"Sir, mabuti po at dumating na kayo. Ayaw pong tumahan si Kimmy," nag-aalalang sumbong ni Dahpne sa amo.

    "Kumain na ba, baka naman basa lang?" nakakunot ang noong tanong ni Liam.

    "Tapos na pong dumede at kapapalit ko lang po ng diaper, Sir."

   Kinarga ni Liam ang anak na umiiyak. "Shhh, anong problema ng sweetheart ko. Ito na ang daddy, tahan na princess," alo nito sa anak. Para namang naghihintay lang ang sanggol na makarga ng ama dahil biglang huminto ang pag-iyak nito.

    "Naku Sir Liam, mukhang alam na niyang karga na siya ng daddy niya kaya huminto sa pag-iyak," masayang bulalas ni Daphne.

    "Na-miss mo ba ang daddy kaya ka imiiyak, hmmm?" Patuloy na bulong ni Liam sa malambing na boses habang inuugoy ang anak.

   Maya-maya lang ay nakatulog na si Kimmy sa kandungan ni Liam. Ibinalik nito sa crib ang anak. Palabas na siya ng nursery nang si Alexa naman ang bumunghalit ng iyak . Gaya ng ginawa nito sa isang kambal , binuhat rin ito ng ama at dahan-dahang niyugyug hanggang sa makatulog ang sanggol.

     "O ayan, natapos din ang shopping natin," masayang sabi ni Isabel.

     "Salamat naman, talagang super nakakapagod," reklamo ni Rozanna.

     "Kain muna kaya tayo bago tayo umuwi," yaya ni Jordao.

   "Sige, pagkatapos ay uuwi na ako. Namimiss ko na ang mga babies ko," nakangiting wika ni Celine sa grupo.

     "Babies lang ang namimiss mo, paano ang pogi mong asawa?" tudyo ni Jojie.

     "Siyempre naman, na-miss ko na rin ang honey ko."

     "Ang suwerte mo talaga Celine kay Kuya Liam. Sana makakita rin kami ng gaya niya," sabi ni Isabel.

      "Sayang walang brother ang asawa mo Celine," himutok ni Jojie.

      "Pero may gwapong pinsan iyon di ba?" untag ni Rozanna.

      "Ah si Ethan ba? Oo gwapo iyon," sang-ayon ni Celine.

      "Pakilala mo naman sa amin, Celine," sabi ni Rozanna.

      "Oo naman. Baka sa binyag ng kambal maipakilala ko sa inyo."

     "Oy Isabel, di ba ilang beses mo ng nakasama iyong Ethan na iyon?" tanong ni Jojie. "Baka naman may crush ka doon?"

      "Wala noh, may ibang babaeng gusto iyon," ismid ni Isabel.

     "Sino?" sabay-sabay na tanong ng mga kasama nito.

     "Ha? N-Naisip ko lang," tanggi nito.

     "Baka naman may sekreto na kayong tinatago na hindi pa namin alam," biro ni Jojie.

      "Ay wala akong alam sa mga sinasabi ninyo." Namumulang sabi ni Isabel.

     "Pinsan, alam mo bagay nga kayo ni Ethan," nakangiting sabi ni Celine.

       "Celine, malabo iyong iniisip mo," tahimik na sagot ni Isabel. Dahil in love sa iyo ang lalakeng iyon kung alam mo lang.

    Mag-aalas onse na halos nang dumating si Celine sa mansyon ng mga Ventura. Dumeretso na siya sa nursery para silipin ang mga anak. Laking gulat niya nang makitang bakante ang mga kuna nito. Napilitan siyang gisingin ang dalawang yayang natutulog sa kama sa loob ng nursery.

    "Perla, Daphne, nasaan ang mga babies ko?" balisang tanong niya.

    "Ma'am, dinala po ni Sir sa kuwarto ninyo kanina. Nagising po kasing umiyak iyong dalawa," bida ni Perla.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Where stories live. Discover now