Chapter 9

210 17 10
                                    

Chapter 9

"You know what? I don't understand you. I thought you liked Cassie? Or si Aira na? Well, Kaya nga hindi ka nag-gi-girlfriend dahil nagpapagood shot ka kay Cassie. What happened? Bakit kung kelang single naman na yung tao saka kapa nagloloko. Gago ka ba?" Marca is ranting to me again on the phone. Matagal na kami dito ng pamilya ko sa Pilipinas at medyo nasasanay na din kami dito sa klima ng bansang to. Next week nga bakasyon na namin tapos grade 12 na next school year.


I don't know how Marca knows about my girls here and he's always ranting and scolding me for having girls on me. Dinaig pa mga pinsan ko at nanay ko eh.


"It's just flirting, Dude." Pagod na sambit ko sa kaniya at saka hinilig ang likod ko sa sofa.


"Just flirting? Nakikipagsex ka din kaya minsan. Okay sabihin na nating landian niyo lang yan pero Aries paano kung may iiyak na babae dahil sayo. What the fuck is wrong with you? Mas okay pa na nasa Spain ka kesa dito sa Pilipinas. Andaming nalilink na babae sayo dito. Dude hindi ka mauubusan ng babae. Hinay-hinay lang naman."


"Tangina naman. Ang daldal mo. Alam nila ang intensyon ko sa kanila. Parehas lang kami ng gusto sa isa't-isa. And you know what is it. Stop overreacting." I chuckles and rested my head on the backrest.


"Yeah. Bukod sa landian. Sex. Yun ang habol mo sa kanila. Aries we're just 18 years old and you're already sexually active."


"What's wrong with that? Bakit ba si Raze hindi mo nirarant ng ganyan? Ginagawa din naman ni Raze to? And besides iniiwan niya lang mga babae niya pagkatapos magsawa?"


"Oh tapos? Parehas naman kayong gago." Ismid niya sa akin. "Ang pinagkaiba niyo lang hindi nakikipagsex si Raze sa mga nagiging girlfriend niya habang ikaw wala na ngang label. Nakikipagsex ka pa. Women should be respected not being throwing out after physical intimacy. Idiot."


"Why are you so fucking mad ba? There are no girls is crying over me."


"Wala pa. Pano kung meron na?" Hindi ko siya sinagot. Bumuntong hininga lang ako saka ipinikit ang mata ko habang nakikinig sa mga sermon niya. "How about Aira? Akala ko kay Aira kana nagkagusto kaya hindi mo tinuloy ang balak mo na ligawan si Cassie?"

Bigla ako napadilat noong marinig ang pangalan na 'yon na ilang buwan ko na hindi naririnig. Hindi ko na din siya ulit nakita pa. Ang huling kita ko sa kaniya ay noong nasa bahay ako nila Patric at sinamahan si Cassie na hintayin ang sundo niya.


Hindi ko din siya nakita noong graduation. Kahit yung pinsan niyang maputi. Ang sabi ni Timmy ay nagpunta na ng Pilipinas. Nasa iisang bansa lang naman kami pero bakit hindi ko siya nakikita?


"Oh bakit hindi ka nakasagot?" Napakurap-kurap ako noong marinig ko ang boses niya. Umayos ako sa pagkakaupo at saka tumikhim bago sumagot sa kaniya.


"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ko nga siya gusto?" Iritadong sambit ko.


"Eh bakit galit ka ngayon? Kanina kung ano-ano sinasabi ko ang kalmado mo kausap. Tapos ngayong si Ms. Falcon lang ang topic galit ka kaagad? Sigurado kang hindi mo 'yon gusto?" Daldal nanaman niya. Kapag wala si Eros si Marca papalit. Bakit ba madadaldal nakakasama ko? "Tapos kapag naman naririnig mo si Cassie para kang tanga na napapangiti. Putangina mo. You're so confusing dude."


"Aries! Kanina pa kita tinatawag sa labas ayaw mo ako pagbuksan ng pinto." Sigaw-sigaw ni Neith na kapapasok lang.


"Sino yung babaeng nagsalita? Bagong babae mo nanaman? Hanggang sa bahay niyo nagdadala ka ng babae?"


Quatervois Scattered #1 (Las Rozas Series #3)Where stories live. Discover now