Chapter 23. Memory

306 12 0
                                    


Chapter 23. Memory

Third Person's Pov

"Oh, anong nangyari sa inyo mga apo? Jusko, mukha kayong mga basang sisiw!!" nakapamewang na saad ng matanda kina JN, NJ, Sha-sha nung makita niyang basang-basa na umuwi ang mga ito.

Hindi naman napigilan ni Sha-sha na mapabungisngis kaya natuon sa kanya ang ang atensyon ng tatlo na pawang may mga tanong na mababakas sa kanilang mga mata.

"Eh kasi po, lola, ang likot ni ate JN kaya ayun, tumaob yung bangka, buti na lang po, marunong akong lumangoy" saad ng sampung taong gulang na si Sha-sha habang tatawa-tawang pinipispis ang kanyang suot na damit.

Napailing naman ang matanda sa kanila bago ito muling nagsalita.

"Hala sige, magsipasok na kayo at ng makapag-palit na kayo ng damit. Ang dudungis niyo."

"Eh lola, ano pong ulam?" pahabol na tanong ng dalagang si JN nung makapasok na ang dalawa sa loob.

Ngumiti naman ang matanda sa kanya at iiling-iling na lumapit sa kanya bago niya ito inakbayan.

"Iyong paborito bong sinigang na bangus. Hay nako, ang mabuti pa apo, magpalit ka na, baka magkasakit ka niyan" nakangiting saad ng matanda na siyang kinatango naman ni JN.

Pinagmasdan ng matanda ng tingin ang dalagang si JN habang papasok ito sa kanilang maliit na bagay. The old lady let out a deep sigh and shooked her head.

Mula nung magising ang dalaga ay wala na itong maalala ngunit ang binata ay may naaalala at ang problema lang ay ayaw nitong magkwento kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Nababahala din siya dahil lagpas dalawang buwan na magmula nung tumira sa kanya ang dalawa ngunit ni isang bagay tungkol sa kanila ay wala siyang nalaman.

Ang natitiyak lang ng matanda ay hindi magkapatid ang dalawa, kumabaga para silang magkasintahan ngunit ang dalaga ay walang maalala tungkol sa bagay kung anong meron sila nung binata. Muling napabuntong-hininga ang matanda bago ito sumunod sa kanyang mga apo papasok sa loob ng kanilang bahay.

Umaasa siyang, isang araw ay bumalik na ang ala-ala ng dalaga dahil ayaw naman ng binata na umuwi sa kanila kung ganun ang kalagayan niya. Sigurado siyang ni isang miyembro ng pamilya niya ay hindi niya maalala. Nagkaroon ito ng amnesia dahil sa malakas na pagkakabagok ng kanyang ulo at hanggang ngayon ay umaasa parin siyang balang araw, magiging maayos din ang kalagayan nung dalawa.

"Kuya NJ? Ano pong ginagawa niyo dito?" Napalingon ang binatang si NJ nung makarinig ng mahinhin na boses mula sa kanyang likod.

He glanced on that girl amd here he is again, trying to hide what he really felt for the fact that he's love one don't remember him. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nangyayari ito sa kanila. Everything is perfect before but right now, he don't know, he just wan't to be remembered by the girl he loves the most.

He shooked his head and gave her a smile na hindi naman umabot sa kanyang mga mata. Hanggang kailan siya magpapanggap na kapatid ng babaeng mahal niya? It's been two months but the hell, she's calling him kuya that made him eager even more to find a way kung paano ba maibabalik ang nawala niyang mga ala-ala but the problem is, how?

"I've been thinking something" mahinang saad niya ngunit ang pagiging seryoso ng kanyang boses ay naroon parin at mababakas. Napailing siya sa sarili. He can't change the way he talk but when it comes to her, he's voice is calm with a hint of care and love on it.

Hindi na nga siguro iyon magbabago dahil sa tuwing nakikita niya ang maganda at masiyahing mukha ng kanyang minamahal ay nagiging kalmado siya sa lahat ng bagay.

My Spoiled Brat Girl✔(Janice Lane Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon