Chapter 3

37 4 0
                                    

Crystal's POV

"Welcome to Zeifera Academy" nakangiting ani ng isang babae na sa tingin ko ay nasa 30+ ang edad.

Kahit na sabihin mong nasa 30+ na ito ay di mo maiitatanggi na maganda parin ito. Maputi at makinis ang mga balat nito at medyo may katangkaran.

Medyo nagulat pako sa pagbati nya dahil bigla nalang sya nagsasalita sa gitna ng aking pagtitingin sa Academya.

"Naramdaman kong may paparating kaya't pumunta ako dito para alamin kung kaaway o hindi. Mukang hindi ka naman kaaway dahil nakapasok ka sa barrier nitong Academy" nakangiting sabi na naman nya ang daldal naman ng babaeng to tsk.

Nakalimutan ko palang itago ang aking presensya buti nalang ay naitago ko ang kapangyarihan ko.

"Bakit di ka naman nagsasalita? Anyway andito ka ba para magaral?" tanong na naman nya. Tsk sarap sungalngalin ng yelo ang bunganga nya.

Ano sa tingin nya kung bakit ako nandito? Malamang mag-aaral, anong gagawin ko dito? Tatambay? Matutulog? Tsk may pagka slow pala ang mga lightian well di ko naman sinasabing lahat sila pero kasali na tong babaeng to sa sinasabi ko.

Tumango nalang ako kahit gusto ko na syang barahin.

"Ako nga pala si Shin Lazle ang Headmaster ng Academy nato, tawagin mo nalang akong Lady Shin dahil yan ang tawag nila sakin" nakangiting pagpapakilala nya.

"Sumunod ka sakin" utos nya at tumalikod. Gaya ng sabi nya sumunod ako sa kanya.

Tuluyan nakong nakapasok sa loob ng Academy. Namamangha kong nilibot ang aking mga mata habang sumusunod kay Lady Shin.

Natigil lang iyon ng huminto sa paglalakad si Lady Shin kaya napahinto rin ako. Napatingin ako sa harap at nakita ko ang gintong pintuan na paniguradong office ni Lady Shin.

Pumasok sya kaya pumasok din ako. Pinaupo nya ko sa couch sa loob ng office habang sya naman ay umupo sa table nya.

May kinuha sya sa ilalim ng table nya at binigay iyon sa akin. "Sagutan at pirmahan mo ang papel na iyan" binigay nya naman sa akin ang kinuha nyang papel at isang ballpen.

Pinagmasdan ko ang papel na binigay nya. Isa itong gintong papel na sakto lang ang laki.

Sinagutan ko naman na ang mga nakalagay.

Name: Crystal Hell Tharelly

Age: 17

Power: Ice

Ability: Teleportion

Hindi ko pwede ilagay lahat ng kapangyarihan ko at baka magtaka sila. Pagkatapos kong sagutan ay pinirmahan ko na.

Bigla namang nawala ang hawak kong papel at ballpen pagkatapos ko itong pirmahan.

"Idikit mo dito yung kamay mo" may binigay sya sa aking makapal na papel.

Nilagay ko naman yung kamay ko don then biglang umilaw ng kulay blue yung nadikitan ng kamay ko.

Pagkatapos non ay bigla nalang nawala ang papel. Para saan yon? Nevermind tsk.

Kinumpas ni Lady Shin ang kanyang dalawang kamay at sa isang iglap may lumabas na bagay sa harap nya. Kinuha nya naman iyon at hinarap ako ng nakangiti.

"This is your Dorm key and map, May kasama ka sa dorm at ito naman ang Schedule mo and oh iyong uniform mo pala ay nasa cabinet mo na, libre ang pagkain dito but may card ka na nasa cabinet mo rin para kung may gusto kang bilhin may pambili ka. Yung card nga pala ay bumabase kung ano ang kataasan mo" mahabang sabi nya at inabot sakin isa isa ang Dorm key, Map at Schedule ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zeifera AcademyWhere stories live. Discover now