Messenger
Isko
07:52 PMAko sa'yo gagawa na akong IG account
Anong pinagsasabi mo
Ikaw din baka maunahan ka sa pagmine
Wag mo akong sinasali dyan sa pag oonline shopping mo
Online shopping amputa 😃
Tigilan mo nga ako Isko
Di kita titigilan dahil ikaw manok ko
Kailangan mo yun mamine o baka masteal ser baka maiyak ka nalang
Dyan ka na wala kang kwenta
Wala na naman akong kwenta sige lang
Basta pag ito nasteal, kahit pa nakareserve to sayo wag ka talaga lalapit sakin
Edi hindi
Ang bilis mo talaga kausap
Pero gumawa ka na kasiBakit ba? Ayaw ko nga nyan
Kundi lang tayo nirequire magpost noon sa fb di rin ako gagawaEhhhh gawa ka na kasi
Gusto ko ng online sabong eh kaso wala akong pera kaya gagawa nalang ako ng mismong online sabong ko
Gawa ka na bilis nang makita mo ang magiging kalaban mo 😀
Syempre matic na sa'yo ang aking pusta ser
Sugalero ka talaga
Di na ngayon hahaha wala naman akong pera pampusta pero may premyo ka pag ikaw nanalo, manok ko
Share your blessings nalang total di naman ako malaki humingi, okay na ako sa isang sasakyan vroom vroom 🏎
K
Ganito kasi yun
May umaaligid kay Ms Ganda sa IG
Gusto mo ba magulat pa ako? Sikat yon
Oo nga pero iba kasi to
Panong iba
Wag mo sabihing binabasa mo lahat ng comments
Eh bakit ba bawal ba yun maging hobby
Tsaka ginagawa ko naman yun para sa manok ko e ang hina kasi di marunong mambakod
Dami mong alam
Talaga
Alam ko nga na Raz short for Razzan yung pangalan ng my love ni Ms Ganda e
Ah talaga ba
Talino ka na nyan?Grabe di ka man lang ba threatened? Nangstalk ako may Hennessey Venom F5 men
Ano ka ngayon ha ni bike wala tayong dalawa
Ah
Ang yaman erp sobra doctor nga ata to eh
Tas nakita ko pa ang daming pictures nila together ni Ms Ganda sa IG niya grabe bagay sila
Slight! Slight lang!
Syempre kayong dalawa yung bagay ng very much, kaw manok ko e kahit medyo kupal ka
8:20 PM
Men? Andyan ka pa?
Gawa ka na ng IG oy sige na madali lang yon
Paano ba
Naks gagawa nga
Ge
Ito naman tampo agad
Si Arielle ka ba ha?Ganito kasi, punta ka play store hanapin mo dun yung halaga mo
Joke lang, may kwenta ako kausap promise
Basta yun punta ka dun tas search mo Instagram. Kita mo yung box na color pink na purple basta yun tapos idownload mo
Tapos nyan iopen mo tapos sign up ka lang
Mas mapapansin ka kung ang account username mo ay katulad sa akin
SanaLahat_Isko yung akin. Pwede sayo yung BakitKaya_Wai
Gets mo ba?
Ano gagawa ka na?
Hindi
Saya mo kausap
Seen
YOU ARE READING
Incessantly Captivated (Ceaseless #1)
General FictionTo when a rising star in the fashion designing industry came home to Philippines, entered the first coffee shop she saw while on the way to the hotel, spotted a sugar sweet man her eyes would seek ceaselessly.