Chapter 3: long time no see, Fifth

Magsimula sa umpisa
                                    

"Jhaime? Ano toh?" ngumiti lang ako sa kanya

"I think you two have to fix things up. Lalabas muna ako at maggagala, mag-usap kayo ok?"

"Pero Jhaime--"

"Bye bye! ;)" at umalis na nga ako bago pa magreklamo si Cha. Since nasa mall kami eh naggala-gala lang ako. Window shopping lang.

Habang busy ako sa pagtingin tingin sa mga store eh hindi ko na napansin yung dinadaanan ko kaya..

*BLAAG*

>__<

"OUCH!" sabay naming sabi.

"Sorry miss, nasaktan ba--- Jhaime!?" napatingin naman ako sa kanya

O____O

"Fifth?!" parehas kaming gulat kaya di agad nakapagsalita pero nakarecover naman kami agad tapos napangiti na lang

"Jhaime ikaw nga!" tuwa nyang sabi sabay yakap sakin

"WAH! Fifth! Naku! Kamusta ka na?" tanong ko tapos bumitaw sa yakap

"Ok lang naman. Grabeh, di kita nakilala agad ah? Ang laki na ng pinagbago mo. Ikaw, kamusta ka na?"

"I'm fine. Oo nga ako din. Uy ah, gumwapo ka lalo." napakamot naman sya sa batok nya na parang nahihiya.

"Ehh.." hmm

"Inspired ka ano?" hindi sya sumagot. AY TAMA NGA AKO XD

"AYIEEH! Ikaw ah! Sino yung girl??" panunukso ko sa kanya

"HAHA! Ikaw talaga."

"AYIEH! HAHAHA! Nako, kung sino man yung girl, ayusin mo buhay mo at wag na wag mong sasaktan yun."

"Oo naman noh!" tapos nagtawanan kaming dalawa. Since wala akong kasama at ganun din sya kasi di daw sumulpot yung girl na dapat date daw nila ngayon kasi nagkaroon daw ng emergency sa bahay nung girl kaya ayun.

Kwentuhan kami ng kwentuhan tapos tawanan. Pinagtitinginan nga kaming dalawa eh di ko alam kung dahil sa maingay kami o dahil sa kasama ko. Lalo kasi syang gumwapo, mas nagmature sya

Ok na sana yung usapan namin eh kaso bigla kaming na-open sa hindi ko inaasahang topic.

"Jhaime, I was wondering, anong ginagawa mo dito sa Pilipinas? Are you here for something or are you here for my brother?" nagitla ako doon sa tanong nya pero hindi ko pinahalata, ngumiti ako sa kanya.

"Actually, andito ako para asikasuhin ang isang importanteng bagay."

"Ano naman yun?"

huminga ako ng malalim bago magsalita

"I am going to get married, soon." napatigil sya sa paglalakad at ganun din ako tapos tinignan ko sya, nanlalaki yung mga mata nya. Sabi na eh.

"WHAT!? You're going to get what?!"

"Fifth I know you heard what I just said." he composed himself

"P-pero bakit parang biglaan?" tanong nya

"I don't know. Basta pero after ng wedding, babalik na ulit kami." hindi sya umimik parang nag-isip. Ganun din ako. Nagkaroon kami ng total awkward silence. Hanggang sa nagsalita ulit sya na ikinagulat ko

"Hindi mo na ba mahal ang kapatid ko?" I was taken aback pero parang kanina lang din, hindi ko pinahalata. Hindi din ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang tamang sagot sa tanong nya,

"Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa kanya?"

"Fifth." seryoso syang nakatingin sakin

"Sagutin mo ko." yumuko ako.

"Hindi ko alam. Ewan."

"Hindi mo alam?"

"Fifth ayoko ng pag-usapan ito."

"No! Hindi kasi ako makapaniwala na ikakasal ka na?? Eh samantalang ang kapatid ko halos maging miserable na ang buhay nya dahil sa pag-alis mo tapos malalaman ko na masaya ka na pala sa piling ng iba?! Jhaime di mo man lang sya tinawagan o ni hindi ka man lang nagreply sa mga e-mails nya." hindi ako nakasagot. Kahit hindi ko sya nakikita, nararamdaman ko yung galit sa boses nya

"I just can't believe na ikakasal ka na?"

"You don't understand--"

"Edi ipaintindi mo sakin!"

"This is not the right time." hindi sya sumagot

"Sino yung lalaki?" tanong nya bigla bago ako makasagot, biglang tumunog yung cp ko

"Excuse me lang." tumalikod ako sa kanya tapos sinagot yung tawag

"Hello?"

(Jhaime.)

"Cha! Ano kamusta?"

(*sniff* Ok lang. Pwede ka na bang pumunta dito?)

mukhang kakagaling lang nya sa iyak

"Oh sige sige." binaba ko na yung tawag

tapos humarap ulit kay Fifth

"Fifth, kailangan ko ng umalis. Sa susunod na lang. Bye bye." at umalis na ako bago nya ako pigilan

HAY!

bumalik na ako sa coffee shop

nakita ko silang dalawa na

masayang nag-uusap

oh my gulay!

mukhang successful yung plano ko

lumapit ako sa kanilang dalawa

pagkalapit na pagkalapit ko tumayo agad si Cha tapos niyakap ako

"Jhaime! Thank you!" tinap ko sya sa likod

"HAHA! Ano ka ba, ok lang yun noh. Ano? Ok na ba?" bumitaw sya tapos ngumiti sakin at tumango

"Oo! Salamat."

"HAHAHA! Masaya ako para sayo."

tapos naupo din ako at nagkwentuhan kaming tatlo pero habang naguusap kaming tatlo

hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kanina

hay!

ang hirap! T_T

==================================================

UPDATED! Alam ko maikili at magiging ganyan na po kaikli ang mga susunod na chapters since hanggang chapter 5- 10 lang naman po ito kaya ayun ;)

Sorry kung panget ang update (_ _")

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon