U 02

723 15 0
                                    

Aegeus Chean De Villach

Mabilis akong humarap na siyang pagdapa ko sa lupa. Napasigaw ako sa sakit ngunit bago pa iyon marinig ni Thalia at ni Cole ay naramdaman ko ang mabilis niyang pagkuha ng aking earpiece at saka iyon sinira sa pamamagitan ng pagkuyom ng kanyang palad.

Napaawang ang labi ko nang makitang binuksan niya ang kanyang palad at nahulog sa lupa ang pira-pirasong earpiece ko.

Kinuyom ko ang palad ko at saka mabilis na kumilos para abutin ang aking baril na nasa lupa at saka iyon itinutok sa kanya.

"Change the target, eh?" nanunuya siyang humalakhak.

Nagtiim bagang ako. Mabilis ang bawat kong paghinga. I didn't expect this to happen! Sa ilang buwan kong pagmamanman, ngayon lang ito nangyari na may nakahuli sa akin!

Matangkad siyang lalaki. Mahaba ang kulay kayumangging buhok na aabot hanggang batok niya. Matingkad ang kulay ng kayumanggi niyang mga mata lalo na't nakatapat sa kanya ang sikat ng araw, matipuno ang pangangatawan, moreno, may makakapal na kilay at may mapupulang mga labi. Masasabi ko ring ilang taon ang tanda niya sa'kin.

"Kung hindi ka mananahimik. Hindi ako magdadalawang isip na iputok 'to sa ulo mo." sabi ko dahil sa panggigigil.

Umangat ang gilid ng kanyang labi. He licked his lower lip as he glanced my body. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang makitang may dumaan na init sa kanyang mga mata.

"Oh, it's really a girl. No wonder your ass and boobs telling me how grown woman you are." he smirked.

I gritted my teeth. "You fucking asshole," I hissed.

"The target is Reinier, right?" pumaywang siya at isinandal ang katawan sa puno.

Malamig ko lang siyang tinignan habang nananatiling nakatutok sa kanya ang baril. Wala na akong pakialam kung paano niya nalaman iyon.

Titig na titig siya sa akin samantalang walang gana naman akong nakatingin sa kanya.

"Ang ganda ng mga mata mo, pero wala akong makitang ibang emosyon kundi ang matinding galit." seryosong wika niya.

"Ano bang pakialam mo?" wika ko at mabilis na tumayo ngunit sa pagkilos kong iyon ay mabilis na nawala ang baril sa akin. Napasinghap ako at pinanood ang paglipad ng baril sa langit at pagbasak no'n malayo sa akin. Dammit!

Nalaglag ang panga ko.

Mabilis niya akong hinawakan sa kamay at inilagay iyon sa aking likod. Hindi ko inakalang mabilis kumilos ang isang 'to! Umismid ako at saka siya sinipa mula sa likod. Nagtagumpay ako na paatrasin siya kung kaya't nang hindi niya na ako hawak ay mabilis akong humarap para suntukin siya.

Ngunit sa isang iglap, labis ang gulat ko nang nahuli niya ang kamay ko. Hinawakan niya pa ang isa kong kamay at malamig akong tiningnan. Nandilim ang paningin ko habang nanghahamon din ang tingin sa kanya pabalik.

"Kung ako sa'yo, kanina mo pa dapat ipinutok ang baril sa akin." malamig niyang pagkakasabi.

"Bitawan mo 'ko!" pilit kong inaalis ang sarili sa hawak niya ngunit dahil lalaki siya at mas malakas kaysa sa akin ay hindi ako nagtagumpay na magawa iyon.

"Bitawan mo-" napatigil ako sa pagsasalita nang sa isang iglap ay natanggal niya ang maskara ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Umawang ng bahagya ang kanyang mga labi bago iyon inihagis sa malayo.

Uncontrollable Where stories live. Discover now