U 05

486 12 0
                                    

Pakilala

Pagpasok ko sa silid ni Hartley ay naka-dim na lang ang ilaw. Nakita ko sa kama si Thalia na mahimbing nang natutulog. Maingat kong sinarado ang pintuan at naglakad patungong kama. Inayos ko ang comforter na nasa hita ni Thalia bago tumabi sa kanya at saka hingang malalim na tumitig sa ceiling.

Napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis pa rin ang tibok nito.

Huminga ako ng malalim at saka pumikit ng mariin. Maya maya ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan kung kaya't hindi ko na minulat ang mga mata at nagkunwaring natutulog na.

"Good night," dinig ko ang wika ni Hartley bago humiga sa tabi ni Thalia.

Huminga ako ng malalim, mariin pa ring nakapikit hanggang sa 'di ko na namalayang nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nagising akong walang kasama sa kuwarto kung kaya't tinali ko ang buhok bago lumabas. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Napatingin sa akin si Hartley na agad akong binati. Nasa high chair silang dalawa at nakaupo.

"Hi, Archana! Good morning!"

"Morning." bati ko bago napatingin kay Thalia na tulalang umiinom ng tubig.

"Gising ka na, mag-agahan na tayo." wika sa akin ni Hartley.

"Kakagising niyo lang ba?" tanong ko.

"Kanina pa ako samantalang kakagising lang ni Thalia." sagot ni Hartley. Tumango ako at nagpasalamat sa inabot niyang tubig. Pagkatapos ay lumabas na kami ng kusina at dumiretsong dining.

Naabutan kong nakaupo na roon si Aegeus. Inangat niya ang tingin sa amin at nagtagal iyon sa akin. Seryoso ang tingin niya sa akin habang wala namang mababasang emosyon sa aking mga mata.

Umupo ako sa tabi ni Thalia at nagsimula kaming kumain ng tahimik. Medyo nahihirapan nga lang akong kumilos dahil sa nakakabinging katahimikan.

"Sa akin kayo sasabay pagpasok, Hartley." basag ni Aegeus sa katahimikan.

Tinignan ko siya at nakita kong seryoso lang siyang kumakain. Nagtiim bagang ako at napabaling sa kinakain ko. Para saan pa?

"Okay, kuya."

Natapos kaming kumain. Sabay kaming tumayong apat at nakasunod lang kami ni Thalia kay Hartley na naglalakad patungong sala nila.

"Shit. Sakit ng ulo ko kanina. Ikaw din ba?"

Umiling ako kay Thalia. "Hindi." sabi ko. "Isang beer lang 'yon." dugtong ko sa kanya na kinangiwi niya. Sinimangutan niya ako bago naupo sa sofa'ng nasa harap ni Hartley. Tumabi naman ako sa kanya.

"Guys! Sa susunod ulit mag sleep over kayo, ha?"

Napabaling ako kay Hartley na maganda ang ngiti sa amin bago siya nakapagpili ng movie'ng panonoorin namin. Bumuntong hininga ako bago binaling ang tingin sa TV.

"Kung may gagawin ulit na project." sabi ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang kanyang pag-nguso habang nanatili akong seryoso.

"Bawal ba kayo kahit walang gagawing project?" malungkot niyang tanong. Humilig ako sa sofa at pinaglaruan ang aking pang ibabang labi. Kung wala ka lang sanang kuya, kahit dito pa kami manirahan.

"Sige. Next time, Hartley." ani Thalia bago ko naramdaman ang mahinang pagsiko niya. Huminga lang ako nang malalim, nakatingin pa rin sa TV.

"Talaga? Thank you!"

Nawala ang mga bumabagabag sa akin nang itinuon ko ang atensyon sa horror movie. Panay ang tilian nilang dalawa at nagtatakutan pa. Nahagip ng tingin ko ang pagtayo ni Hartley at saka tumabi sa akin. Ngumuso ako nang maramdaman ang paghilig niya sa akin ng bahagya. Maraming gustong makipag-kaibigan sa kanya ngunit bakit kami pa ang gusto niyang kaibiganin?

Uncontrollable Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora