"Tang *na ni Rodrigo! Pinahamak pa tayo!"

"Lilipat ba daw tayo ng lugar! P*ta! Baka natunugan na tayo!"

"Hindi kahit naman matunugan tayo hawak ni Boss ang batas dito!"

"Pero papatayin ba ni Boss si Rodrigo kung malakas pa sya. Alam mo naman si Chekwa masyadong pabibo ang p*ta!"

Hind ko na alam kung ilang minuto silang nag-uusap habang parehong nagsisigarilyo. Pinag-uusapan nila si Rodrigo na sa tinggin ko ay ang lalaking pinatay kanina lalo akong kinabahan ibig sabihin amo nila yung killer kanina. Badtrip na badtrip din sila lalo kay Chekwa, kesyo baklang pabibo naman daw ito at paniguradong may tinatago daw din sa closet na baho, kung bakit ang hirap nitong patumbain at paano daw ito nanalo sa election? Doon ko na napagtagpi tagpi ang kwento. Ang Chekwa na tinutukoy nila ay si Mayor at naalala ko rin na subject namin na Philhist nung college kung saan ang meaning ng Chekwa ay derogatory term for Chinese. Hindi ba't half-Chinese si Mayor kaya confirm akong si Mayor ang tinutukoy nila.

More minutes have passed when I feel weird with myself. I tried to snip more to the smoke. It is so addicting and gives me an unexplainable feeling. Mas nagiging kalmado ako, imbes na kabahan ako ng husto ay tamang pa chill chill lang akong nakahiga. Na parang hayahay ang buhay ko, na parang hindi ako nakasaksi ng karumaldumal na krime at parang hindi nasa alangain ang buhay ko.

Mala- Chillin' like a villain, yeah rarara ang life ko, ganun!

"Aray!" daing ko nang bigla na lang silang umatras kaya naapakan ang braso ko.

"P*ta!"

"Tang- *na"

"P*ta, Ano yun?!" They said in unison bago tumingin sa pwesto ko.

Kahit masakit ang binti ko ay dali dali akong tumayo. I was about to run away but they instantly caught my left arm. I tried to struggle pero masyado itong malakas at iniinda ko pa ang sakit ng katawan ko.

"Espiya ka 'no?" Nanggagalaiting tanong nito. Nakaramdam ako ng hilo nang maamoy ang hininga nito.

Wait, ang baho ah, Nasampal ko tuloy ang bunganga nito.Kaloka! di uso ang tootpaste at sipilyo. Lalong nanlisik ang mga mata nito at hinigpitan ang pagkakadiin ng hawak sa braso ko.

I could hear my heart pounding when they make me stand and dragged me into the old building. Again, I tried to struggle, kinagat ko ang kamay nito dahilan para pakawalan but he instantly caught my hair and dragged me again. Namalayan ko na lang ang sarili na sumisigaw sa sakit.

Pinasok nila ako sa abandunadong building. Napasubsob ako sa sagid nang basta na lang ako nitong tinulak.

"Ano yan regalo ni Boss?" kaagad na napaangat ako ng tinggin ko sa lalaking lumapit sa akin. Gulat na gulat akong napatingin sa hawak nitong malaking baril na nakasabit sa balikat nya. Iginala ko rin ang mga mata ko sa paligid, Tanging may kalakihang lamp lang ang liwanag, sa gilid ay may tatlong lalaking nakaupo habang abala sa pagsinghot sa foil at sa tabi naman nilang tatlo ay may dalawang lalaking abala sa pag-i-inject sa braso ng isat-isa. Sa buong paligid naman ay puno ng mga box.

May nakita akong isang nakabukas kung saan may mga laman ito white powder. It is a dr*g! I'm sure it's a dr*g at ang mga sinisinghot at ine-inject nila ay drugs. Kita din sa mga mata nila ang pamumula nito mukhang nag-mukbang challenge sila ng dr*gs

"Hindi espiya 'to."

I gasped when he pointed the gun at my head.

"Wag muna Pre, paglaruan mo natin si Ganda." Hinawakan nito ang baril ng kasama at binaba ito. Napabaling ang atensyon ko sa suhesyon nito. Namumula ang mga mata nito, mukhang nakatira pa. Iba rin ang tingin na pinupukol nito sa akin na labis na nagdala ng kilabot sa sistema ko.

"Hindi ako espiya na hulog lang ako sa kalsada."

Naramdaman ko sa aking pisngi ang sunod sunod na pag-agos ng mga luha ko.

"Ah, kwento mo sa pagong. Laro muna tayo." Hinila nito ang damit ko kaya naman napadaing ako at nagpumiglas halos mapunit pa ang damit ko dahil dito.

"Please,kuya promise hindi ako kagaya ng iniisip nyo," I plead but he just dragged me in the nearest table. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang peppermint ko pero akmang kukunin ko pa lang ito ng bigla na lang itong kinuhang syringe at mabilis na itinusok sa braso ko. Nang matapos ay doon lang ako nakabwelo para kunin ang pepper spray ko at kaagad na tinutok sa mata nya. Nakawala ako sa paghahawak at tatakbo na sana ako nang may baril na itinutok ang isa sa kanila sa akin kaya napaatras ako. Parang bumagal ang oras sa akin nang makitang kakalabitin na nito ang gatilyo.

Napapikit na lang ako. Siguro dapat ko na talagang tanggapin na maikli lang ang buhay ko. Pagod na ko, pagod na kong makipagpatintero kay Kamatayan. Pumunta ako dito sa Aviero para magkaroon ng peace of mind pero mukhang pa-rest in peace pala makukuha ko.

I should listen to Christian muli ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Kung alam ko lang na mamatay ako ngayong gabi ay dapat pala hindi ako nagpaka-immature kanina o kaya dapat pala naging honest ako at sinabi ko sa kanya na I really like berry flavor kaso favorite nya ang chocolate kaya yun ang lagi kong ino-order at dapat I admit my feelings to him, kahit na hindi ko na sya gusto. Like I should be honest to my old self.

The wind blew a familiar baby cologne, is this a premonition? Sabi nila pagsinusundo ka na- ay makakaamoy ka ng kandila. Sinusundo na ba ko nila Daddy, Mommy at ni Helene? Pero bakit baby cologne? Nag-improve na ba ng pabango ang mga multo? Do they think it's cliché, pag-amoy kandila sila?

"Aray, tang *na!" napamulat ako nang marinig ang mura ng kaninang lalaki na tumutok ng baril sa akin. Sapo sapo nito ang kanang kamay na ngayo'y dumudugo na.

Hala! Anyare?

"Napasok tayo!" Bago pa man sila makabunot ng baril. Mula sa ere ay sunod sunod na nagliparan ang mga maliit na bilog na punyal sa kanila kaya kaagad silang nagsitago.

"Hide!" a robotic voice dictated. I looked around and looked for a place to hide. In my peripheral vision, I saw someone wearing all-black attire.

-----

Author note : Hello sorry kung natagalan. Salamat sa mga nag-aabang ng update ng story nito at sa mga nagpro-promote nitong story. I really appreciate, so ayun natagalan akong mag-update because I have a job na at alam nyo naman ang work form home nakaka-stress. Your comments really motivate kaya again thank you sa mga nagko-comment. 

Protect meWhere stories live. Discover now