Chapter 8

224 16 17
                                    

Chapter 8

Pagkatapos ng graduation practice umuwi na kaagad ako. Sila Elle ay nag-aayang mag bar pero tinatamad ako kaya hindi ako sumama.

Kumunot ang noo ko noong pagkauwi ko may nakaparadang hindi pamilyar na sasakyan sa labas ng bahay namin. Bumaba ako sa kotse at saka naglakad na papasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Daddy, Mommy at Kuya na may kausap na mag-asawa na kasing edad lang nila Mommy at isang babae na kasing edad ko lang.


Ngumiti sa akin si Mommy saka tumayo para maglakad palapit sa akin. "Bakit ginabi ka yata?" Tanong ni Mommy sa akin.


"Traffic po." Maigsing sagot ko sa kaniya pero doon pa din ako kay Daddy nakatingin. Nakatayo na sila at nakatingin sa akin.


"By the way, this is my younger son. Aries Leiden." Pagpapakilala ni Dad sa akin doon sa mag-asawa at babae. "Aries this is Mrs. Natali Gomez and Mr. Ramon Gomez. This is their daughter Neith Gomez." Labag sa loob ko ako nakipagkamay sa kanila.


Napatingin ako sa babaeng pinakilala sa akin ni Daddy. Siya ba yung ipinipilit sa akin ni Daddy na makipag close ako? Wala naman siguro siyang balak na ipakasal ako sa babaeng to diba? Hindi naman ugali 'yon ng pamilya ko.


"Let's eat dinner." Pag-aaya ni Mommy. Nilingon niya ako saka tinapik sa balakat. "Magpalit kana tapos sumunod ka nalang sa dining area." Bilin sa akin ni Mommy. Noong nakaalis na sila Daddy saka palang ako nagsalita.


"Wala naman po siguro kayo balak na ipakasal ako sa babaeng anak ng business partners niyo diba?" Tanong ko kay Mommy. Hindi siya nakasagot. Ngumiti lang siya sa akin bago ako tinalikuran at naglakad na papuntang dining area.


Napabuntong hininga nalang ako at saka umakyat na papunta sa kwarto ko. Pagkatapos ko magpalit bumaba na ako at naglakad papunta sa dining area. Umupo ako sa tabi ni Kuya kung saan katapat ko ang babaeng anak ng business partner ni Daddy.


"The girl is not bad." Bulong sa akin ni Kuya. "I think Dad planning to arrange your marriage with Neith." Dagdag niya.


"Here we go again with his bullshit." Bulong ko pabalik sa kaniya. Agad niya akong siniko dahil sa sinabi ko.


"Stop it. You're disrespecting Dad." Pangangaral niya sa akin. I just rolled my eyes at him and gets my food. Hindi ko pinansin si Neith na nasa harapan ko at ramdam kong nakatingin sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain na hindi siya tinatapunan ng tingin.


Pagkatapos ng dinner umalis ako kaagad sa dining area at nagpunta sa labas. Tahimik lang akong umupo sa kahoy na upuan dito sa front yard habang may nakalagay na earphone sa tenga ko at tahimik lang na nakikinig ng music sa cellphone ko.


Napatingin ako sa tabi ko noong maramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Napabuntong hininga nalang ako saka tinanggal ang earphone sa tenga ko noong malaman kung sino iyon. It's Neith who's staring at me.


"You know? It's rude to stare." I coldly said to her. She just shrugs and smiles at me.


"I know. I just want to stare at you because you look handsome." She frankly said to me. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at pinanliitan lang siya ng tingin. "If our parents will arrange our marriage... I will agree."


"That's not going to happen."


"Why? Muka kaya sila nagplaplano. I like you. We are at the same school kaso hindi mo 'ko pinapansin kaya noong malaman ko na dito kami pupunta sumama ako kaagad." Madaldal na sambit niya.


"Wala akong plano sumang-ayon sa plano nila na pakasalan ka. I don't like you and that marriage will never be going to happen so stop dreaming about that." I stand up and go inside to our house because I want to stay there with her. May naaalala akong madaldal na prankang babae sa kaniya.


Quatervois Scattered #1 (Las Rozas Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon