CHAPTER THREE

40 20 1
                                    


Nandito na ako sa bahay pagkatapos naming magshopping ni Jessy at hinatid nila ako sa bahay. As usual, wala dito si Mommy at Daddy dahil may mga trabaho sila. Si Mommy ay isang accountant at si Daddy naman ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Naabutan ko ang mga kapatid ko sa living room na nanonood ng cartoons. Nang makita nila ako ay nag unahan silang sumalubong sa akin at niyakap ako. Ganun sila ka sweet.

"Ate! Alam niyo po, very good ako sa school, kaming dalawa ni Ashleigh!" galak na sabi ng kakambal nitong si Kyleigh.

"Tama po si Ashleigh, Ate! Meron nga kaming stars oh", at pinakita nila sa akin ang mga stars na nasa kamay nila.

"Wow!Ang very good naman ng mga cute kong kapatid", proud kong sabi sa kanila at pinisip ang kanilang mga pisngi. Nakakagigil kasi, parang mga siopao. "Galingan niyo pa ng maigi sa school ha, nood muna kayo at magpapahinga muna si ate."

"Yes, Ate! Super gagalingan talaga namin ni Ashleigh." Bumalik na sila sa panonood at umakyat muna ako para magbihis at magpahinga muna.

Nakakapagod naman nitong first day. Mabuti na lang at may kakilala agad ako. Hindi ko kasi ugaling makipagkaibigan kung hindi ako uunahan. Binuksan ko na ang biniling mga damit ni Jessy para sa akin. Kanina sa mall parang hindi sya nauubusan ng pera. Kaya ko rin namang bumili nito kaso hindi ko ugaling maglabas ng pera. Hindi naman ako kuripot noh. Ang dami niyang binili sa akin kanina.

~Flashback~

" Ate, ito pong skirt bibilhin namin, dalawa po, hihihi", siya na yung namimili ng mga damit ko, at sinisigurado niyang magkamatch kami.

Tapos naming bumili doon sa store eh doon naman kami sa katabi nito. Pumasok na kami at puro cosmetics ang nandoon.

"Mahilig ka bang mag make up, Love?" tanong nito. Umiling ako. Hindi ko ugaling mag make up. Pulbo lang ay okay na ako.
"Kahit hindi ka mahilig, bibilhan pa rin kita, hihihi."

(*_*)

Sinabi ko na ngang hindi pero binilhan niya pa rin ako. Nakakahiya naman nito.

" Ako na lang ang magbabayad nito,Jess", sabi ko. "Nakakahiya na kasi, may oeray naman ako dito."

" No,no,no! Sabi ko di ba akong bahala, ililibre kita." Okay wala na akong magawa at siya na ang bayad doon sa cashier. Madami pa siyang binili sa akin at hindi ko na iisahin dahil ang dami. Pagkatapos naming mag shopping ay kumain na kami sa foodcourt. Pinilit ko na lang siya na ako na ang magbabayad at mabuti pumayag naman siya.

~End of Flashback~

Mabuti na lang at wala kaming assignment sa ngayon. Bumaba muna ako para kumain ng hapunan. Sabay kong kumain ang mga kapatid ko. Hindi pa nakakauwi sina Mama at Papa. Parati naman silang busy at naiintindihan ko naman yun.

" Cutiess, huwag kakalimutang mag toothbrush", paalala ko sa mga kapatid ko.

"Yes, Ate." Alam ko namang magtotoothbrush ang mga iyon dahil binabantayan sila ng mga yaya nila.

Umakyat na ako at ginawa ang mga night routine ko at natulog na.

Kinabukasan...

🎶 'Cause after all this time... I'm still into youuu...I should be over all the butterflies... But I'm into you.... I'm into you...🎶

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Di ba, favorite ko kasi iyan. Still Into You. Naligo na ako at balita ko kasi may program ngayon sa school. Hindi ko alam kung tungkol saan. Bumaba na ako nag breakfast. Hindi ko na naabutan sina Mama at Papa dahil maaga na silang umalis. Ni hindi na kami nagkikita sa loob ng bahay. Tulog pa ang mga kapatid ko kasi afternoon pa yung klase nila.

Brizk Brizkkkk

Jessy calling....

"Love! Where ka na?!" Ang sakit sa tenga naman kung makasigaw sa telepono nito.

" Nasa bahay pa, Bakit?"

"Sige, sige, hihintayin kita rito sa court,byeee!"

Akala ko naman kung ano.

Nagpahatid na lang muna ako sa driver namin papuntang school. Ano na naman kayang mangyayari ngayon? Kinuha ko muna sa bag ko ang diary ko, binili ko ito kahapon sa NBS. Maganda ang design nito pero dadagdagan ko pa ito mamaya sa bahay, may binili rin kasi akong mga glitters kahapon. Silver ang color nito. Hindi naman sya sobrang nipis at hindi rin sobrang kapal, katamtaman lang. Dito ko isusulat ang mga nangyayari sa araw araw ko. Binalik ko na muna ito sa bag at kinuha ko naman ang isang notebook ko kung saan isinusulat ko ang "Ulan". Nasa parte na ako na sabay pumapasok ang dalawang nagkakaibigan. Magkapitbahay lang naman sila ng lalaki. Nililigawan na siya nito ng lalaki ngunit hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman niya dahil hindi pa rin siya makaalis sa nakaraan nito, dahil hindi pa rin siya nakaka move on sa dati nitong kalaguyo.

Nakarating na ako school at pumasok na. Dumiretso ako sa court dahil ito ang sabi ni Jessy. Nakita ko naman siyang nag cecellphone sa bleachers. Marami na ang mga estyudyante sa court. Di ko alam kung anong meron.

"Louvelle, nandito ka na pala. Ngayon pala ang program akala ko mamayang hapon pa. May mga visitors daw mayamaya na dadating."

"Kaya pala ang dami na ritong mga estyudyante. Dito muna tayo." Bakit kaya parang ang seryoso niya ngayon. " Bakit parang ang seryoso mo ata ngayon?"

" Aishhhh, nag away kasi kami kanina ni Echo, hihiramin ko sana yung protractor niya kanina dahil nabali yung akin kagabi. Ayaw niya namang ipahiram. Grrrr. Andamot", inis na sabi niya. "Eh anong gagamitin ko mamaya, kailangan pa naman yun sa Math. Kainis!"

"Chillax lang, hahaha, meron akong extra dito", sabi ko at kinuha ang isang protractor ko. "Hiramin mo muna."

"Ayyy salamat talagaa, mabuti na lang talaga at nandyan ka.Thank youuu talaga!"

Bumalik na siya ulit sa dati at daldal nang daldal. Umakyat sa stage ang dean namin at meron itong mga kasama. Hindi ko naman tinignan kung sino. Isang lalaki at dalawang babae.

"Mictest, mictest, hello. Alright, students please form your line based on your room number. For those who didn't know me, I am your Dean Erwin Agustin", sabi nito at pumunta na kami sa linya namin.

"Hala, ang gwapo nung boy na kasama ni Dean."

"Baka anak niya?"

"Gagi, walang anak si Dean noh, at wala siyang asawa."

Rinig kong pag-uusap ng mga katabi naming estyudyante.

"Nakikita niyo naman siguro ang mga katabi ko. They are exchange students from Aguinaldo Integrated School. Ehemmm, darlings, kindly introduce yourselves." Pumagitna naman ang magandang babae.

"Good morning, I'm Estella Montenegro from AIS."

"Ahmm, hello, my name is Clarizze Magenta Dela Cruz."

Naagaw ng tingin ko ang lalaki ng pumagitna ito. Ngayon ko lang siya nakilala dahil naka facemask ito kanina.
Hindi ko talaga siya makakalimutan dahil siya lang naman...

"Red Raven Guzman", pagpapakilala nito.

"Hala, ang gwapo."

"Sana ka room natin siya."

"OhMyyyGgggggggg."

Bulong bulongan ng ibang mga estyudyante.

Siya lang naman ang nang bubully sa akin nung elementary.

Thank you for reading po.☺️😉




The Pain of The PastWhere stories live. Discover now