CHAPTER 3

3.7K 113 1
                                    

CHAPTER THREE

Maaga akong nagising ngayon para magluto ng breakfast namin. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6 am pa lang ng umaga.

Tulog pa ang dalawa kaya maingat na bumaba ako sa kama at nilagyan ng unan ang magkabilang gilid nila para hindi sila mahulog.

Naghilamos at nag toothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto. I tied my hair into a messy bun. Hinanda ko na ang mga ingredients para sa lu-lutuin ko. Nagsaing na din ako ng kanin.

I will cook for breakfast a sinigang. The girls love sinigang.

Ilang oras lang ay luto na ang sinigang. Pawis na pawis ako pagkatapos. Medyo mainit sa kusina dahil hindi abot ang aircon banda rito.

Kumuha ako ng malinis na towel at pinunasan ang pawis ko sa mukha pati na din sa leeg.

"Sinigang!" I heard Alyssa's voice near at the kitchen.

Napatawa ako. Kahit kailan talaga 'tong si Alyssa.

Ilang sandali ay pumasok na 'to sa kusina kasama si Aaliyah na kinu-kusot pa ang mga mata habang nakakapit sa braso ni Alyssa.

Tinapos ko muna ang pagpunas ng pawis ko. Pagkatapos kong magpunas ng pawis ko ay nilagay ko muna sa may high chair ang towel na ginamit ko pampunas ng pawis.

"Come here babies," I said sweetly.

Agad namang lumapit ang dalawa sa akin at yumakap.

"Morning," bati ko sa dalawa at hinalikan sila sa pisngi.

"Morning too, Mommy!"

"Morning, Mommy."

Hinalikan naman nila akong dalawa sa magkabilang pisngi ko kaya napatawa ako.

Ginulo ko ang buhok ng dalawa bago tumayo ng maayos.

"Let's eat girls," sabi ko sabay buhat kay Aaliyah sa high chair. Sunod naman ay si Alyssa.

They giggled.

Tumalikod muna ako sa dalawa para ilagay sa malaking bowl ang niluto kong sinigang.

"Ako na po rito, Ma'am," napatingin ako kay ate Leona na nasa tabi ko na. Mukha 'tong kakagising lang.

I smiled. "Sige, Ate." Binigay ko rito ang hawak na bowl at sandok. Binalingan ko na lang ang pagsandok ng kanin.

Pagkatapos nun ay kumuha ako ng baso at pitsel saka nilagay 'yon sa harap ng dalawa.

Sinalinan ko muna ng tubig ang baso ng dalawa bago umupo. Naihanda na rin ni Ate Leona ang mga plato at kutsara sa lamesa.

Inabot ko ang pang sandok ng kanin at nilagyan ng kanin ang mga pinggan nila Alyssa at Aaliyah.

Napapalakpak naman si Aaliyah ng makitang nilalagyan ko ng kanin ang plato niya.

Pagkatapos ay isa-isa ko namang nilagyan ang maliit na bowl nila ng sinigang.

Umupo na rin si Ate Leona sa tabi ni Aaliyah.

Nagsimula na kaming kumain. Pero bago 'yon. Aaliyah lead the prayer.

Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan ko na ang dalawa.

Kahit naman kasi may yaya ang dalawa gusto ko paring ako mismo ang mag alaga at umasikaso sa kanila. I want to be a hands-on mother. Ayaw kong napapabayaan ko ang mga anak ko.

"Behave in class Alyssa okay?" paalala ko rito ng maihatid ko na sila sa school. Kasama nila ang yaya nila.

Sumimangot naman 'to bago tumango-tango.

HIDING THE FUCKBOY'S CHILDREN [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ