Chapter 1

44 6 0
                                    

Crystal's POV

Nagising ako sa huni ng mga ibon kaya bumangon nako at ginawa ang morning routine ko.

Ngayon na ang alis ko papunta sa Zeifera Academy bilang isang spy.

Naupo muna ako sa gilid ng kama ko at pinagmasdan ang picture ni ina na nakalagay sa study table ko.

Para sayo ina gagawin ko to.

May kumatok sa pinto ko kaya napatingin ako don. "Prinsesa handa na po ang inyong agahan" sabi ng maid na syang kumatok.

"Dalhin mo nalang dito sa loob ng aking silid at dito ako kakain" malamig na ani ko.

"Masusunod po mahal na Prinsesa, saglit lang po at kukunin ko pa po ang inyong pagkain" magalang na pagkakasabi nito at narinig ko nalamang ang yapak nito paalis ng aking silid.

Malaki ang aking silid may sarili ng cr at kitchen. Kung tutuusin para na itong maliit na bahay.

May narinig naman akong yapak na papupunta sa aking silid na panigurado ko ang maid na kausap ko kanina.

"Mahal na Prinsesa ito na po ang inyong agahan" mahinhin at magalang na ani ng maid.

Kaya binuksan ko na ang pinto ng aking silid at pinapasok sya. Pagkapasok nya ay tumalikod ako sa kanya. Rinig ko naman ang pagpatong nya ng aking pagkain sa lamesa.

"Maari ka ng umalis at kunin mo to" may inabot naman ako sa kanyang 10 gintong salapi habang ako ay nakatalikod parin. Mabait naman sya kaya bibigyan ko lang sya ng pabuya.

Tinanggap nya naman to at ramdam ko ang tuwa sa kanya.

"Maraming salamat po Prinsesa" galak nyang sabi.

"Teka bago ka umalis gusto ko lang malaman kung ano ang iyong ngalan?" malamig na tanong ko.

Sa tagal nilang naninilbihan sa palasyo at sakin ay hindi ko pa alam ang pangalan nila dahil wala naman akong pake. Pero sya ang laging nagsisilbi sakin kaya alam kong mabait sya at sya lang ang kaya akong kausapin ng hindi nauutal, kaya gusto ko malaman ang kanyang ngalan.

"Krisha po mahal na Prinsesa, Krisha ang aking ngalan" masayang sabi nya sakin. How i wish na sana kaya ko ring maging masaya gaya nya.

"Tapat ka ba sakin o mas tapat ka kay ama? Talaga bang mabait ka?" malamig na tanong ko.

"Kung ako po ang tatanongin mas magiging tapat ako kesa sa hari dahil alam ko pong mabait ka mahal na Prinsesa-" narinig kong huminga sya ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin.

"Sa totoo lang po ay gusto ko ng payapa na buhay pero dahil nga mahirap kami ay wala kaming tirahan, dahil sa kahirapan nagawang magnakaw ng ina't ama namin para may makain kami ngunit sa kasamaang palad nahuli sila ng kawal " nagulat ako dahil di ko inaasahan na ikekwento nya ang buhay nya sakin.

"Dinakip kami ng kawal kahit todo paliwanag kami kung bakit nagawang magnakaw nila ama't ina pero di sila nakinig, pinarusahan nila ang magulang namin ng kamatayan dahil dun todo iyak kami ng nagiisa kong kapatid, dahil sa galit ng kapatid ko ay sinugod nya ang mga kawal ngunit walang kahirap hirap lang syang pinaslang ng mga kawal " ramdam kong umiiyak sya habang sinasabi yon pero nanatili akong nakatalikod.

"Gusto ko rin sumugod dahil sa pinatay nila ang pamilya ko ngunit alam kong mamamatay rin ako kung ginawa ko yon, kaya wala akong ginawa kung di umiyak lang" pumipiyok sya habang sinasabi yon.

"Pagkatapos non dinala nila ako dito sa palasyo bilang maging isang alipin wala akong nagawa kung hindi sumunod nalang, dito nakakakain na ako kesa sa dati na natutulog akong walang anumang kinakain ngunit malaya akong gawin ang gusto ko, pero mas gugustuhin ko nalamang habang buhay maging pulubi kesa sa nakakakain nga ako pero isang maling galaw ko lang ay patay nako" naaawa ako kay Krisha.

Zeifera AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant