Ikatatlumpo't Isang Kabanata

Depuis le début
                                    

Sinabunutan ko na si Cadence sa iritasyon. "You ungrateful jerk! Ang kapal mo talaga!" Tawa lang ito nang tawa. Ni hindi na niya magawang salagin ang pag-atake ko sa pagtawa. Hindi ko namalayang nasa ibabaw na niya ako. Another wave of tingling sensation was felt by my body. Nanunuot sa balat.

Napatigil kaming dalawa. Kalma, Sai! Masakit pa ang sensitibong parte, kinagat ko ang labi ko at umalis sa ibabaw ni Cadence na parang walang nangyari. Tulala lang ito. Pinaypayan ko ang sarili ko. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Marupok! Malandi!

"Baka naman magsawa ka na, nakuha mo na ako." isinatinig ko para basagin ang bumalot na katahimikan.

His eyes darted on me. Mayroon siyang malaking scowl sa noo. "Why would you even think that? I'm getting more addicted, Everly." Umirap siya at bumulong. Masyadong mahina iyon para umabot sa pandinig ko.

"Paano kung sakaling malaman ng magulang ko? O ng magulang mo? Tapos paghiwalayin tayo? Anong gagawin natin?" Muli kong tanong. I was curious, at the same time, it made me nervous. Iniisip ko pa lang ang mga senaryong iyon, kinakabahan na ako.

Tumaas ang kilay ni Cadence. "I thought, in the traditional way, ipapakasal nila tayo? Something happened already." Nagtaas baba ang kanyang kilay sa sinabi. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya at inirapan. What he said could be true, but it annoyed me for some reason.

Bumuntong - hininga si Cadence at kinurot ang pisngi ko. He was trying to straighten the lines on my forehead. "Nothing will change, Everly. Ikaw lang at ako."

"Hiling ko lang, Cadence. Hiling ko lang."

Isinuot kong muli ang damit na suot ko kanina bago niya iyon hubarin sa katawan ko. Halos magdidilim na siguro, hindi ko na namalayan ang oras. Pati ang emosyon ko. Kanina lang, may pagseselos pa akong nararamdaman kay Marlyn Ruseph, now, it vanished.

Masakit pa rin ang pagitan ng hita ko. Kung ako lang ang masusunod, ayokong gumalaw. Pero hindi pwedeng manatili kaming dalawa sa kubo, kailangan kong umuwi. Baka itakwil na ako sa bahay. Inipon ko ang dala kong mangga na bigay ni Amy. Hindi ko alam kung paano akong uuwi nang masakit ang pagkababae, sasakay pa ako ng kabayo. And sometimes, horses can be rough and tough.

"Are you sure you don't want to spend the night here?" Cadence asked playfully.

Napailing ako. "Baka patay na tayong pareho bukas kung madadatnan ni tatay," Just thinking about it made me shiver. Inalalayan ako ni Cadence na sumakay sa kabayo ko. Ihahatid niya ako pero sakay ito kay Madonna.

Nang makasakay ako sa kabayo, alam kong hindi magiging madali ang daan sa pag-uwi. My body hurts, especially down there. Masakit. Kinagat ko ang labi ko, gusto kong saktan si Cadence. Bakit ang laki noong sa kanya? Abnormal yata ang ganoon, hindi naman ganoon ang size ng Pilipino. Kakaiba at nakakasakit. Kainis!

"Is it really that painful?"

Humarap ako sa kanya ng bahagya at umirap. "Hindi pa ba obvious? Kita mo na 'di ba?" Minsan naiimbyerna ako sa mga tanungan niya.

I was right, the ride home was exactly painful as I imagined it to be. Hinatid ako ni Cadence malapit sa may bahay namin. He was careful not to be seen. Pareho kaming malalagot kung sakali.

Halos matumba ako pagbaba kay Meow. Dahan - dahan ang paglakad ko papasok ng bahay nang maipasok ko sa kwadra ang aking alaga. Dala ko ang supot na binigay ni Amy na may lamang mangga.

"Bakit ganyan ang lakad mo? Para kang nalumpo." usisa ni Nena makita ako.

Muntik nang mamula ang aking mukha, hindi lang halata sa kutis ng balat ko. Ilang pares ng mata ang dumako ang tingin sa gawi ko, mabuti na lang hindi ko nabitiwan ang supot na hawak ko sa tingin nila. Nasa hapagkainan ang buong pamilya at mukhang naghihintay sa pagdating ko.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant