CHAPTER FOUR

41 20 1
                                    


Ano namang ginagawa niya dito? Kainis! Sana hindi magtagpo ang landas namim dito, at sana hindi niya gagawin dito at ginagawa niya doon sa dating school namin. Nag enroll siya sa Aguinaldo Integrated School tapos dito rin siya mapupunta. Mabuti na lang at apat na buwan lang siya dito mag-aaral kasama nung dalawang babae.

"Loveee, hihihi, may new crush na ako. Yung exchange student, si Red. Ang cool ng pangalan niya noh!", sabi niya at hinahampas hampas ako. Mapanaket naman nito.

" Tch, parang hindi naman." Tsk. kung makilala mo siya, siguradong masusuka ka sa ugali niya. Kung OA ito para sa inyo. Wala akong pake.

"Ah, basta siya na crush ko at hindi ko na siya ipagpapalit sa iba, yieeeee!"

Nandito kami ngayon sa classroom at may 15 minutes break. Dito lang kami nanatili ni Jessy dahil hindi rin kami nagugutom.

Hindi lang naman simple yung mga ginawa ng langyang Red na yun sa akin.
Dahil hindi ako tinatamad, sasabihin ko sa inyo. Una, dahil kaklase ko siya noong grade 5 at sa kamalasmalasan, naging seatmate ko pa. Dahil sa hindi ko binigyan ng wanport, sinampal niya ako. Kalalakeng tao eh nananampal. Ayun tudo iyak ako at dahil anak lang naman siya ng principal namin, hindi siya pinarusahan.

Pangalawa, eh sakto kino construct yung katabing classroom namin, eh may mga hollow blocks doon. Ang langyang pulang yun, nilagyan ang bag ko ng hollow blocks. Wala akong magawa dahil hindi rin naman siya paparusahan. Tsk.

Marami pa siyang ginawa noong Grade 5 ako. Nilagyan niya ng mabahong medyas ang bag ko. Hanggang umuwi ako sa bahay hindi na nawala ang masangsang na amoy. Ayun nilabhan ko, ilang sachet ng downy at nilagay ko roon. Nakakasuka.


Grade six na ako. Magkaklase pa rin kami at hindi na kami magkatabi sa klase. Nakakainis na. Kapag naaalala ko ang mga lintek na ginawa niya sa akin, pinapatay ko na siya sa isip ko. Grrr. Nilock niya pa ako sa haunted cr ng school namin. Binuhos niya lang naman ang mga alcohol, perfume at lotion ko sa garden ng classroom namin.

Tama na, ang sakit na ng ulo ko. Sana madali lang yung 4 months, at sana kung nandito man siya, huwag niyang ipakita ang pagiging basag ulo niya at pagka bully niya.

Nandito kami ngayon sa library dahil may written work kami sa English at deadline mamayang dismissal. Magkasama kami parati ni Jessy dahil hindi rin siya umaalis sa tabi ko. Nagkaroon na rin ako ng mga kakilala katulad ni Venus at Hyacinth. Mga ka grupo ko sila kasi Science. Masaya rin silang kasama. Si Hyacinth, medyo kalog at si Venus naman ay kalog rin. Pinaghiwalay ko lang. Aangal?

"Bakit ba kasi mamaya agad ang deadline kung pwede naman bukas..." pagrereklamo ni Jessy na pagod na kakahanap ng mga resources. Hindi na ako sumagot dahil busy rin naman ako kakahanap.

"Ihhh, kainis naman nito."

"Kung saan ka na malapit matapos, todo reklamo ka naman. Huwag ka ngang ma stress, ito pa nga lang ang first written work natin eh, naiistress ka na."

"Pasalamat ka lang matalino ka. Akala mo di ko alam na Valedictorian ka nung grade 6 ha." Hala, bakit alam niya to?Hindi ko naman ikinuwento sa kanya to ah. " Ofcourse, I stalked your social media accounts noh, nakita ko yung latest post mo, tsaka pa follow back na rin sa IG ha."

"Sige, sige", sabi ko at kinuha ang cellphone sa bag ko. I opened first my fb account. May kaunti ring nagfifriend request. Nakita ko agad ang name ni Jessy at inaccept ko siya. Then, I opened my IG account and I followed her account also. "Okay na."

"Yiee, thank you, hihihi", sabay hug sa akin. " I'm finish! Balik na tayo sa classroom."

Niligpit muna namin ang mga gamit at tsaka lumabas sa library. Maraming mga estyudyante sa hallway dahil break time din nila. Iba iba kasi ang oras ng break time namin dahil nagkakasikipan na sa loob ng canteen. Dumaan kami ni Jessy sa room ng kambal niya dahil may ibibigay siya.

"Anong room number ba ni Echo?" tanong ko. Nagtaka naman ako dahil nagulat siya.

"Wait, how did you know his nickname?" nagtataka niyang tanong.

"Sinabi niya nung nag club meeting, Echo raw ang itawag namin sa kanya?"

"Aww, okay, akala ko pa naman crush mo siya, hihihi", panunukso niya and what?! hindi ko siya magiging crush noh.

"No!Of course not!"

"Eh bakit kailangang sumigaw?Yieee crush mo siya noh?" tukso niya pa sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Hindi nga, and never akong magka crush sa kakambal mo."

"Edi, ok, HAHAHA."

Nasa room 98 kami at ito na ang room ng kakambal niya. Doon muna ako tumambay sa gilid habang naghihintay kay Jessy dahil kinakausap niya pa si Echo. Tingin tingin lang ako sa dumadaan, maya maya may nagkakagulo. Umingay ang hallway. Tilian ng mga babae. Saket sa tainga.

"OMG! Bes, nandiyan na siya!"

"Hala ang gwapo niya talaga!"

"Eken ke leng!"

Sino ba kasi yan? Nag cellphone muna ako. Ang tagal naman ni Jessy. Hayst.

"Malapit na siya sa atin, yieeee..."!

"Ang gwapo mo!"

"Sana maging girlfriend mo ko!"

Peste, ang iingay naman. Mga bungangang mala sound system. Hindi ko na lang pinansin at tinuon muna ang sarili ko sa pag cecellphone. Nagtaka naman ako nang biglang tumahimik. Tapos may nagbubulungan pang...


"Ba't siya tumigil?"

"Ewan ko mars."

"Hala lalapitan niya yung girl."

"Anong meron?"

Nakita kong may papalapit na lalaki sa akin. Hindi ko makita ang mukha dahil nakayuko pa ako. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya at nabigla ako ng makita ang mukha niya. WTF?!

"Ohhhh, we meet again, Zeph", nakangising niyang sabi sa akin. Walang iba kundi si.....

"Red", tanging sambit ko lang.

Note:

Hello guys! Happy 48 reads po! Many thanks to all readers who spent their time reading my story "The Pain of the Past".
I love y'all ❤️! Mwahhhh...

Kindly follow my social media accounts.
Here's the link:

https://www.facebook.com/paulinegrace.delsol

https://twitter.com/blueish1005?s=09

https://vt.tiktok.com/ZSJDffyKA/



The Pain of The PastOnde histórias criam vida. Descubra agora