinang yabag lang ang ginawa ko para hindi makagawa nang anumang ingay at nang sisilipin ko na ulit ay nakakapagtakang walang tao roon. Napabalik ulit ako sa pwesto ko malapit parin sa likod ng sasakyan ko sabay hawak sa dibdib.

"Hey!!!,"

"Ayy gag*!," nabigla ako sa presensya ni Leonel. Kung saan-saan kasi sumusulpot. "Yes I know." Seryoso ang pagkakasabi niya no'n but I'm not intended to say that.

"I'm sorry Inspector." Agad akong nanghingi ng tawad dahil baka hindi pa ako makatulog at ma-konsensya dahil sa nasabi ko sa kanya. He simply nodded and help me to stand up.

Seryoso akong tinitigan ni Leonel na nasa harapan ko na ngayon. "Hey, what happened Clara? Bakit mukhang gulat na gulat ka? May nangyari ba habang wala ako, I'm sorry. May nangyari lang." He explained.

"Ah kanina ka pa ba?" I asked him that make his brows furrowed.

"No, halos kararating ko lang din, bakit? Ah miss mo na siguro ko 'no?," itinaas ko ang kamao ko paharap sa kanya. Natahimik naman siya.

"Okay, akala ko kasi kanina ka pa dito at tinataguan mo lang ako." He laughed after I said that.

"Bakit nga pala nasa labas ka nang maabutan kita kanina?"

"May nakita kasi ako kanina ang akala ko may naka-sunod na sa atin, wala naman pala, baka namalik-mata lang ako." Sabi ko sa kanya.

"I'm sorry if you waited for me in a half time. Basta sa susunod 'wag ka'ng lalabas sa sasakyan mo lalo na at mag-isa ka lang, madilim pa ang paligid. Just take care of yourself my love." Pagkasabi niya no'n ay hinila na niya ako papasok ng sasakyan. "Teka Leonel, ang sasakyan mo nasaan?"

Celestine (Completed)Where stories live. Discover now