Panigurado inaantok pa ito. Maaga pa naman kasi at hindi pa lumalabas si haring araw. Tinawag ko naman ang pansin niya para makalaalis na kami.

"Bunsoy tara?Okay ka lang ba?" Worried kong tanong sa kanya at pinahidan siya ng efficascent para mainitan ang kanyang tiyan at dibdib. Nakakabawas kasi yun ng ginaw at isa pa para iwas sakit ng tiyan yun since napakaaga pa para bumiyahe.

"Okay lang ate medyo inaantok lang kasi ako." Sabi niya at humikab. I kiss her forehead. Bago ko siya kinarga. Bitbit ko naman ang isang bag ko sa isang kamay bago kami lumabas ng bahay.

Pagkatapos mailock ang pinto ay agad ko namang sinabubi kay manong tricycle driver ang address. Nagbiyahe naman kami agad papuntang BHU. Buti nalang talaga at may mga tricycle na ngayong ganito kaaga.

Nakarating naman kami kaagad at ilang sandali pa ay nakita ko namang marami ng mga estudyante ang palakad-lakad habang yung iba naman ay hinintay ang kanilang mga kasama sa labas at yung iba ay nakasakay na ng bus. Pagkatapos ko makapagbayad kay manong ay naglakad naman kami agad ng kapatid ko patungo sa harap ng gate nitong school since nandun silang lahat. Hindi paman kami nakakadalawang hakbang ay may tumawag na agad sa akin.

"Rainey!"

Kilala niyo naman siguro kong sino siya diba? Isang tao lang naman, kasi ang tumawag sa akin nun.

"Woah, buti at nakarating ka na ulan. Kanina pa kami naghihintay dito, ehh." Saad ni Nicole kasama si Jamie at Annicka. Agad natuon ang pansin nila sa kasama ko, or more like sa kapatid ko na inosenteng nakatingin sa kanila.

"Aww, ito ba ang kapatid mo? Hi baby girl, hihi." Nicole approaches Lennie sabay pisil sa pisngi ng isa. Agad naman ngumiti ang kapatid habang may pagtataka sa mukha.

"Hello po." Sabi ng paslit at bahagyang kumaway pa sa kanila. Nag giggle naman ang tatlo at agad na nagpakilala.

"Kyaahhhh, your so kyeopta-ako nga pala si Ate Nicole mong maganda and ito naman si Ate Jamie mo na yelo and she's ate Annicka na mukhang kape." Energetic na sabi ni Nicole na maypa nickname basis pa habang si Jamie naman ay ngumiti lang at ginulo ang buhok ng kapatid ko while Annica ay tahimik lang na kumaway habang nakangiti.

"Hello mga ate. Ako nga po pala si Lennie Dela Cruz." Nagkatinginan naman ang tatlo at mukhang aliw na aliw sa narinig.

Nasabi ko kasi sa kanila na tatlong taong gulang palang itong kapatid ko at hindi ko naman aakalain na ganito ang magiging reaksyon nila. Well, bibong bata kasi ang paslit na'to at hindi siya katulad sa iba na bulol magsalita. Sa madaling sabi ay matalino rin talaga siya sa murang edad.

Mana-mana lang yan ano ba!

Magsasalita na pa sana sina Nicole ng biglang may tinawag ang kapatid ko sa di kalayuan.

"Ate ganda!" Napalingon naman sa amin ang ilan habang ang kapatid ko naman ay agad na tumakbo papunta sa direksyon ni-alam niyo naman na siguro diba? Kasama ang mga kaibigan niya na mukhang may pagtataka sa mukha habang nakatingin kay Lennie na tumatakbo ngayong papunta kay Miss Astrid.

Nagliwanag naman ang mukha nito ng makita ang kapatid ko at agad niya itong kinarga.

"Hello baby girl, why are you here anyway?" Takang tanong niya sa paslit habang yung mga tao naman ay nasa kanila ang atensyon. Itinuro naman ako agad ng kapatid ko, kaya napalingon agad ang mga ito sa gawi namin.

"Isasama po ako ni ate sabi niya kasi wala daw akong kasama sa bahay." Kunot noo niya naman akong tinignan at ilang sandali pa ay tinawag naman kami agad ng mga guro at ipinapapunta na kami sa naka assign sa aming bus na sasakyan namin.

Habang naglalakad kami ay siniko naman ako agad ni Nicole.

"Kailan pa magkakilala ang kapatid mo at si Astrid?" Napalingon naman ako sa sinabi niya at bumuntong hininga bago pumasok sa bus.

"Long story." Tipid kong sabi at agad na hinanap ng mata ko ang paslit. Asa'n na yun?

"Ate dito!" Nakita ko naman ito agad na karga ni Miss Astrid, at kumaway-kaway pa habang nakatingin sa akin. Lumingon naman ako sa tabi niya at nakita ko itong nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay.

Napaiwas naman ako ng tingin dito bago naglakad patungo sa kanilang direksyon.

Agad naman akong umopo nang sinenyasan ako nito at di nalang ako pumalag pa at umopo nalang ng tahimik pagkatapos mailagay ang bag ko sa may lalagyan ng bus.

Lumingon naman ako sa kabilang side at nakita kong magkatabi sila Miss Athena at Jamie na tahimik lang habang Nicole at Allyson naman ay parehong masama ang tingin sa isa't-isa.

Okay? May war ba sila?

I shrugged my shoulders at Tinignan si Annicka na tahimik lang habang yung katabi naman niya na medyo hindi pamilyar sa akin ay nakatitig sa cellphone nito habang nakakunot ang noo katabi nung Aphrodite na kasing lamig ni Jamie tumitig habang nasa unahan kung saan kami nakaopo. Umiwas naman ako ng tingin sa kanila at nilingon ang paslit na nakatulog na pala sa dibdib ni Miss Astrid.

Kaya pala ang tahimik.

Kinalabit ko naman ang katabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Ahm, ano kuhanin ko lang sana si Lennie if okay lang?Baka kasi nangangawit ka." Kamot sa ulo kong sabi sa kanya. Napansin ko naman na tumaas ang kilay niya bago ako sinagot.

"No, okay lang siya dito, and besides, I know naman na nangangalay ka sa bigat ng dala mo." Mahabang sabi niya. Teka, concern ba siya? Well, spell ASA Raine?!

Napabuntong hininga naman ako at magsasalita na sana ng pinigilan niya ako gamit ang mataray niyang tingin.

"And no buts, nerdy." Napaurong naman ang dila ko at hindi nalang sumagot pa. Okay, sabi niya, eh? Sabagay medyo nangangalay rin kasi ang braso ko sa bigat ng dala ko kanina isama niyo pa na karga-karga ko si Lennie.

Sinabihan naman agad kami ni ma'am na adviser namin since siya yung nandito at binilanan na matulog muna total mahaba pa naman daw ang biyahe. Napahikab naman ako ng wala sa oras at tumingin sa paligid. Nakita ko naman ang mga kaklase kong K.O. na agad.

Ang bilis naman yata ng mga to natulog? Hayaan na nga.

Inayos ko naman ang opo ko at ipinikit ang mata. Ngunit bago paman ako dalawin ng antok ay may naramdaman naman akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko ngunit isinawalang bahala ko nalang yun dala narin sa sobrang antok.

Hello dreamland.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now