Chapter 42: Death

948 63 3
                                    

Hylos's POV

"And after one year,..."

*17 years ago*

"As you promised, patayin mo na ako,"

Napaiyak ako.

Hindi ko kaya...

I love him! Ayoko siyang mamatay!

Pero I have no choice.

"Patawad. Patawad, mahal ko." At sinaksak ko siya sa kaniyang puso.

Yumakap naman siya sa akin.

"You did a great job," sabi niya at sumuka ng dugo sa damit ko.

"Tandaan mo, mahal na mahal na mahal na mahal kita kaya huwag mong pababayaan ang aking anak, kundi... Mumultuhin kita..."

Medyo napatawa ako.

"Mahal na mahal kita," sabi niya at unti-unti, nararamdaman ko, na nawawala na ang kaniyang paghinga.

I brought him to a place na ako lang ang nakakaalam.

May hukay na roon, at lalagyan na lang ng palatandaan.

Ibinaba ko ang katawan ni Elite at pinagmasdan ang kaniyang mukha.

"Mahal din kita, mahal ko."

Tumayo ako at sinimulan nang ilibing si Elite.

Ipagpapaalam ko na lang siguro kay Mint na dito namatay si King Elite.

Ayokong sabihin ang dahilan, ayokong sabihin kung paano dahil malamang sa malamang ay kakamuhian niya ako.

Pagkatapos, pumunta ako sa kwarto at nagbihis.

"Daddy Hylos! Tara na!"

"Oo!" sagot ko kay Sky.

Matapos ang ilang oras, ay nandito na kami sa amusement park.

Nag-rides kami at nagpunta sa kung anuman ang magustuhan niya.

Ngumiti ako.

Nang mapadaan kami sa isang shop, napatigil si Sky.

"Daddy, bili tayo noon," sabi niya sabay turo sa isang pendant.

Napangiti naman ako at binili ang pendant na iyon.

Ibinigay ko sa kaniya ang pendant.

Umupo ako para mapantayan ang anak ko at nagtanong.

"Para kanino iyan? Para kay B?"

Namula siya kaya lalo akong ngumiti

"Mamaya, nasa basement siya ng bahay nila. Puntahan natin at ibigay natin iyan."

Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Salamat, Daddy."

Napangiti ako nang mapait at bumuntong hininga.

Patawad, anak ko, pero kailangan ko itong gawin.

Matapos ang ilang oras, pumunta kami sa bahay nina King Hephaestus.

Pumunta kami sa basement nito na si kami lang ni Maestro ang nakakaalam.

Matapos naming bumaba, umupo ako at nagsalita.

"Anak, payakap naman!"

Pumunta nga siya sa akin at ni-yakap ako.

Hindi ko mapigilang lumuha.

This is the last time na makikita kita as Sky, anak.

Kaya sana mapatawad mo ako...

I touch his head and erase all of his memories.

As in lahat, wala akong tinira miske, isa...

Inalis ko ang aking kamay, at parang nagising siya.

Unti-unti siyang lumuhod na parang sanggol kaya lalo akong umiyak.

"I'm sorry, anak..."

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay at nagsalita na lalo ko pang ikinagulat.

"Dada!"

Napayakap ako sa kaniya at nagsalita.

"Mula ngayon, tatawagin na kitang Sora. A Japanese word for Sky kasi ikaw pa rin ang Sky na kilala ko, anak," sabi ko.

*Present*

"And that's how the story goes."

Bigla naman akong nakarinig nang isang malakas na tawa.

That voice!

"Magaling! Magaling! Ang ganda ng kwento mo... Nakakaiyak!" sabi ng isang babae at humahalakhak pa.

Napatayo naman sina Sky at mga kaibigan niya.

"Hindi mo ba ako ipapakilala?" tanong niya at lumabas siya sa kadiliman.

"Mom!"

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now