12. Love is ORANGE (AU)

8.9K 160 41
                                    


Tulad ng iba kong warning...Puro kalokohan lang ang nandito. Ako'y pagbigyan niyo na lang. :*



Title: Love is ORANGE

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Humor

Dedication: mikachiku26 - ang babaeng sobrang kinilig nung last chapter. :* Eh dito kaya?




First Meeting

Naglalakad si babae papunta sa cafeteria ng kanyang pinapasukang university. Labing-walong taon si babae. Kumakain pala siya ng mangga – ay – orange pala sa pagkakataong iyon.

Hindi niya namalayan na nakakain siya ng buto at bumara iyon sa lalamunan niya. Ang resulta...nabulunan siya. Hinila niya ang pinakaunang lalaki na nakita niya para hingan ng tubig. Wag mo kong tanungin kung bakit lalaki ang hinila niya, eh lalaki gusto niya eh.

"Yuck...Ha...Ha...Ha...Ka..." sabi ni babae.

Hindi maintindihan ni lalaki ang sinabi ni babae. Akala niya...

"Ano? Yuck ako? Tapos may hahaha pa..." kunot noong tanong ni lalaki. "Tinatawanan mo ko?! Tinatawanan mong yuck ako sa paningin mo?!"

"Tu...Tu...Tu...Big," hirap na wika ni babae. Sa pagkakataong iyon, gusto na niyang sampalin si lalaki. Nakatingin na siya sa baba ni lalaki, habang nakalagay ang kamay niya sa balikat nito, nahihirapan siyang huminga. Kailangan niya ng tubig.

Dahil nga hindi siya maintindihan ni lalaki, bigla na lang lumayo si lalaki sa kanya at tinakpan ang pagkalalaki nito.

"Bastos ka! Bastos! Anong too big!?" sigaw ni lalaki.

Parang gusto na lang mahimatay ni babae, walang kwenta kasi ang taong hiningan niya ng tulong tapos kung ano-ano pang iniisip at ang kapal pa ng mukha. Kaya ang ginawa na lang niya, nilapitan niya si lalaki.

"Wag mo kong lalapitan...Wag...Alam kong gwapo ako pero hindi ako nagpapa-rape!" bulyaw nito sa kanya.

Hindi niya ito pinakinggan at sa halip, hinila niya ang bag nito, binuksan at kinuha ang bottled water sa loob. Ininom niya ito at ng mahimasmasan, tumingin siya ng masama kay lalaki.

"Salamat hah!" pagalit na sabi niya. "Salamat sa tubig. Hindi too big..."

Binalik niya ang bottled water kay lalaki at nag-walk out.

"T-Teka!" habol ni lalaki. "Aalis ka?"

"Hindi...Dadating..." tugon ni babae. Konti nalang, lagot na si lalaki.

Tumawa si lalaki, inilahad ang kamay at sinabing, "Daniel Padilla nga pala, your savior."

"Excuse me? Wala ka ngang nagawa eh!" sigaw ni babae kay Daniel.

"Pangalan?" tanong ni Daniel.

"Kathryn Bernardo...Ay teka...Oh shit! You fool me!" tugon ni Kathryn at padabog na umalis.

"Nice to meet you Kathryn!" pahabol na saad ni Daniel.



Real & Reel (KathNiel One-Shots)Where stories live. Discover now