Prologue

58 5 1
                                    

Princess Crystal Hell Darkon's POV

Huni ng mga ibon at mga kaluskos galing sa iba't ibang hayop. Yan lang ang mga naririnig ko ngayong gabi habang nasa loob ng aking silid.

Binuksan ko ang bintana sa gilid ng aking kama dahilan upang pumasok ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng aking silid.

Tinignan ko ang buwan at mga bituin mula sa aking bintana.

"Napakaganda talaga ng Buwan" malamig na bulong ko sa aking sarili. Napabuntong hininga nalang ako at sinarado na ang bintana at umupo sa gilid ng kama.

Bata palang ako nakaranas nako ng matinding pagpapasakit galing sa Hari- ang ama ko. Sabi kasi ni papa kelangan ko daw maging matatag dahil ako daw ang prinsesa ng Darkhell kingdom.

Grabe ang pagtetraining nya saken dahil halos mamatay nako non sa sobrang sakit ng ginagawa nya pero ang sabi ni papa para din raw sa akin yon para paglumaki nako di ako maging mahina at madaling masaktan.

Kaya eto lumaki akong walang emosyon at malamig ang pakikitungo sa iba. Lumaki rin akong malakas at hindi agad nasasaktan.

Pero sa buong buhay ko laging lungkot ang nararamdaman ko sa kabila ng pagiging malakas ko, di ko alam ang pakiramdam ng masaya dahil never akong naging masaya at di na siguro ako sasaya.

Ngunit kahit malungkot ako di mo makikita sa aking muka ang lungkot. Wala akong ekspresyon at malamig ako kung magsalita.

Di ko alam kung bakit ako malungkot, parang kasing may kulang kahit naman nandyan ang papa ko na iba ang trato minsan sakin. Pero naiintindihan ko sya dahil para din sakin yon at isa pa mahal ko sya dahil sya ang papa ko.

Knock knock

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. "Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko. Paniguradong maid ang kumakatok.

"Mahal na Prinsesa pinapatawag ka po ng iyong ama" sabi nya. Pagkatapos non ay naramdaman ko nang umalis na sya.

Tumayo na ako sa kama kung saan ako nakaupo at lumabas na ng pinto tsaka tumungo papuntang throne room kung nasaan si papa.

Ano nanaman kaya ang gagawin sakin ni papa? Papahirapan nya nanaman ba ko sa walang tigil na training nayan? Halos araw araw nalang akong nagtetraining wala nang pahinga. Pero wala na sakin yon dahil hindi naman ako madaling masaktan.

Ano ba ang inirereklamo ko? Bilang prinsesa dapat ginagawa ko ang lahat ng inuutos sakin ng aking papa para sa aming kaharian.

Pagpasok ko sa throne room nakita ko si papa na nakaupo sa kulay itim na gintong trono kung saan umuupo ang hari. Nasa kanan naman nya ang magarang trono na kulay itim din kung saan umuupo ang reyna- ang aking ina kaso wala na sya. Nasa kaliwa naman ng hari ang isang di gaanong kalakihang kulay itim din na trono na kung saan umuupo ang prinsesa- ako pero never pa nya kong pinaupo sa trono na yan sa di ko maipaliwanag na dahilan.

Itim at pula lang ang kulay na makikita mo dito sa loob ng palasyo maliban sa aking kwarto na kulay itim na may halong rosas.

Mga trono sa gitna, kulay itim na mga pader, Pula naman ang kulay ng kisame at sahig na may itim na carpet.

Nagbigay galang ako kay papa syaka tumayo ng maayos.

"Bakit nyo po ko pinapatawag Papa?" Malamig ngunit magalang kong tanong.

"Pinatawag kita dahil may mission akong ipapagawa sayo" malamig din na sabi nya.

Mission? Anong mission kaya ang ipapagawa nya?

"Anong mission po?" tanong ko.

"You'll study in Zeifera Acade-" Pinutol ko ang sasabihin ni Papa.

"Zeifera Academy? But Papa i don't want to study there and besides that school is for Lightian and i'm a Darkhellian" medyo tumaas na ang boses ko.

"Where's your respect Crystal?" malamig na tanong nya sakin.

"I'm sorry Papa, i didn't mean it" paghingi ko ng tawad.

"Gaya nga nang sabi ko magaaral ka sa Zeifera Academy" pagbabalik ni Papa sa usapan.

"Para saan po Papa? That school is for lightian ang kaaway natin ayokong mapalapit sa kanila" nagsisimula na akong mainis pero nanatili paring walang emosyon ang aking muka.

Simula bata palang ako lagi nang sinasabi sakin ni Papa na ang Lightians ang masasama at ang Darkhellians ang mababait. Inaapi-api daw ng mga Lightians ang mga Darkhellians noon.

Pinapatay rin nila ang mga nakikita nilang Darkhellians kahit na wala silang ginagawa sa kanila kaya nagkaroon ng away sa pagitan ng Lightians at Darkhellians.

Sila rin ang dahilan kung bakit wala na ang aking ina. Namatay si ina ng 2 taong gulang palamang ako kaya sa litrato ko lang sya nakita. Kaya malaki ang galit ko sa mga Lightians, dahil sa kanila wala akong nayayakap na ina.

Sinabi sakin ni Papa ang lahat ng yan pero bakit parang may mali sa kwento ni Papa? May nagsasabi sakin na wag akong maniwala pero si Papa na mismo ang nagsabi non kaya ayon ang paniniwalaan ko.

"Magiging Spy ka sa Zeifera Academy, sasabihin mo lahat sakin ang mga nangyayari at hakbang na gagawin nila laban satin" nabalik ako sa ulirat sa sinabi ni papa. S-spy?

"Pero Papa meron namang ibang pwedeng gumawa nyan diba? Yung mga kawal, maid at mga ibang estudyante" malamig pero may bahid ng inis na sabi ko.

"Nagrereklamo ka ba crystal? Baka nakakalimutan mong ikaw ang prinsesa kaya gawin mo ang inuutos ko sayo!" medyo tumaas na ang boses nya kaya anytime ay sasabog na sya sa galit dahil sakin.

"Yeah wala naman akong magagawa dahil ako ang prinsesa ng kahiraan nato, kaya papa tinatanggap ko na po ang mission" pagsusuko ko dahil wala naman akong magagawa dahil sya ang hari at prinsesa lang ako kaya dapat sinusunod ko ang inuutos nya sakin, sino ba naman ako? Eh anak nya lang naman ako, kaya wala akong karapatang kumontra sa gusto nya.

"Mabuti naman at tinanggap mo na dahil hindi ako magdadalawang isip na itakwil ka" malamig na sabi nya. Pano nya nasasabi sa anak nya yan?

"Babalik na po ako sa aking silid kung wala na kayong sasabihin pa" tumango lang sya senyales na maari na akong umalis. Nagbigay galang muna ako sa kanya at tuluyan nang umalis sa throne room at pumunta sa aking silid.

Sa totoo lang mas malakas ako kaysa kay papa kaya kahit anong oras pwede ko syang patayin pero hindi pwede dahil sya parin ang ama ko at isa pa di ko dapat syang maliitin dahil malakas din sya at alam kong may ilalakas pa sya.

Oww...I forgot to introduce myself.

I'm Crystal Hell Darkon, Princess of Darkhell Kingdom, 17 years living and still counting. My powers are Crystal element, Ice, Light and Dark.

Nagtataka nga ako kung bakit may light akong kapangyarihan eh Prinsesa ako ng Kadiliman.

Di ko namalayang nandito na pala ako sa tapat ng kwarto ko, pumasok na ko at umupo sa kama.

Hindi ko gusto ang mission na binigay sakin ni Papa. Pero wala nakong magagawa kaya labag man sa kalooban ay pumayag ako dahil di naman ako mananalo sa kanya.

Ewan ko ba pero may part sakin na gusto ko at nagsasabing pumayag ako, may part din sakin na ayaw ko pero dahil nga wala akong magagawa pumayag nalang ako.

Humiga na ko sa kama. Haysst itutulog ko na nga lang to.

~*~
Zeifera Academy by arizsh

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events are purely coincidental.

Zeifera AcademyWhere stories live. Discover now