Chapter 1: Le Détective Bizarre

29 2 0
                                    

Ashley

Finally nakarating na rin ako sa destination ko! Nakakapagod naman magbiyahe ng sampung oras tapos nagcommute lang ako.

Iniwan kasi ako nila Althea sa publishing house pagkatapos no'ng meeting namin kaya wala akong choice kun'di ang magcommute. Ayoko rin naman kasing magairplane.

Yes, nagsabi si Althea sa akin na sasamahan niya akong pumunta sa bicol dahil may gagawin siya dito but an unexpected happened.

Oh, I still haven't introduced myself yet, have I? Well, here goes. My name is Ashley Alumina Clavecilla. I am a seventeen-year-old writer under the SHARE publication. I live in Manila but I'll be staying in Naga city for education.

Bakit sa bicol? Well, gusto ko kasi ng peaceful place at gusto kong maranasan ang tumira malayo sa parents ko.

Buti nga at pinayagan nila ako sa gusto ko. Sila na rin ang nagprovide ng matitirhan ko... makikitira lang pala.

They may have allowed me to live temporarily several km away from them but they still wanted me to be monitored.

I'm okay with it since I don't know this place that well.

Nakapunta na ako dito once sa Naga for book signing pero hindi rin naman ako nakapagpasyal nang maayos dahil busy ako no'n. And from that event, I have taken a liking to the place.

I took a deep breath and exhaled. Buti pa dito sa bicol hindi gaanong polluted unlike sa Manila na halos maubo ka na dahil sa usok.

First thing I like in this place is the less polluted air.

*grumble grumble*

Napahawak ako sa tiyan kong tumunog. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang 11:30 am na pala. Tanghali na pala kaya naman ay tumunog na ang tiyan ko.

Kain kaya muna ako sa isang fast food? Kaso ayokong gumastos agad ng pera. Doon na lang ako kakain kay tita Alice.

Si tita Alice ay kaibigan ni mama at doon muna ako makikitira sa kanya.

Nagsimula na akong maglakad papalabas sa terminal habang kinukuha ko ang phone ko sa backpack.

Nauna na iyong mga gamit ko at panigurado akong nasa bahay na iyon ni tita Alice kaya naman backpack lang ang dala-dala ko ngayon.

Tinext kasi sa akin ni mama kanina ang address ni tita.

Actually, nagpumilit si mama na may maghatid sa akin papunta sa bahay pero tumanggi ako. I want to explore this place on my own.

Marunong naman akong gumamit ng public transportation kaya walang problema ang kaso, dahil isa akong writer na kilala ng mga tao, medyo hustle dahil may mga magpapapicture, magpapasign at marami pang iba which is ayaw ng magulang ko dahil baka daw ikapahamak ko iyon.

Pero in the end, pumayag sila mama na walang maghahatid o susundo sa akin. Sinabihan na lang nila ako na magsuot ng mask at sumbrero para hindi ko makuha ng atensiyon ng mga tao.

Hirap talaga 'pag sikat ka. Pagkakaguluhan ka ng mga tao.

Habang naglalakad, nakita kong may nagkukumpulan na mga tao sa isang building. Lahat sila nakatingin sa taas at 'yung iba ay tumuturo pa. They are all wearing worried expressions.

Out of curiosity, I looked up and saw a man standing at the edge of the rooftop of the building.

The building has three floors and it can cause death once you fell from it. My eyes widened in shock.

Is he trying to jump to his death?

"Ne, halat lang!"

"Nag apod naman kami kan tabang. Halaton ta na lang sinda."

Arzei's SignatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon