CHAPTER 21 ~ Home ~

Start from the beginning
                                    

"Ma'am umalis na kayo rito!" malakas na sabi ni Steve at nagmamadaling kinuha nila ni George ang mga box.

Tumalon si Triton mula sa hood ng sasakyan na kinauupuan namin at hinawakan ako sa magkabilang bewang para tulungan ako. Binuksan niya ang passenger side at kaagad naman na pumasok ako roon. Sa backseat ay nailagay na ng dalawa kong estudyante ang mga box at pagkatapos ay sinarado na nila ang pintuan.

Kumaway sila mula sa labas at pagkatapos ay patakbong tinungo na nila ang sasakyan na gamit nila.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Triton. Nag-aalalang nilingon niya ako. "You okay?"

"Tri, ni hindi nga nila ako nalapitan. Stop worrying."

Madilim ang mukha na pinaandar niya ang sasakyan. Huminga ako ng malalim ar mariin na pinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa upuan. We can't go on like this. Alam kong alam iyon ni Triton.

"I'm sorry."

Nagmulat ako ng mga mata at nilingon siya. "It's okay. Alam naman nating pareho na isa ito sa magiging problema natin diba?"

"I know."

"Nagsisisi ka ba?"

Tumingin sa rearview mirror si Triton at pagkatapos ay inihinto niya sa tabi ang sasakyan bago ako nilingon. "Pagsisihan ang alin?"

"Look, Tri...everything's crumbling down. Your career, the fame...everything."

"Dawn, I can't say that the fame wasn't great. Because it was. But losing you over it? Not worth it."

Nagtangka ako na mag-iwas ng tingin but I was stopped when he gently turned my head back to look at him. Nagtama ang mga mata namin at wala akong nakita roon na pagsisisi. Sa kabila ng nangyayari, nananatiling kasiyahan lamang ang nakabalatay roon.

"Nothing will be worth it enough to make me give you up."

"Okay..." I whispered.

"At hindi lang ako ang nagsakripisyo. Nawala din sa'yo ang trabaho mo. Oo at maaari mo pa iyong maibalik sa kalaunan but for me? I don't think I want to get my career back."

"Tri-"

"I loved the fame, meeting new people and being the center of attention. But I don't need it now because I have you, Dawn. I don't need the spotlight. I just need to be the only one when it comes to your heart."

"You are."

"Then I couldn't ask for more, sweetie."

Iniangat niya ang kamay ko na may suot na singsing at pagkatapos ay binigyan niya iyon ng magaang halik. Kinindatan niya ako at pagkaraan ay pinaandar na ang sasakyan.

Hindi ko akalain na dadating kami sa ganitong pagkakataon. Dahil noon, tinanggap ko na ang mga nangyari sa pagitan namin at tinanggap ko ng kailangan ko itong kalimutan. Because loving him will only cause complications.

At nangyari nga. Pero katulad ni Triton hindi ko magawang magsisi. Dahil pakiramdam ko sa loob ng ilang taon ko rito sa mundo ay ngayon lang ako tunay na nabuhay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"I made a reservation. Mag di-dinner tayo."

"Saan?"

Saglit na lumingon siya sa akin at ngumiti. "Blue Blossom. It's a new restaurant. Nakita ko kanina sa internet at maganda naman ang mga feedback."

Kaya naman pala pinagbihis niya ako ng formal dress kanina. Akala ko nga ay trip niya lang dahil sa Manila Bay niya naman ako dinala. Hindi din naman siya nagreact ng sinabi ko na pupuntahan kami nina Steve at George dahil kausap ko sila sa text kanina at nabanggit nila ang tungkol sa mga naiwan ko na gamit sa university.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Where stories live. Discover now