U 08

450 14 0
                                    

Trabaho

Tindig ang upo ko habang diretso ang tingin sa magiging amo kong babae na siguro'y anim na taon ang agwat ng edad sa akin.

Nirekomenda ako ni Cole dito sa pinsan niyang may ari nitong sikat na restaurant, 'di kalayuan sa aming apartment. Dahil kailangan ko na ring mag-trabaho. Si Thalia ay kakatanggap lang din ng trabaho noong nakaraang Sabado. Pareho na kaming may trabaho t'wing Sabado't Linggo. At ngayong Sabado ay ang unang araw ko dito.

Parehas kasi kaming umalis noon dahil may sapat naman kaming ipon. Ngayon na nauubos na iyon ay kailangan ulit namin makapaghanapbuhay.

Dahil wala naman na kaming po-problemahin sa aming pag-aaral dahil pareho naman kaming scholar ni Thalia ay kailangan naman naming magkaroon ng sapat na kita para sa apartment. Ang aming kakainin't inumin at ang mga gagamitin sa pang araw araw namin. Kailangan din naming magbayad ng bills.

"Sigurado ka bang ayos ka na sa kusina, Archana? Puwede naman kitang gawing waitress para naman mas malaki ang sahod." ani ni Miss Issa.

Isa ako sa magiging kusinera ni Miss Issa. Naipakilala na ako sa mga magiging ka-trabaho ko. Dalawa kami sa kusina kasama ang Chef na hindi ko pa nakikita dahil kanina nung pinakilala ako ay wala pa siya dahil hindi maiwan ang trabaho.

Umiling ako. "Ayos na po ako sa kusina."

Iniisip ko rin kasi na bawal ako masyadong makihalubilo sa mga tao. Paano kung isang araw ay dito kumain si Mr. Valleza, iyong mga anak't asawa niya o ang iba pa niyang kamag-anak? Kaya ayos na ako sa kusina. Maghuhugas lang naman ako. Madali lang na gawain iyon.

Huminga siya ng malalim at sandali pang tumitig sa akin. "Oh siya, sige—" naputol ang sinasabi niya nang bumukas ang pintuan. Walang emosyon kong tinignan ang pumasok na matangkad at mestizo na lalaki.

"Ate, kanina pa kita hinahanap." tinig ng lalaki na mukhang nagkakalapit lang ang edad sa akin. Tumingin siya sa akin.

"Sinabi ko na sa'yong matuto kang maghintay at may kinakausap pa ako. Lagi na lang bang ganito, John?" tumayo si Miss Issa at iritableng sinalubong ang bisita.

"Hindi ko alam na may bago ka palang magandang empleyado..."

"Tumigil ka!" suway ni Miss Isa sa lalaki.

Hindi ako nagsalita. Nang humarap sa akin si Miss Isa ay tumayo ako at hinarap siya.

"Kung may mga katanungan ka pa, maaaring puntahan mo na lang ulit ako dito sa aking opisina. Kailangan ko lang asikasuhin ang isang 'to."

Tumango ako. "Sige po." tipid kong sinabi bago naglakad na para lumabas.

"I—"

"Tumigil ka nga, John! Pinsan 'yon ni Cole."

"Pinsan? Nagrerebelde ba?"

Iyon ang mga narinig ko bago ko tuluyang maisarado ang pintuan. Dumiretso na ako sa kusina at pumunta sa restroom. Nilabas ko ang phone ko para i-text ang pinsan.

Ako: Salamat ulit, Cole.

Cole: Walang anuman. Basta huwag kayong laging mahihiyang humingi ng tulong sa akin kung sakaling kailangan ninyo. Nga pala, pinapasabi ni mama na bisitahin mo naman siya.

Ako: Sabihin mong hindi iyon nawala sa isipan ko. Talagang bibisitahin ko siya, hindi ko lang nagagawa kasi busy. Siguro, bibisita ako sa susunod na Linggo.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok. Ang uniform ng ibang mga staff ay kulay tsokolateng polo shirt na may beige; na siyang theme nitong restaurant at itim na pants. Samantalang iba sa aming nasa kusina lang. Beige t-shirt at itim lang na pants. Inayos ko ang suot na itim na apron bago muling tinignan ang cellphone dahil sa mensahe ni Cole.

Uncontrollable Where stories live. Discover now