Chapter 2

37 5 5
                                    

Crystal's POV

"M-mahal na Prinsesa aalis na daw po kayo" sabi ng maid na sya ring nagsabi kanina na maghanda na daw ako.

"Lalabas na" malamig na sabi ko.

"A-aalis na po ako mahal na Prinsesa" sabi nya at nagmamadaling umalis base sa kanyang mga yapak.

Tsk lagi na lang sila nauutal. Tanging si Krisha lang ang nakakapagsalita ng hindi nauutal sakin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama at humarap sa salamin.

I put a black silk cloth on my face to cover the half of my nose and my mouth.

Kinuha ko na ang aking mga bagahe at lumabas na sa aking silid.

Huminto ako sa tapat ng aking pintuan at ni lock ito. Binalutan ko pa ito ng pinaghalo-halo kong kapangyarihan na paniguradong ikangingisay ng papasok dito at pag pinagpatuloy pa nito ang pagpasok ay mamamatay ito.

Para narin walang makapasok dito habang wala ako at alam ko namang di sila magtataka lalo na si ama.

Dahil alam nilang lahat na ayaw ko na may pumapasok sa aking silid at hawakan ang aking mga gamit ng walang permiso ko.

Dumaretso na ako sa labas ng kaharian at nakita kong hinahanda na nila ang dalawang karwahe.

Dalawang karwahe? Ako lang naman ang aalis ah.

Napatingin ako sa kaliwa at nasagot ang katanungan ko ng makita si Papa na may hawak na isang bag na di ko alam kung anong laman.

Aalis nanaman sya nagtataka nako kung saan ba sya lagi nagpupunta. Lagi kasi syang umaalis at laging gabi narin kung umuwi.

Napatingin sya sakin at saka lumapit.

"Handa ka na ba?" malamig na tanong nya.

"Handa na" malamig rin na sabi ko. Aba hindi ako papatalo magpaulan pako ng yelo eh para damang dama ang lamig.

"Gawin mo ng maayos ang mission mo" malamig na ani nya na tinaguan ko lang. May pumunta sa akin na isang kawal at kinuha ang bagahe ko.

Habang hinihintay sila sa kung ano man ang inaayos nila ay may lumipad na kulay asul na paru paro sa aking balikat. Nang tignan ko ito ay lumipad ito papuntang kanan na sinundan ko naman ng tingin.

Nakita ko naman si Krisha sa kalayuan na nagtatago sa mga dahon habang naiiyak na kumakaway sakin. Tinignan ko naman si Papa sa unahan ko na nakapikit na naghihintay syaka binalik ang tingin ko kay krisha.

Kumaway ako pabalik sa kanya at nagtaka ako nung kumuha sya ng malaking dahon at may sinulat dito. Nakita kong sumipol sya na hindi ko rinig dahil sa medyo malayo sya.

May lumipad naman na ibon papunta sa kanya at inabot nya naman dito ang sinulatan nyang dahon at parang may inutos sa ibon.

Animal manipulator nga pala sya.

Lumipad naman papunta sa akin ang ibon at inabot sakin ang dahon pagkatapos ay bumalik sya kay Krisha.

Sama ako.

Yan ang nakasulat sa dahon. Tinignan ko sya at halos matawa ako sa itsura nya. Umiiyak at nakanguso habang nagpapaawa ang kanyang muka.

Ang kyut kyut nya.

Buti nalang hindi ako tuluyang natawa. Tinignan ko naman ulit si Papa at nakita kong nakapikit parin ito kaya binalikan ko ng tingin si Krisha na ganon parin ang muka.

[Bawal ka sumama krisha at baka maparusahan ka pa, pero ang kyut kyut mo sa itsura mo ngayon pfft haha]

Telepathy ko sa kanya at mukang nagulat sya pero nang nakabawi ay mas lalo syang ngumuso at may sinulat ulit sa kinuha nya nanamang dahon sa kanyang tabi.

Binigay nya iyon sa ibon at lumipad nanaman pabalik ang ibon sa akin at binigay ang sulat at bumalik nanaman kay Krisha.

Sa totoo lang ako ang naaawa sa ibon dahil kanina pa sya pabalik balik.

Basta mag-iingat ka don ah? Mamimiss talaga kita huhu ano bayan pinapaiyak moko.

Tinignan ko sya at mas lalo syang umiyak kaya napapaiyak narin ako pero pinipigilan ko at nanatiling walang emotion ang aking muka.

[Mamimiss din kita at ikaw din magiingat ka, wag mo nga akong paiyakin pag ako nahuli ni Papa habang buhay kang iiyak]

Telepathy ko ulit sa kanya at nakita ko naman sya tumango at ngumiti kaya ginantihan ko sya ng saglit na ngiti dahil baka mahuli ako ni Papa.

Naalala ko na nakatakip pala ang aking muka at tanging mata lang ang makikita.

"Mahal na Hari at Mahal na Prinsesa handa na po ang karwahe na inyong gagamitin" nakayukong sabi ng kawal kaya napunta sa kanya ang tingin ko.

Tumango naman si Papa at naunang maglakad papunta sa unang karwahe at sumakay. Sumunod naman ako at pumunta sa ikalawang karwahe.

Bago ako sumakay ay tumingin ako kay Krisha na ngayon ay kumakaway habang umiiyak na nakangiti. Ngumiti naman ako sa kanya kahit na alam kong hindi nya kita.

[Bye, magiingat ka lagi]

Telepathy ko sa kanya bago sumakay sa karwahe. Nakaalis na pala si Papa.

Sinara naman nung kawal ang pintuan ng karwahe at sumakay na sa pegasus at nagsimula na nitong paliparin.

Napatingin ako sa baba at nakita ko si Krisha na kumakaway parin kaya kumaway ako pabalik sa kanya.

Ginawa kong invisible ang sarili ko pati narin ang kawal at ang karwahe para walang makakita saamin.

Nakita ko namang nasa tapat na upuan ko lang ang bagahe ko. Siguro dito nalang nilagay dahil kasya naman ito at isa pa dalawa lang ang bagahe ko.

"Doon sa gubat sa likod ng Academy mo ko ibaba" malamig na sigaw ko sa kawal dahil panigurado pag sa harap ng Academy hininto ang karwahe ay baka may makakita sakin.

"Masusunod po Mahal na Prinsesa" magalang na sigaw rin nya.

Pinikit ko muna ang mga mata ko at pinakiramdaman ang sariwang hangin.

Umabot ng kalahating oras ang byahe namin at naramdaman ko nalang na tumigil ang karwahe.

"Nandito na po tayo Mahal na Prinsesa" sabi nung kawal kaya tumayo na ako.

Binuksan nya ang pinto ng karwahe at inalalayan akong makababa at syaka kinuha ang bagahe ko.

Kinuha ko naman ang bagahe ko sa kanya na binigay naman nya.

"Mag-iingat po kayo dito Mahal na Prinsesa" sabi nya na tinanguan ko lang.

"Makakaalis kana" malamig na sabi ko.

"Masusunod po Mahal na Prinsesa" sabi nya at sumakay na sa pegasus at sinimulan na itong paliparin.

Hinintay ko pa syang umalis bago magteleport malapit sa harap ng Academy. Nanatili akong naka invisible.

Tinignan ko muna ng mabuti ang paligid at pinakiramdaman kung may tao ba. Nang masiguro ko na walang tao sa paligid ay tinanggal ko na ang pagiging invisible.

Tuluyan nakong naglakad papalapit sa Academy at namangha ako ng tuluyan ko ng makita ang Academy.

Ang ganda para na syang isang Palasyo dahil sa ganda at laki. Di ko akalain na maganda pala ang Academy ng Lightian.

Nang tuluyan na akong makalapit ay biglang bumukas ang gate at mas namangha ako ng tumambad ang kabuuan ng Academy.

"Welcome to Zeifera Academy"

***
Hi readers, sabi ng pinsan ko magupdate na daw ako kaya eto nagupdate nako.

Para sayo tong Chapter na to Evolinnej

Sana magustuhan nyo and sana magvote din kayo thank you.

Zeifera AcademyWhere stories live. Discover now