CHAPTER ONE

70 19 4
                                    


Louvelle's POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil araw ng Lunes at first day ko maging isang high school student. Sabi nila high school daw ang may pinakadabest at pinakamasayang memories. Sa tingin ko, hindi. Parang normal lang naman ito katulad nung elementary pa lang ako.

Kaunti pa lang ang estyudyante ang nandito sa school, 6:30 am pa lang kasi. Tumambay muna ako sa canteen, hindi pa kasi ako pamilyar sa school ko. Meron namang high school doon sa dating eskwelahan ko kaso lumipat kasi kami ng bahay, kaya pinalipat ako ng school nina mama at papa. Meron akong dalawang kapatid, mas bata sila sa akin. Pareho silang nasa kindergarten, kambal kasi sila. Ang galing lang, meron akong kapatid na kambal.

Kinuha ko ang notebook ko at ipinagpatuloy ang paggawa ng mga istorya, tungkol man sa buhay pag-ibig, kababalaghan, aksyon at marami pang iba. Isa na kasi ito sa mga hobbies ko. Kapag may naiimagine kasi ako, isinusulat ko.

Habang nagsusulat ako...

"Hi, pwede bang maki share ng table?" tanong ng isang chinitang babae. May dala dala siyang mga libro. Ang dami namang bakanteng nga table ngunit dito pa siya lumapit sa akin.Tumango na lang ako at umupo na siya.
"Pasensya na, hindi kasi ako komportable na walang kasama,hehehe", sabi niya pa. "Btw, I'm Jessyca Solomon but you can call me, "Jessy" or "Aica" or "J", kung saan ka komportable." Bakit napakadaldal nito?

"I'm Louvelle", simple kong sagot. Baka isipan niyang pipi ako dahil sa hindi ako nagsasalita.

"Oh, Hi Louvelle, tatawagin na lang kitang "Love", ohh di ba bet", nginitian ko na lang siya." Transferee ka ba dito?" tanong niya. Bakit ang daldal niya kasi.

"Oo, galing ako sa SFA."

"Hala, doon ka pala galing!Balita ko ang daming pogi doon, hihihihi."

Pagkatapos nun tumahimik na siya. Napagod siguro kakadaldal. Nakita ko na siyang nag sesketch. Ang galing niya. Mahilig din naman akong mag drawing ngunit hindi naman ako kasinggaling niya. Ilang workshop na rin ang sinalihan ko ngunit pasmado talaga siguro ang mga kamay ko at tinadhana talaga na para lamang sa pagsusulat.

"Anong room ka pala?" tanong niya habang sinesketch ang garden ng schoool.

"Room 132, kay Miss Mend---"

"Hala same, sige punta na tayo sa room", at hinila niya ako. Hindi naman kami close ha. Wala na akong nagawa at sumunod na lang. Mabuti na rin ito at may kakilala na ako.

Dumating kami sa room at madami na palang mga estyudyante. May nagbabasa at naghaharutang magjowa, first day na first day. Iyong iba nagjajamming. Mabuti na lang ganito ang mga magiging classmate ko at sana walang bully katulad sa old school ko.

Umupo kami ni Jessy sa upuan malapit na bintana. Ano kaya ang mga ugali nitong mga bagong classmate ko. Sana mababait sila at friendly katulad nitong katabi ko at nilingon ko naman si Jessy at wala na siya sa kanyang upuan. Abat nandun nakipagkilala sa ibang mga classmate namin. Friendly nga.

Ring! Ring!Ring!

Pumasok ang isang ginang at dali daling nagsibalikan ang mga classmate ko. Mataba siya, yung katamtaman lang. Nakapusod ang buhok at siguro mga 40s na ang edad.

"Good morning!!"

Grabe naman to. Wala na bang ilalakas yan?

" I am Gregoria Almera, I am your Science teacher! Okay! Wala akong ididiscuss na lesson sa inyo ngayon pero I'm reminding all of you na ayoko sa mga students na hindi nakakasagot ng mga tanong ko! Ayoko ng may natutulog sa klase ko!Ayoko na may naglalampungang magjowa sa likod!" At humiwalay naman ang magjowa sa likod namin. " Iyon lamang ang ayaw ko! Okay, you can do whatever you want at ayaw ko nang maingay!"

Mabuti na lang at wala pang discussion. Tinabi ni Jessy yung upuan niya sa kin. Chichika naman to.

" Loveee, anong club pala ang sinalihan mo? Sa akin kasi Arts Club."

"Nasa writer's club ako. Hilig ko kasi magsulat", nakangiting sabi ko.

" Ayyy wow, balita ko madaming mga gwapings doon at matatalino raw, hala ang swerte mo hihihi", ba't ang hilig nito sa gwapo. Hindi naman nakakain iyan." Sabay tayong mag recess ha, transferee rin kasi ako dito, sabay kaming lumipat ng kakambal ko dito."

"May kakambal ka pala?"

"Oo, same grade rin natin siya, di rin kasi kami close, ni hindi nga kami nag-uusap sa bahay. Kung magkakausap man kami, nag-aaway na kami niyan."

Ako, close ako sa mga kapatid ko. Kinakamusta ko palagi kung okay sila. Masaya ako kasi kompleto naman ang pamilya namin.

"Okay class, maaari na kayong mag recess!" ang sakit sa tainga naman makasigaw nito. Lumabas na kami ni Jessy at oo, hinihila jiya ako. Bakit ba kasi nagmamadali ito? 30 minutes naman ang break.

" Dalian mo, baka maagawan tayo ng table!"

(*_*) Table lang pala! Ang daming table sa canteen eh.

Hindi nga siya nagkakamali, wala na ngang natirang table para sa min. Ang dami-daming mga estyudyante sa canteen.

"Jessy, doon na lang tayo pumwesto sa bench. Bumili muna tayo ng makakain."

"Sige,sige, parang mas fresh doon, ang init kasi rito."

Pumila na kami para bumili. Ang binili ko ay isang mogumogu at isang slice ng cake. Hindi na kasi ako nakapag breakfast kanina. Dumiretso na kami ni Jessy after niyang bumili ng pizza sa bench.

" Grabeh! Andaming estyudyante sa canteen. Dumadami na ang mga estyudyante dito sa GIS", sabi niya pa at pinapaypay ang sarili gamit ang sariling kamay."Dumami na talaga ang mga estyudyante dito simula nang malaman nila na nagtransfer dito ang napakagwapo kong kakambal!"

"Eh, ikaw? Hindi ka nila kilala?" curious kong tanong sa kanya.

"Hindi ko kasi gusto ng atensyon ng mga tao. Kapag pumasok sa school, hindi kami kasabay, nasa ibang sasakyan siya." Hanep, rich kid pala ito. Nasa hitsura naman.

" Balita ko nasa Writer's Club din siya, siguradong magkikita rin kayo."

"Hindi naman ako interesado sa kanya."

"Louvelle, hindi ko naman sinasabing interesado ka, ang sabi ko baka magkita kayo roon", pagpapaliwanag niya. Naiintindihan ko naman. Tumango na lang ako.

Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa klase at nakinig na lang sa mga dinidiscuss ng mga teacher namin.

The Pain of The PastWhere stories live. Discover now