Chapter 32: Companions

1.2K 84 0
                                    

Sora's POV

(Ito ay before his mission, after na sabihin sa kanila ni Flare tungkol sa Alchemists)

Nasa kwarto ako ngayon.

*sigh*

Naalala ko ang sinabi ni Flare kanina, that my father is a mage and alchemist at the same time.

Napabangon ako nang maalala ang sinabi ni Dad kanina.

"Dito kasi ako nag-aral and he was my teacher back then kaya Maestro ang tawag ko sa kaniya."

How come na nakapag-aral si Dad dito samantalang ito ay for mages only?

Hindi kaya...

Umiling ako.

Hindi iyon maaari!

Habang iniisip iyon, hindi ko namalayang nakatulog na ako.

***

Nagising ako sa pamilyar na lugar.

Grassland lang ang nakikita ko at may dalawang batang nakaupo sa damuhang iyon.

"Magpapakasal ba tayo?" tanong ng lalaking naka-jumper ang suot.

This scene seems familiar.

"Oo, kaya maghintay ka lang, ah!" sagot ng lalaking nakaputing t-shirt at puting pantalon.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ito.

Ito 'yung nasa panaginip ko!

"Nandito lang pala kayo..." Biglang may dumating na lalaki.

T-The King...

King Elite!

"Sorry, anak pero kailangan na nating umalis. Kailangan mo na siyang iwan."

Kinanlong niya ang batang nakaputing t-shirt at pantalon.

"B," sabi niya habang hawak ang kamay.

Unti-unti itong kumakalas habang tinatawag ang kaniyang pangalan.

At nang tuluyang kumalas, gumising akong bigla.

A dream...

Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig.

That dream...

Or is it really a dream?

Kinabukasan, maaga akong nagising and do my morning rituals.

Umalis na agad ako sa kwarto at pumunta sa owner's office.

Kumatok ako nang tatlong beses at pumasok.

"Good morning, Sora," pagbati ni Maestro habang nagkakape.

"Good morning po,"

Ibinaba niya ang tasa at nagtanong sa akin.

"So what do you need? Maaga pa lang pero nandito ka na."

"Maestro, dito po bang talaga nag-aral si Dad?"

Tumayo naman si Maestro at may kinuha sa isang cabinet.

Pumunta siya sa akin at inilapag sa harap ko ang isang...

"Picture book?"

"That's the evidence na dito siya nag-aral."

Kaya binuklat ko ito at nakita kong dito nga siya nag-aaral.

May tumatakbong parang cheetah. Blurd, eh.

May makita ka ba namang golem, which is an earth monster, paanong hindi ka matatakot?

Merong nahulog siya sa mga traps. Kung natatandaan ninyo ang Jungle Course? Gano'n din ito...

At may nakita akong isa na nagkaroon ako ng interest.

"Maestro, sino ito?" tanong ko sa lalaking kaakbay ni Dad.

"Itanong mo sa Dad mo. Only he can answer all your questions."

Medyo na-disappoint ako.

"Huwag kang mag-alala. Bibigyan kita ng misyon. And this mission, includes you.

"Ikaw ang bahala kung magkakaroon ka ng companions because this will be your first mission at ang pinakamahirap sa lahat ng mission na natanggap namin."

"It is to find your past."

[Present]

At nandito ako sa labas ng school.

Hinihintay ko ngayon ang gusto kong makasama sa misyong ito.

Napalingon ako nang makita sila at kumaway sa kanila.

Mahoutsukai University (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now