U 22

320 11 0
                                    

Friends

Naglakad ako patungo sa gilid na pinaggigitnaan ng building ng mga senior high. Ramdam ko ang yabag ng kanyang takong na nakasunod sa akin. Nakahalukipkip ako at diretso ang tingin sa harapan.

"Anong kailangan mo?" unti unti ko siyang nilingon. Ngumiti siya at naglahad ng kamay. Tinignan ko lang iyon.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Archana Rezcon." aniya at nang makitang wala akong balak na tanggapin ang kamay niya ay unti unti niya iyong ibinaba.

Hilaw niya akong nginitian. "Kaya ko lang gustong makipag usap sa'yo saglit... kasi pamilyar ka."

Umihip ang hangin. Napansin ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang ekspresyon. May alam ba siya? Ramdam ko ring pilit niyang itinatago ang tunay na damdamin. Inangat niya ang tingin sa akin, maganda na ang ngiti. Nanatili ang malamig kong tingin sa kanya.

"Oo nga pala't kailangan ko nang pumanhik." tikhim niya.

"Bibisita ulit ako rito."

"Paalam! Hanggang sa susunod ulit nating pagkikita!" masigla niyang sinabi bago ako sinimulang tinalikuran.

Mariin akong napapikit at napasandal sa pader. Bakit siya nandito? Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi ko lubusang maisip na magkikita kami rito...

Muling pumasok sa isipan ko ang mga mata niya.. Ang mga matang iyon... Bakit?

"Ah! You found my place."

Napaangat ang tingin ko sa babaeng sumandal din sa pader na sinasandalan ko. Bagsak ngayon ang itim niyang buhok. Pinanood ko ang paglabas niya ng sigarilyo at lighter.

Dahil oras ng klase ng mga senior high, bibihira sa ganitong oras na may mga lumalabas na estudiyante. Kaya naiintindihan kong pu-puwedeng tumambay dito. Huwag nga lang siyang papahuli lalo na't nasa kolehiyo na siya.

"Lagi ka bang nakatambay dito?" tanong ko.

"Minsan lang," sagot niya bago inilagay sa labi ang sigarilyo. Pinanood ko ang pagbuga niya ng usok sa hangin bago nilahad ang yosi sa akin.

"Mukhang kailangan mo," ngisi niya. Umiling lang ako at ngumisi rin.

Tahimik kaming dalawa. Diretso ang tingin ko sa harapan hanggang sa may naalala ako.

"Iura.." mahinang tawag ko. Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin.

"Hmmm?"

"Simula bukas lagi ka na nang dumikit sa amin." tumuwid ako ng tayo at saka siya hinarap. Napangiwi siya ngunit maya maya ay matalim akong tinignan.

"Don't give me orders, Archana." tiim bagang niya. Nagtaas ako ng kilay at ngumisi.

"Sa tingin mo ba, karapat dapat patawarin ang kapatid mo?" natahimik siya at napaiwas ng tingin sa akin.

"Kung ikaw ang tatanungin, gusto mo bang patawarin ko siya?"

Napakurap siya. "O-Of course-"

"Siyempre kapatid mo kaya sa kanya ka papanig." ngisi ko. Nagsalubong ang kilay niya at saka ako mariing tinignan. Tinapon niya ang yosi sa tabi at saka niya iyon tinapakan.

"My brother deserves a second chance. Hindi siya tulad ng iniisip mo, Archana. Nagawa lang niya iyon dahil..."

Mas lalong lumapad ang ngisi ko bago ko itinagilid ang ulo. Nakakunot ang kanyang noo ngayon at halatang nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi. "Bakit hindi mo ituloy?"

Nagtiim bagang siya at nanatiling tahimik.

"Kung gusto mong patawarin ko ang kapatid mo, simula bukas. Mali. Simula ngayon ay masanay ka nang makihalubilo sa amin nila Thalia at Hartley." taas kilay kong sinabi. "Kung hindi ka pa handa ngayon, maghihintay ako bukas. Sumabay ka sa amin sa cafeteria."

Uncontrollable Where stories live. Discover now