Ikatatlumpo't Isang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinagat ko ang aking labi at nagmano kay nanay at tatay. Inilapag ang dala kong mangga. Inayos ko rin ang lakad kahit masakit talaga ang pagitan ng aking hita. Ayon pa kay Nena, mukha akong nalumpo. Nilumpo ni Cadence.

"Ginabi ka nang uwi, saan ka galing?"

"Sa..." Huminga ako nang malalim. "Tumambay po muna ako kana Jutay, pasensya na po hindi ko namalayan ang oras."

Lie! Lie! Lie! Kastigo ng utak ko.

Tumango si nanay. "Oh, siya. Kumain ka na. Patapos na kami, hindi ka na namin naisabay,"

"Sasaglit lang po muna ako sa kwarto at magpapalit ng damit,"

Gusto ko nang maglaho sa harapan nila, ayoko nang dagdagan ng isa pa ang pagtatakip na ginawa ko. Hinayaan naman ako nitong pumasok ng kwarto, kumuha ako ng damit at dumiretso ng banyo. Mabilis akong naligo at naglinis ng katawan. I was hoping the bath would ease my body ache. Hindi ako sigurado. Pakiramdam ko mas lalo akong lalagnatin.

Nang matapos akong maligo, hinintay kong matuyo ang buhok ko bago magpahinga. Ang bigat ng talukap ng aking mata. Mag-isa akong kumain ng hapunan. Hindi ko na sila naabutan sa kusina and it was a good thing, kaysa magisa ako sa sariling mantika.

"Bakit ka ganyan maglakad, Sai? Pilay ka ba?" pangungulit ni Nena. Ang sarap niyang sungalngalin. Napaka-epal.

"Oo na lang, Nena. Ang tsismosa mo, pero pagdating sa iba, walang silbi," Umirap ako sa ere.

"Para nagtatanong lang," Padabog itong nahiga sa kama.

Kagaya ng inaasahan ko, hindi nga bumuti ang pakiramdam ko nang sumunod na araw. Nagkaroon ako ng sinat. Hindi ko iyon masyadong ipinahalata iyon, baka mag-alala pa si nanay at dalhin ako sa doctor. Siguro naman ay normal magkaroon ng lagnat matapos makipagtalik. Sinapo ko ang noo ko, agad na nag-init ang pisngi ko sa tuwing pumapasok ang mga bagay na iyon sa aking isipan.

Kahit masama ang pakiramdam tumulong pa rin ako sa mga gawaing bahay. Pumapasok din ako sa gulayan. Wala namang nagbago sa pakikitungo ni Cadence, he was still the same annoying man, nasa Tagbakan man ang mga dating kaklase niya o wala. Mas madalas pa kaming magkasama tuwing hapon.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa balitang kumakalat na mayroong girlfriend si Cadence, maugong na ang balita sa Tagbakan, at hindi ako ang tinutukoy na babae kung hindi si Marlyn Ruseph. Makikitang madalas na dikit na dikit ang babae kay Cadence, medyo nakakaramdam ako ng selos.

Was it a blessing in disguise? Hindi na kaya pag-iinitan ni tatay ang paglapit ko sa kanya? Who knows?

May parte sa aking nagseselos sa isiping iyon, ako ang girlfriend ni Cadence. Not the other girl. Rumor is rumor. Sometimes, it isn't true. May mga pagkakataon namang tama, pero hindi sa pagkakataong ito.

Sa tuwing may bisita ang mga Ponce, madalas na nasa mansyon kami. Kinukuha nila ang extra service para mapanatiling maayos at malinis ang mansyon. Hindi lang si Cadence ang pakalat - kalat sa buong kabahayan, his cousins were also there. Busog na busog na naman ang mata ng malanding si Jutay.

Matapos ang shift, balik sa dating gawi. Magkikita kami ng patago ni Cadence. We went to our secret place. The batis wasn't our little secret anymore. May ilang nakakaalam na ng lugar, pero hindi ang ginawang tree house ni Cadence para sa aming dalawa. Madalas kami roong magtambay.

"Si Cadence?" tanong ko kay Hadley nang makasalubong ko ang lalaki sa hallway ng mansyon. Tiningnan niya ako ng ilang segundo bago ngumisi.

"Ewan ko, baka nasa sidechic niya. What's her name again? Ah, Marlyn Ruseph." Sa tono ng pananalita niya, alam kong nagbibiro lang ang lalaki at gusto akong asarin. Nagtagumpay naman ito.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon