"Kyla, kilala mo ba yung lalaki kanina" tanong ko.


"Luh. Patingin ka na nga sa doktor. Daig mo pa ulyanin. Pati mukha ng anak ng Tito Frank mo, nakalimutan mo na agad."


Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang segundo lang ay naisip ko na siya nga yun.


"Ay oo nga noh." Casual kong sagot.


"Problema mo? Bakit pati mukha ng mga matagal mo namang nakakasama, nakakalimutan mo? Two years lang naman kayong hindi nagkita ah." tanong ni Kyla.


"Una sa lahat, tumangkad siya. Din naman siya ganun katangkad dati. Pangalawa, alam mo namang hindi ko na siya nakakasama nung high school tayo. Lastly, hindi ganun ang itsura niya dati." halos pabulong ko nang sinabi yung huling part. Napalalim kasi ang iniisip ko.


"Sabagay. Uy, mukhang namiss ka niya. Hindi ba sa Maynila na siya nag-aral ng senior high? Bakit kaya naisipan pa niyang bumalik dito?" usisa niya.


"Aba malay ko. At saka anong miss? Di naman kami close nun. Baka namali lang siya ng tinawag. Malabo ng mata nun. Eh wala naman siyang suot na salamin kanina." paliwanag ko.


"Huwag na lang nating pansinin yun. Pasok na tayo. Baka malate na tayo." aya ko sa kanya.


Sinimulan na naming akyatin ang pagtaas-taas na hagdam. Mabuti na lang at sumunod na lang siya at hindi na nangulit pa.


Nasa ikatlong palapag pa lamang ay pagod na kami. Paano na lang kami niyan? Araw araw, first period pa lang, haggard na.







Matapos ang matagal tagal na pag-akyat, nakapasok na kami sa classroom namin. Obvious naman siguro na magkaklasi kami nitong si Kyla.


"Uy Angel!" tawag ng kung sino sa akin.


Linibot ko ang mga mata ko at nalaman kong si Joshua ang tumatawag sa akin.


Kinakaway pa niya ang mga kamay niya para agad ko siyang mapansin. Mukhang inaaya niya kaming umupo sa tabi niya.


Alam ko naman ang dahilan kung bakit gusto niya kaming makatabi. Si Kyla kasi, consistent honor student kaya maaasahan sa kopyahan.


Ako naman, ganun din pero sumasabit lang ako sa honors. Hindi ko kasing talino si kuya. Sadyang gusto lang sigurong makipagdaldalan ni Joshua sa akin.


"Bakit Juswa?" tanong ko.


"Anong Juswa naman. Pagkagwapo gwapo ng pangalan ko, sinisira mo. Dito na lang kayo umupo. Kabilaan kayo para may makopyahan ako left and right. Ito oh pinagreserve ko na kayo ng upuan." paliwanag niya.

Trust Me My AngelWhere stories live. Discover now