“Woooahhhh… ang lalim nun ah?” saka ako tumawa. Pero siya? Nakatitig lang siya. Ang seryoso talaga niya.

“Salamat at ipinakita mo sa akin ang mundo mo. At di na ako hihingi ng sorry sa iyo kasi baka makotongan mo na ako sa kakulitan ko. Anyways thank you and good night.” Saka ako lumabas na ng kwarto niya.

*****

            Pagkalipas ng tatlong araw.

            May hindi kami inaasahang bisitang dumating sa bahay. Si Anna at ang kanyang ina. Nagulat nga ang lahat sa pagbisita nila sa aming tahanan.

            “Hello kuyaaa….” Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Anna noong Makita ako nito at inirapan naman niya si Ivy. Mukhang di ata sila close?

            “Kumusta na pala kayo?” pag-aalalang tanong ni Tito Samuel sa ina ni Anna.

            “May mga umaaligid parin ho sa aming bahay nitong mga nakaraang araw. At nababahala na po ako sa kaligtasan ng aking anak.” Saka ito tumingin kay Anna na busy naman sa kakayakap sa akin ng minutong iyon. Inutusan kami ni Tita Esme na dalhin muna namin si Anna sa kwarto ni Ivy. At sumunod naman kaagad kami, saka naman sumunod si Ivy sa likuran namin.

            “Ang pangit ng kwarto mo!” ito kaagad ang bumungad na kumento galing kay Anna. Binigyan ng masamang titig ni Ivy si Anna. At natatawa ako sa reaksyon na iyon ni Ivy.

            “Lumabas ka kung gusto mo!” tugon pa ni Ivy sa kanya.

            “Bakit ang taray mo?” taas kilay pang tanong ni Anna sa kanya.

            “Kasi…” bigla niyang pinalutang si Anna at tinakot ito gamit ang kanyang kakayahan.

            “Ivy!” pagpigil ko pa sa kanya.

            “Matakot ka sa akin. Matakot ka!”

            “Di ako natatakot sa ‘yo!” sagot niya, pero parang kanina lang e umiiyak siya.

            Di ako makapaniwala na ang dalawang babaeng ito ay magiging parte ng buhay ko. Si Ivy na tumutulong sa akin para makabalik sa mundo kinabibilangan ko at si Anna naman na siyang dahilan kung bakit ako naririto kaso… di ko maintindihan ibig bang sabihin nito ay di pa nasusulat ni Anna yung kwentong iyon?

            “Anna may itatanong ako sa ‘yo!” seryoso ako pero siya nakangiti parang tanga lang.

            “Seryoso ang itatanong ko sa ‘yo Anna.” Giit ko pa.

            “May kasintahan na ho ba kayo kuya?”

            “Haliparot!” rinig ko pang kumento ni Ivy dahilan para mapatingin ako sa kanya at napangisi rin.

            “May sinasabi ka?” tinaasan lang siya ng kilay ni Ivy.

            “Ano yung kuya, makikinig ako.” Sobrang lapit ng mukha ni Anna sa akin. Di tuloy ako makapag-concentrate sa sasabihin ko.

            “Masyado ka atang malapit…”

            “Ay sorry po.” Saka siya umiwas ng kaunti. Huminga ako ng malalim at saka tumingin ng diretso sa mga mata ni Anna. Pero paano ko ba itatanong itong tanong ko? Para kasing ang hirap-hirap e.

            “Uhmm…”

            “Kuya… ano? Nag-aantay ako!” di mapakaling tugon ni Anna. Tumingin ako kay Ivy, di ko alam kung tama ba itong gagawin ko na itatanong ko ang isang bagay na di pa nangyayari. Noong umiling si Ivy doon ko na ako bumigay at di ko nalang itinuloy ang tanong.

            “Favorite color mo?” walang hiyang tanong na yan. Napakamot ng ulo si Anna sa tanong ko.

            “Seryoso?” di makapaniwalang reaksyon niya. Muli akong tumingin kay Ivy.

            “Ang gusto niyang itanong e. May mga pangitain ka bang nakikita sa inyong panaginip?”

            “Pangitain?” di niya ata naiintindihan.

            “Pangitain. Ibig sabihin nun e…” di ko rin maexplain ng maayos.

            “Pangitain yung mga bagay na parang alam mong mangyayari? At maaaring mangyari…” paliwanag pa ni Ivy.

            “Meron.” Biglang naging seryoso ang mukha ni Anna.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon