Chapter 20: Prophecy

1.5K 109 0
                                    

Foresight's POV

*phew*

Buti naman at dagat ang sunod.

Humarap ako sa kanila at tama ang hinala ko, umalis na agad ang fire monsters dahil sa dagat.

Humarap ulit ako sa dagat at nakita ko ang ibang freshmen na lumalangoy na patungo sa next course.

Pero the bad news is...

Hindi ako marunong lumangoy!

Tumingin ako sa aking paligid at may nakita akong bato.

This might work.

Pinalutang ko ang malaking bato, pinalipad papunta sa akin at tinuntungan ito.

Yes, para akong psychic at isa 'yan sa mga kakayahan ng mga null mages.

I went to the sea like I am surfing papuntang hilaga (base sa direksyon ng mga kaklase kong swimmer).

Sora's POV

"He is a null mage," sabi ko sa kanila.

"Then, if he can see everything---"

Tumango ako kay Celeste kahit hindi ko siya tinitingnan.

"The rarest magic of all, Foresight."

Someone's POV

"Bakit hindi ninyo pa rin siya nahahanap?!" tanong ko at sinabuyan sila ng mga papel.

"Q-Queen?"

"Ano?!" sigaw ko sa kanila.

"A-Ang anak ninyo, n-nawawala..."

"What?!"

Napahilot ako ng aking noo.

"Halughugin n'yo ang buong kastilyo. Kung wala, hanapin ninyo sa ibang kaharian! Huwag kayong haharap sa akin nang hindi ninyo siya nakikita!"

Hayst!

Sumasakit ang ulo ko!

Bakit ba hindi pa siya nahahanap?!

At dinagdagan pa ng aking anak...

Nakakagigil!!!

"Ikaw, Flare," tawag ko sa isa kong kawal.

"Ikaw ang bahala sa mga kawal na iyon," utos ko sa kaniya.

"Yes, milady." At umalis na nga siya.

Sora's POV

"At ang nanalong 10 ay maglalaban para sa finals!" sabi ng emcee

"Hindi siya nanalo," sabi ni Frost.

'Yung tinitingnan naming lalaki, ay hindi nanalo pero...

"We will recruit him and be one of us," announce ni Blaze saka siya tumayo at umalis.

Napangiti ako.

Alam kong sa simula pa lamang, magiging Special Class din siya.

"Oy, anong nangyayari?" Napatingin ako sa training ground dahil may nagkakagulo.

"Bigla na lang siyang nahimatay,"

Nabigla ako sa narinig ko.

"Air, Kaminari, puntahan ninyo 'yung nahimatay," sabi ko agad sa kanila.

"Roger!" sigaw nila at pumunta nga doon nang mabilis.

Air's POV

Nandito na kami sa pinagkakaguluhan at nakita namin 'yung lalaking pinagmamasdan namin na nahimatay.

"Dadaan ang Student Parliament!" sabi ni Kaminari kaya nahawi sila at pinapasok kami.

Umupo kami at tiningnan ang pulse rate niya. Tiningnan rin namin kung may sugat kay siya nahimatay.

"Umalis po muna kayo dahil baka mainitan siya."

Umalis na nga sila.

Buti na lang at tapos na ang elimination contest para sa first years, kundi, may posibilidad na lalong magkagulo sa dami ng tao at hindi kami makaalis.

"S-Si King?" Napatingin ako sa lalaki nang magsalita siya.

King?

Tumingin ako kay Kaminari na nakatingin din sa akin.

"Iharap ninyo ako kay King, at may sasabihin ako sa kaniya!"

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now