CHAPTER TWO

53 21 1
                                    



Matapos ang klase ay nagpaalam kami sa isa't isa ni Jessy dahil may meeting ang bawat club. Dumiretso ako sa AVR dahil doon magmemeet ang Writer's Club. Si Jessy naman ay dumiretso sa hall dahil doon sila magmemeet ng ibang members sa Arts Club.

Wala pang tao nang pumasok ako sa AVR. Sigurado ba ako na dito magmemeet? Mag 3pm na ah, bakit wala pa sila. Ipinagpatuloy ko na lang ang istoryang ginagawa ko. Ang pamagat nito ay "Ulan". Tungkol ito sa dalawang tao at nagtagpo sa gitna ng ulan. Unang pagkikita nila ito ay masaya silang nagtampisaw at tila walang ikinakaharap na problema.

"Mahilig ka pala magsulat?" nagulat ako nang may sumulpot sa likuran ko. Isinara ko kaagad ang aking kwaderno." Oh, bakit isinara mo? Maganda naman ang kwento ah."

Langya, nabasa niya.

"Ahhh,ehhh, hindi naman ako magaling, hehehe." Tae, ang pabebe mo naman Louvelle.

"Pahumble... member ka rin ba ng Writer's Club?" tanong nito. Bakit naiilang ako sa kanya. Tsk.

"Ah, oo."

"Doon na tayo magmemeet sa court sabi ni Sir Allan. Tumayo ka na diyan dahil hinihintay ka na namin doon", sabi niya pa. Hinihintay? Pwede naman silang magsimula kahit wala ako.

Tumayo na nga ako at sumunod sa kanya. Nasa unahan ko siya. Hindi naman siya lumilingon sa akin.
Hindi naman kami nagpapansinan noh. Asa namang ako ang mauna kumausap sa kanya at wala sa bokabularyo ko ang mag first move. Hindi naman kami close para mag-usap. Ni hindi ko nga alam pangalan niya. Ewan ko na lang kung alam niya ang pangalan ko.
Nakarating na kami sa court. Nakita ko ang isang teacher na ngiting-ngiti sa akin.

"You're Miss Dominica, right?" tumango naman ako."Ohh, shy-type, by the way, I am Sir Allan, your club moderator in this club, and they are your fellow members", itinuro niya ang mga ka miyembro ko at ni isang babae, wala akong nakita. Puro lalaki.

O_o

"For the first time, ikaw pa lang ang girl na nag join sa Writer's Club." Legit?Ni isa, wala pang nag join na babae sa kanila. "At sana,mag enjoy ka sa club na ito. Ok boys, dahil kilala niyo naman ang binibining nasa harapan niyo ay kayo naman ang magpakilala."

Tumayo naman ang ang may pagchinitong lalake.

"Hi! I'm Matt Larvin Lim and you can call me Matt or Vin,sana maging friends tayo,friends lang, may girlfriend na kasi ako."

"Asa ka namang papatulan ka ni Louvelle, Matt", sabat nung pandak na katabi niya."By the way, I am yours." Nashocked naman ako dun. " Just kidding, I'm Emmanuel Dela Paz, Emman for short", sabi niya sabay wink. Nakakailang naman ng ganito.Pagkatapos niya, tumayo ang ang mestizong lalaki. Hindi naman katangkaran ngunit may appeal.

"I am Jake", sabi niya tapos umupo na. Ayyy napaka seryoso naman.Tapos sunod sunod na silang nagpakilala. Natatandaan ko naman silang lahat.Si Matt,Emman, si Jake the serious, Luke, Marco, Nathaniel, Karl, Zedric, Bryle. Huling tumayo ang sumundo sa akin sa AVR. Gwapo siya. Eh ano naman ngayon Louvelle kung gwapo siya.

"Jericho Solomon but you can call me Echo." What?!,Solo-solomon? It means siya iyong kakambal ni Jessy. Tama. Magkahawig nga sila."Oh, bakit parang nagulat ka? Ganun na ba talaga ka gwapo ang pangalan ko?" Aba't ang hangin din nito.

"Thank you boys,I hope aalagaan niyo itong new member niyo", sabi ni Sir Allan." Before ko makalimutan, si Echo ang ating Club President and you Louvelle will be the Vice President."

Ayy galing, Vice President agad ako.

"Alright, thank you sa inyong cooperation, I hope this school year ay mag enjoy kayo dahil maraming activities sa school at kasali kayo roon.Pwede na kayong umuwi."

Nauna na si Sir Allan at nagsiuwian na ang ibang boys. Lumapit naman sa akin si Matt.

"Hi Louvelle, ang ganda ng name mo, bagay sa hitsura mo." Napilitan na lang akong ngumiti.
"Uuwi ka na ba?Sabay na tayo!"

"Ayyy, hindi na,mamaya pa naman ako uuwi." Magkikita pa kaso kami ni Jessy dahil sabay kaming bibili sa mall ng ibang mga requirements namin.

"Sige samahan na ki---"

"No need na, may kasama naman ako", sabi ko at dali daling pumunta sa gate dahil naghihintay doon si Jessy.

Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na si Jessy na naghihintay sa waiting shed. Hindi na raw siya muna magpapasundo dahil sabay kaming bibili ng requirements namin.

"Jessy!Nandito na ako!" tawag ko sa kanya.

"Tara na, nagpasundo na lang ako kay Kuya Miguel, driver namin, sabay ka na sa min tapos ihahatid ka na lang namin, hihihihi".

Hindi na ako nagdalawang isip at sumakay na.

"Kamusta ang meeting niyo? Sa amin kasi, andami agad na projects. Pero starting next month pa raw kami magsisimula", diretso niyang sabi.

"Maayos naman", simple kong sagot.

"Ehh, yung gwapo kong twinny, nakilala mo?" Ayy oo nga pala.

"Oo, siya yung president sa club namin." Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"President? Ayyy iba talaga kung gwapo, automatic President, di ko naman ako magtataka, matalino kasi yun."

"Ako lang pala yung babae sa club namin."

"Ohmyyy!!! Ang swerte mo girl. Napapalibutan ka ng mga gwapong lalake!" Saan ang swerte dun? Nakakailang nga.

"Mababait naman sila siguro noh?"

"Di ko alam, basta may crush kasi ako diyan, hehe. Si Jake". The heck? Jake the serious? "Secret lang natin yun ha?"

"Oo naman." Anong nagustuhan niya dun eh mukhang suplado.

"Ikaw? May crush ka ba?" tanong niya.

"Wala akong crush, hindi naman importante 'yun."

"Bakit wala? Dapat meron! Para merong kang inspiration...wehhh? Talaga? Wala? Baka ayaw mo lang sabihin sa akin?", pagpupumilit niya.

"Wala talaga."

"Sige, sabi mo eh. Pero kapag may crush ka na, sabihin mo sa akin, hihihi."

Sa pag-uusap namin, di na namin namalayan na nasa mall na kami.

"Di ba, coloring materials lang yung bibilhin natin?" tanong niya habang papasok na kami sa mall.

"Oo, yun lang naman."

"Pagkatapos natin, shopping tayo.Libre kita!Wala nang pero pero." Ay iba rin to.

"Okay, di na ako magpapapilit, sabi mo eh!" sabi ko at nagtawanan kami at pumasok sa National Book Store.


The Pain of The PastWhere stories live. Discover now