CHAPTER 24: CHANGES

Start from the beginning
                                    

Kaya sabay na kaming naglakad papunta sa library sa main hall. Dahil doon nagaganap ang mga klase ng mga prinsipe at prinsesa. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin so Prinsipe Francis at Prinsesa Francesca.

"Magandang umaga po,Prinsipe Francis at Prinsesa Francesca"

Hindi nila ako pinansin at nilagpasan lang. Dahil alam kong minamaliit pa rin nila ako sa pagiging katulong ko at pagiging kabalyero. Nang nagkaharap ang dalawang Prinsipe ay nakita kong nagtitigan ng nabuti sa mata ang dalawa . Naunang umiwas ng tingin si Prinsipe Francis kay Prinsipe Royce. Pagkatapos noon ay agad din silang umalis. 

Nagpatuloy na kaming pumasok sa libarary. Nakita namin nagbabasa ng libro si Sir Fernando. Matagal na ring nagtuturo sa mga royalty si Sir Fernando. Kaya marami na rin syang nalalaman sa loob ng palasyo kahit ma ang mga sekretong daan ay alam nya. Nang makita nya kami ay isinara na ang librong kanyang binabasa.

"Maupo na kayo" at agad na kaming umupo sa kanyang harapan.

"Marahil nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag na dalawa" napatango naman kaming dalawa ng prinsipe.

"Ito ay tungkol sa pag pasok nang prinsipe sa (2)Académie Mystique de Cristal"

Nagulat ako dahil ito ang paaralang nasa game setting ng laro. Ito ang starting line sa laro kung saan nag ipon ipon ang lahat ng mga karakter.

"Ano naman po ang tungkol doon?" Tanong ng prinsipe.

"Ito na ang panahon para ma test na  natin ang kapangyarihan na mayroon ka Prince Royce at ganoon ka din Daisy"

Tama naman si Sir Fernando dahil 12 gulang ang pinaka kwalipikadong kumuha ng magic test. Samantala ang sa mga royalty ay sampu dahil may pambihirang bloodline ng kanilang kapangyarihan. Kaya maaga na ngigising ang kanilang kapangyarihan.

"Dahil malayo ang lalakbayin nyo bago makarating sa paaralan. At hindi maaring magdala ng maraming tagapagbantay sa paaralan. Kaya napag desisyunan ng hari na ikaw Daisy ang itatalagang taga pagbantay ng prinsipe sa loob ng paaralan at ikaw rin ang lubos na pinagkakatiwalaan ng prinsipe"

"Mabuti na naging ganoon ang pasya ng amang hari" sabi ng prinsipe.

"O sya maghanda na kayo at aalis kayo bukas ng maaga para simulan na ang inyong paglalakbay papunta sa Académie Mystique de Cristal"

Agad na kaming nagpaalam para ayusin ang aming mga gagamitin sa paglalakbay. Dahil ma's ya dong malayo dito ang paaralang iyon aabutin kami ng isa at kalahating araw sa paglalakbay.

Nauna na akong umalis sa prinsipe dahil magpapaalam pa ako sa aking mga kasamahan.

"Daisy bakit ka naparito?"

"Jacob magpapaalam na kasi muna ako sa inyo dahil maglalakbay na kami ng prinsipe"

"Masaya kami para sayo sa dalawang taon na pinagsamahan natin habang nageensayo tayo. Kahit noong una ay hindi tayo nagkakasundo"

Napatawa naman kaming dalawa dahil noong unang araw ko pa lang magsanay ay nag away kami agad dahil minaliit nya ang kakayahan ko. Kaya agad ko syang niyaya sa dwelo kung saan pabilisang umakyat sa puno. Kaya sa huli ako ang nanalo sa aming dalawa dahil sanay akong umakyat sa puno kasama ang mga bata sa bahay ampunan.

"Ano ang pinagtatawanan nyong dalawa?" Nang marinig iyom ni Jacob  biglang nanlaki ang kanyang mga mata.

"Sige na mauna na ako may mga nakalimutan pa la akong tapusin. Paalam mag iingat ka sa iyong paglalakbay" at nagmamadali syang umalis.

Napalingon naman ako sa prinsipe pagka alis ni Jacob. Sa nakalipas na mga taon may kakaibang mga kilos na ginagawa ang prinsipe. Katulad na lang noong may kausapin akong lalaking hardinero masaya rin kaming nagkwentuhan. Pero pagkakita nya sa prinsipe ay agad din syang umalis parang may nakitang syang nakakatakot sa prinsipe.

Tinignan kong mabuti pero wala naman akong nakitang kakaiba. Kaya pinagwalang bahala ko na lang. Umalis na lami at inayos na ang lahat. Pagkatapos kung tulungan syang ayusin ang kanyang mga dadalhin ay nahiga na kaming dalawa sa kama para matulog ng maaga.

Magkatabi kaming natutulog dahil paminsan minsan ay binabangongut ang prinsipe. Kaya napagkasunduan naming tabi na lang matulog. Ipinikit  ko ang aking mata pero hindi pa rin ako makatulog.

'Ano kayang mangyayari sa akin sa paaralang iyon?'

'Mababago ko ba ang magiging kapalaran naming magkakapatid?'

'Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nakita na nila ako?'

Iniling ko na lang ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Pero isa lang ang sigurado ko ay makikita ko na rin sila sa wakas makalipas ang apat na taon. Kaya pinikit ko na ang mata ko at natulog ng nakangiti.

-----Note:

(1)Chevalier Royal
      -ang ibig sabihin ay "Royal Knight" sa salitang French.
     -nakaugalian ng idugtong sa pangalan ang kanilang titulo natanggap bilang tanda ng pagkilala.

(2)Académie Mystique de Cristal
       -ang ibig sabihin ay "Crystal Mystique Academy".
       -dito nagsimula ang laro kung saan kailangan makuha  ng heroine ang mga capture target.
      -ito ang paaralan na pinaka tanyag dahil sa magaling na pagtuturo sa paggamit ng kapangyarihan. Dito rin nag aaral ang mga royalty.

Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now