CHAPTER 2 Stalker

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit pa'ko gagastos kung libre lang naman dito?"

Agad niyang binalibag sakin ang isang trow pillow. Buti nalang nakailag ako kungdi babatuhin ko ng kutsilo itong si zeb.

"Anong tingin mo sa bahay namin? apartment?!"

"Mukha lang," Ngisi kong sabi, nanlaki ang mata niya at iaambang ibalibag sakin ang trow pillow ng inilabas ko ang kutsilyo ko.

Agad niyang ibinaba ang hawak niya, at nag peace sign pa.

"Okay lang! malaking karangalan na dito ka tumira bitchpren! malaking karangalang mamatay kasama ka! galenggg!!" Kunwaring natutuwa pa at sabay palakpak, mamatay? tsk.

"Aalis nalang ako, mukhang ayaw mo e," Tumayo ako.

"Na'ko ayos lang! kilala kita baka kapag lumabas ka e hagisan mo'ko ng bomba! tska lagi naman akong na dadamay sa gulo mo diba? Ayos lang! hehe.. ang saya!" Tumatalon sa pekeng saya niyang sabi, umiling nalang ako at kinuha ang dalawa kong maleta at umakyat ng hinde pinapansin si zeb.

Narinig ko ang sinabi niya.

"Salamat!!!" Halatang peke pa ang tono niya. Tsk.

Binuksan ko ang isang pinto kung saan ako laging tumatambay, malaki din itong kwarto dito sa second floor ang isa pang kwarto dito ay kay zeb, ang master bedroom niya, tsk.

Pag pasok kosa loob ay agad kong inilagay ang maleta kosa isang tabi at humiga agad sa kama, Hinde ko alam pero pagod na pagod ako ngayung araw, nung isang gabi kasi ay hinde ko naramdaman ang sakit ng katawan ko matapos akong bugbogin ni papa, ngayun ko ito naramdaman, shit!

Hinde ko alam kung makakapasok pa'ko bukas, pero sabi ni zeb ay may quiz kami bukas kaya hinde ako pwudeng umabsent! bakit ba kasi ang hilig mag pa quiz ni Mr. bean. Si Mr. bean at si teddy--ay mali, mahilig siyang mag pa quiz, puro quiz ang nangyayari sa subject niya, pinaka ayaw ko pa namang subject ay math! nakatapat pa'ko ng teacher na mahilig sa quiz kahit hinde naman niya ni chechekan! tsk.

Dumapa nalang ako at natulog.

Sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog ko ay may kumatok sa pinto, sino paba? edi si zeb. Tsk!

Narinig ko ang pag bukas ng pinto, hinde ko pala na ilock dapat pala ni lock ko para walang istorbo!
At pagka pasok niya sa loob ng kwarto ay agad siyang nag ingay.

Great!!

"B1tchpren! gusto mo ng cookies?! hihi, nag bake ako, tikman mo daliiii!"

Tinuloy kolang ang pagtulog ko at hinde siya pinansin, ramdam ko ang pagsipa niya sa paa ko at paghitak niya sa kumot ko. Shit ka talaga zeb!
Still nakapikit parin ang mata ko at nakayakap sa unan.

"Autumn! gisingggg naaaa!! tikman mo muna ito biliii!!" Hiyaw niya, arghhh!!! bakit ba napaka ingay niya?! nakakabuseth siya!

Hinde ko siya pinansin, tatahimik din iyang si zeb kapag napagod, bahala siya sa buhay niya. Seriously cookies? papatikim niya sakin ang cookies niyang hinde masarap! hinde naman ako mahilig sa matatamis.

"Ayaw mong gumising huh?"

Ramdam ko ang paa niya sa tagiliran ko at malakas akong itinulak dahilan para imulat ko ang mata ko at gumulong sa kama at bumagsak sa sahig!! zebbbb!!!

Nang lumagapak ako sa sahig ay lalong kumirot ang sakit ng likod ko, umupo ako at tinignan ng matalim si zeb na naka peace sign at may hawak na cookies.

"Zeb!!" Galit na sigaw ko. Siya naman ay yumuko.

"I will kill you!" Galit na sabi ko, hinde siya tumingin sakin at tumakbo. Ako naman kahit masakit ang likod at katawan ko ay pinilit kong tumayo at hinabol siya.

His Angel Bitch (KHS#2) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon