Mayor Dimitri

285 6 1
                                    

If I ever survive

Bucketlist #11

Be a volunteer. Let makes a difference in the future, even if a small act, even if it's unrecognized.

---------------------------------------------------------------

Napasandal na lang ako sa puno dahil sa pagod. Umupo ako dito at pinaypayan ang sarili gamit ang folder na dala dala ko.

'Susmaryosep!'

Nakakahingal palang magpanggap na buntis, kanina kasi sa loob ng munipsipyo ay nagkaroon ng Earthquake drill e, saktong nakasalubong ako ng staff ng COFA. Naki-usap itong magpanggap akong isa sa mga taong ide- demonstrate sa tamang pagresponde ng mga taong may espeyal na kondisyon pagnagkaroon ng lindol kagaya ng buntis na manganganak sa kalagitnaan ng lindol.

Paano ba naman kasi yung gaganap daw na buntis ay sumakit ang tyan at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas sa restroom, kaya pala pagod na pagod si koya ng makasalubong ko kanina dahil naghahanap ng volunteer. Magagalit daw si Mayor kung kulang ang cast at dahil pangarap kong maging artista sa korea ay todo acting naman ako kanina. Char!

"Hi miss," napa-angat ako ng tingin ng may mga binatilyong nagsilapit sa akin. Sa tatya ko ay nasa 16- 19 years old ang mga ito.

"Ano yun?" 

"I'm Jack and you," pakilala nito at nilahad ang kamay sa akin kaya tumayo na rin ako. Kawawang bata mukhang nabiktima sa charm ko.

"I'm teacher Asteria,"pakilala ko. Diniin ko pa ang salitang teacher at tinanggap ang kamay nya. Kitang kita ko kung paano nagbago ang mukha nito mula sa pagkakangiti ay napalitan ng pagkalito.

"Teacher ka na?" takang takang tanong nito. Napangiti ako,  sabi na nga ba akala yata nito ay high school student lang ako.

"OO, 29 na nga ako e," pagbibida ko kaya kaagad itong napakamot sa ulo at saka nagdahilan para magpaalam naaalis na.

"Sayang type ko pa naman pre kaso 10 years agwat namin," narinig kong reklamo nito sa kaibigan.

Napailing na lang ako kaya yata ako hindi nagkakaroon ng boyfriend dahil mukha akong teenager idagdag mo pa ang height kong 4'11 madalas na nagpapakita ng interest sa akin ay mga High school student.

Napatingala ako sa langit.

'Lord jowang jowa na ko'

Maktol ko.

Beke nemen. Ang tagal ko ng nagdadasal sayo.

Bagsak balikat na lang tuloy akong napapababa ng tinggin pero na patigil ako nang may matanaw akong isang matangkad na lalaki na nakasuot ng dark blue polo shirt na nakatayo sa second floor.

I squeezed my eyes medyo lumapit pa nga ako kung tama ang hinala ko.

Tumayo ako sa tapat nito.

"Mayor!" nakatingalang tawag ko sa kanya mula sa second floor kung saan kitang kita ko si Mayor mula sa transparent glass.

"Mayor!" Muling tawag ko pero umalis ito sa pwesto nito pero kalaunan ay bumalik ulit. Busy na busy ito habang nagbabasa ng hawak nyang red folder.

"Mayor,Saranghae!" Bigla'y naisigaw ko na lang. Lumingon ito sa likod na tila May hinahanap.

Hala! mukhang effective yung napanood ko sa Korean drama ah!

"Mayor,Saranghago!"

"Mayor, Saranghae!

Bigla akong napatigil sa pagsigaw nang may ma-realize half Chinese nga pala si Mayor hindi Half Korean.

"Mayor Wo ai n-"

Protect meWhere stories live. Discover now