Chapter 2

6.4K 153 1
                                    

(Hannah's POV in Astria's Body)

" Hahaaayyy" hikab ko at nag binat ng katawan, iminulat ko ang mata ko at ngumiti

" Thank you papa God at binigyan nyo po ulit ako ng pag kakataon para magising at makita ang pamilya ko , in the name of the father of the son and of the holy spirit. Amen. " masayang saad ko at umupo na

" Ehhh??? ba't wala sila Mama at Papa? pati rin sila kuya Yuno at si Yohan din? at bakit iba ang itsyura ng kwarto ko?" yung VIP room kasi dito sa Hospital na ito ay naging Kwarto ko simula ng ma confined ako ng 10 years old ako sa hospital na ito dahil sa sakit kong leukemia at sakit sa puso

 
Hospital naman ito na pag mamay ari ni papa Kaya okay na okay Lang syempre linagyan pa nga nila ng mga design eh para mukhang nasa bahay lang namin ako, at  dahil sa lumaki ako dito at di pwedeng lumabas ng hospital, eh hospital na naging tahanan ko, alam ko na ang pasikot sikot sa buong hospital na ito at kilala ko na rin ang mga empleyado dito, dito narin ako nag aral kumuha si papa ng mga teacher na pwede saaking mag turo , at gaya ng normal na estudyante eh guma-gagraduate din ako kaso mag isa nga lang, kasama ang pamilya ko, ka ga-graduate ko lang din bilang isang nursing student ng nakaraang taon , pero syempre dahil bawal naman akong mag trabaho kasi mahina ako, eh naging display nalang ulit yung diploma ko , pero okay lang naman saakin yun..

" So you're awake now" napatingin naman ako sa nag salitang lalaki at nakaka takot ang itsyura nito ay hindi naman sa nakakatakot dahil pangit kasi ang gwapo nga eh , sadyang para kasi syang masungit walang expression ang mukha, di gaya ng papa at mga kapatid kong lalaki masiyahin.

" Waaaahhhhhh sino ka???? pano ka naka pasok sa kwarto ko???? nasaan ang pamilya ko???" takot na tanong ko , napa kunot naman ang noo nya, kaya mas natakot ako pa ako lalo sa kanya

" Uwaaaahhhh papa, mama, kuya yuno, Yohan, nasaan na kayo??? may naka pasok na lalaki sa kwarto koooo"  sigaw ko , pero tiningan nya lang ako na wala man lang expression sa mukha

" Uwaaahhh, wag mo akong saktan sir,    mabuti po akong tao " saad ko at pinag dikit ang dalawang palad ko

kinuha nya naman ang ang cellphone nya sa bulsa nya at may tinawagan...

"Your child is acting strange" walang expression na saad nya ... lalapit sana sya saakin kaso agad ko syang pinigilan

"Hinto! wag kang lalapit, kung ayaw mong mahampas nitong unan sige ka, sige ka" saad ko at napatayo na sa kama habang hawak ang isang unan,

pero patuloy parin sya pag lakad palapit saakin

" uwaaahhhhh, kuyaaaa , tulonggggg" sigaw ko at inalis ang mga nakakabit saakin at tumakbo palayo sakanya

"are you fucking out of your mind? do you fucking have an amnesia?" tanong nya, hala ba't wala talagang expression ang mukha nya pag nag sasalita?

" hindi,  hindi ako nasisiraan at, wala akong amnesia, hindi talaga kita kilala! hindi pa kita nakikita mula noon" saad ko

" what happened here? Astria? what are you doing?" napatingin naman ako sa nag salita at isa itong babae na parang matanda lang kay mama ng ilang taon, tapos sa tabi nito ay kahawig ni papa na lalaki pero mukhang mas matanda lang kay papa ng ilang taon ,

" ha? sino kayo? pano kayo naka pasok sa kwarto ko? waahhhh mamaaa, papaaa, nasaan na kayo??? bakit may mga tao dito na hindi ko kilala???" saad ko at umiyak na

" Astria? what are you talking about? we're your parents? do you have an amnesia?" tanong ng babae

" Hindi! hindi kayo ang mangulang ko! at sino naman po si Astria?" tanong ko

" you! you're Astria our only daughter" saad ng lalaki

" weh, di nga, wag nyo nga po akong pinag loloko sir , ang pangalan ko ay Hannah, hindi Astria , tsaka hindi din ako nag iisang anak ng magulang ko, may dalawa akong kapatid na lalaki, isa panganay isa bunso" saad ko at tumayo ng maayos

" ngayon po, pwede na kayong umalis, sama nyo na rin po yang nakakatakot na lalaki" saad ko at tumingin sa lalaking walang expression ang mukha at linakihan ito ng mata, tsss kala mo kung sino eh basta basta nalang pumasok dito ...

" excuse me muna po, gagamit lang ako ng banyo" saad ko at  linagpasan na sila

" huh, akala naman nila maluluko nila ako, ano sila ? si kuya Yuno at si Yohan na magaling sa lukohan??? tsss" saad ko at tumingin sa salamin ,

" ehhh??? sino ka? " saad ko sa kaharap kong babae , tinuro ko sya at tinuro nya naman ako, nag wave ako at nag wave rin sya, hinawakan ko ang mukha ko at hinawakan nya naman ang mukha nya,

" w-wag mong sabihing?" lumapit ako sa salamit at lumapit din ito, hinawakan ko ang salamin at hinawakan nya rin ito

" a-anong? p-papano? waaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!" sigaw ko , at bigla namang bumakas ang pinto ng banyo at pumasok yung lalaking walang expression ang mukha kaya agad ko itong linapitan

" s-sir, sino yang nasa salamin? wag mong sabihing ako yan?" saad ko sakanya at lumapit ulit sa salamin

" it's you" saad nya na wala man lang talagang expression ang mukha

" waaahhh hindi hindi, hindi maari, nag pa retoki ba ako ng mukha??? pero wala naman akong na aalala, sir ikaw ba yung nag opera ng mukha ko kaya narito ka? pwede bang paki balik ng dati kong mukha? maganda naman sya, pero mas gusto ko yung dati kong mukha ehhh" saad ko at hinawakan sya sa mukha , pinag masdan nya lang naman ako

"Astria, what happened to you? You didn't have a face operation; did you forget your face too???" tanong ng babae saakin

teka lang...

" mama , nahihirapan akong huminga, ang sakit ng puso ko"

" inform the doctor "
sigaw ni daddy, kaya agad naman ni mamang pinindot ang red na bilog sa gilid ng higaan ko

maya maya pa ay may nag si pasukan ng mga doctor at nurse

" my baby, please fight" 
dinig kong saad ni mama na umiiyak ,

mama sorry, hindi ko na po , kaya, nahihirapan na ako ng sobra sa mga oras na ito, mukhang di na  kaya ng katawan ko,

Papa God, Please give me one more chance to live po, ayoko pa pong mamatay.

at matapos ko yung sabihin ay pumikit na ako dahil hindi na ako makahinga...

hindi kaya...

lumapit ako sa harap ng salamin at hinawakan ang mukha ko

hindi kaya binigyan ako ni papa God ng one chance para mabuhay, pero sa ibang katawan na,...

tumingin ako sa mag asawang naka tayo sa gilid ko , mukha silang masungit, pero hindi kaya sila na ang magulang ko ngayon?

Kaya ngayon, hindi na ako si Hannah Ysabella, ako na si Astria...

nahihilo ako...

*Blagag*

Woke Up With Mafia Boss Wife's Body (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon