Chapter 56

2.8K 81 0
                                    

Astria POV

" Kyaahhh Dammyyyyy namiss kita" saad ko ng makita ang Stuff toy ko na isda na nasa kama kaya agad ko naman itong linapitan at kinuha

" woah, di parin talaga nag babago din ang kwarto ko , at malinis pa rin" tuwang tuwang saad ko habang ilinibot ang paningin sa paligid

" Yes, lagi kasi itong linilinisan at binibisita ni mommy" napatingin naman ako kay kuya Yuno

" woah, talaga po? eh yung mga gamit ko po sa Hospital noon saan po naka lagay kuya?" tanong ko , itinuro nya naman ang isang hindi pamilyar na aparador sa gilid kaya linapitan ko ito,

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang mga damit ko na halos black na may pang rock n' roll na design , tapos yung mga hoodies ko, tapos yung ibang damit na binigay nila Nicky , Jaja, at natnat saakin noon yung iba kasi nasira na yun , Tapos naroon din yung lahat ng gamit ko talaga sa hospital , may mga naka box pa nga eh.

isinara ko na ang aparador at tumingin kay kuya

"mga gamit ko nga po talaga kuya ang saya naman po " saad ko nginitian nya naman ako

" By the way, hindi mo pwedeng dalahin yang si Dammy at kahit anong bagay na binigay sayo ng Boyfriend boyfriend mo ng bata ka pa, sa bahay ninyo ni Damon" saad ni kuya

" ehhh??? bakit po?" tanong ko

"baka itapon lang din naman yan ni Damon or baka sunugin pa alam mo naman ang ugali noon, kaya mas mabuti nalang na dito nalang ang mga iyan at least safe" saad ni kuya

" opo kuya, sige po" saad ko

" ay kuya pano po kaya kung dito nalang ako tumira? mas gusto ko dito ehhh tsaka mas gusto kong kasama po kayo, pwede po ba yun?" saad ko

" nope, Hindi papayag si Damon, also nasa katuhan ka rin ni Astria, kaya kung may dapat kang tirahan doon dapat sa bahay nila Astria, pero lagi namang bukas itong bahay natin sa'yo" saad ni Kuya Yuno, napa nguso naman ako

" nakaka lungkot naman po kuya" saad ko, lumapit naman saakin si kuya at yinakap ako

" it's okay, kapag sumang ayon ang lahat sa plano you will be free to live with us again" saad ni kuya, napatingin naman ako kay kuya

" ha? anong plano po kuya?" tanong ko, umiling naman sya

" nothing don't mind it, just always remember what i had told you before" saad ni kuya, ah yung about sa katauhan ko na wag na daw i kwento , lalo na kay Damon.

ngumiti naman ako kay kuya at tumango.

" very good" saad ni kuya , may na alala naman ako ,

" ay kuya teka lang po, tingnan ko lang  po kung naroroon pa ba ang box ko po na ang laman ay yung mga memories ko kay Dam po hehehe" saad ko at agad na binuksan ang cabinet ko ng bata pa ako at hinanap sa baba ang box na sinasabi ko at nakita ko nga ito kaya agad ko itong kinuha at binuhat

"Kuya, andito paaa" tuwang tuwang saad ko at dinala ito sa kama ko at naupo , umupo din sa kama ko si kuya at pinag masdan ang box na ilinapag ko

binuksan ko ito at una kong nakita yung hairband na binigay saakin ni Dam na may mga shell na design, kinuha ko ito at agad na lumapit sa cabinet ko na may salamin ang pinto , at sinukat ang hairband ,

" kuya ang cute cute oh" saad ko at masayang humarap kay kuya, nginitian nya naman ako , bumalik ako sa kama at tiningnan naman ang iba pang gamit, nandito parin ang panyo na itinali noon ni Damn sa tuhod ko ng matipalok ako at magasgas ang tuhod ko, nandito din yung kwentas na isda ang pendant , may bracelet din na mga shell at may isda din na design, nandito din yung jacket na pinahiram nya saakin noon kaso ng isasauli ko na ehhh sabi nya saakin na daw, nandito din ang regalo nya saakin na pink na Damit isang beses ko lang ito ginamit noong gusto nyang makita ako na suot iyon, tapos itinago ko na din, may keychain din syang binigay saakin na isda ang design , yung mga pa isa isang flower na binibigay nya saakin noon yung pinitas lang ay naka imbak din sa isang box , nagulat naman ako ng makita pa ang isang box at napatingin kay kuya,

tinaasan nya naman ako ng kilay,

" what? anong laman nyan?" curious na tanong nya

" ahehehe , wala naman po hehehe" saad ko at iniwas na ang box

" i want to see it, show it to me" saad ni kuya kaya napa nguso ako

" wag ka pong ma gagalit ahhh" saad ko

" yeah, show it to me now" saad nya
kaya binuksan ko ito at napa kunot ang noo nya

" hmmm so makulit ka pala talaga, kumakain ka pala ng matamis behind our back kahit na bawal Sayo, bad, pero bakit pati mga plastic ng pinagkainan mo ay tinatago mo?" takhang tanong ni kuya

" galing kasi yan kuya kay Dam hehehe memories pa hehehe" saad ko , natawa naman sya at napa iling iling

" so , ano naman laman ng last box na yan ?" napangiti naman ako kay kuya at kinuha nga ang isa pang box na ka size noong dalawang na una at binuksan ko nga

" you two have pictures together?" medyo shock na saad ni kuya at tiningnan isa isa ang picture

" opo, gamit po namin yung camera nya po na automatic na pong lumalabas ang litrato, tapos mas marami po yung mga picture na nasa saakin kasi pinipilit ko po sya na ibigay saakin sabi ko po kasi gagawa ako ng album, kaso sa kasamaang palad po lagi kong nakakalimutan , hanggang nga po sa naka limutan ko na po ng ma confined na ako sa hospital at doon na po tumira" saad ko, napangiti namam si kuya habang pinag mamasdan ang mga litrato namin ni Dam

" so he really likes you, no, i think he's inlove with you, because he's so difficult to ask for a picture taking before" saad ni kuya

" po? pano mo po nalaman?" tanong ko , parang natauhan naman si kuya

" ah, no, binabase ko lang sa mukha nya, mukha kasi syang mahirap pilitin mag pa picture " saad ni kuya

" ahhh si Dam po, hindi naman po yan mahirap pilitin po pag nag sabi po ako na picture kami eh sumasama naman po sya agad, minsan nga po sya pa ang nag sasabing mag picture daw po kami eh" saad ko , napatingin naman saakin si kuya na may pag ka shock

" Really?" naka ngiti naman akong tumango

" mga anak, handa na ang pagkain tara na sa baba" napatingin naman kami ni kuya sa nag salita at si mama pala

" opo mama, aayusin ko lang po ito , susunod narin po ako" saad ko

" oh sige," saad ni mama at umalis na, kaya ibinalik ko na nga lahat ng mga gamit sa box pati ang suot kong hairband at itinago ulit ito sa cabinet ko,

" tara na kuya" alok ko kay kuya na parang malalim ang iniisip , napatingin naman sya saakin na parang nag tataka

"kakain na daw po tayo sabi ni mama" saad ko,

" ah yeah, let's go" sad ni kuya at tumayo na nga kaya bumaba na nga kami.

Woke Up With Mafia Boss Wife's Body (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon