"Mamaya ka sa'kin Llyod."
Pabirong pagbabanta ni Couch.
"Squat na rin kayo."

Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa direksyon namin patungo ang kambal.Sumilay ang ngiti ni Sky habang nakatingin sa'kin.Tipid akong ngumiti dahil kaba ang mas nanaig.

Hindi ako nakagalaw nang magtama ang mata namin nang ilang segundo bago siya mag squat sa harapan ko.Si Sky naman ay nasa gilid niya.

Natakpan ang nasa likod nila pati na ako dahil sa kanilang katangkaran.Ang pamilyar na bango niya ay naamoy ko ulit.

"Pst." Kinubit ako ni Chess at mahinang tinawag ang pangalan ko.

"Ha?" Nakatulala kong tanong kaya nagmumukha akong tanga.

Nginuso niya ang harapan ko.Inis ko siyang tiningnan.Ano na naman ba?!
Nabigla ako nang bigla akong tinulak ni Chess kaya nabundol ako sa likod ni Elperes.

Shit!

Agad naman itong tumingin sa likuran niya.Sa akin.His head tilted,parang nagtatanong kung ano ang pakay ko.

"H-ha?Wala."
Utal kong sabi.Nang hindi na siya nakatingin sa'kin ay agad kong tinaliman si Chess na pinipigilan ang tawa.Sinabayan naman ng dalawa.

"Yari kayo sa'kin."
Pagbabanta ko pero mas lalo pa nila akong inasar.

Couch clapped his hands para mag sitayuan na kami.Hinati kami by group.Sabi pa niya na iba ang net ng babae at lalaki.

Unang grupo kami.Nakasama ko Polene.Una't pangalawa ang unang maglalaro kaya pumwesto na kami.
Hindi naman ako kagalingan sa volleyball,marunong lang.

Maayos ang paglalaro pero mas lamang ang kalaban namin.

"Pasa mo sa'kin!"
Sigaw ni Nea sa'kin pero na spike ko na iyon.Agad namang na block ang bola sa kalaban namin kaya nakapuntos sila.

"Ano ba naman 'yan.Sabi kong ipasa mo sa'kin!Hindi ka nakikinig.Ayan tuloy..."
Galit niyang sabi at inirapan ako.

"Sorry."
sabi ko na lang.

"Anong sorry?Wala ka namang kasalanan kaya dapat hindi ka mag so-sorry." Pinatahan ko si Polene pero huli na dahil hinarap niya si Nea.

"Pabayaan mo na..." Hinawakan ko siya.

"Nea.Hindi sa lahat ng pagkakataon ay parating nasa iyo ang bola.Alam naman naming magaling ka pero huwag ka namang magalit na makapuntos sila!"

Tahimik lang ang kagrupo namin.

"Polene...okay lang naman."
Ayaw ko lang talaga ng gulo.

"Sinabi ko kasing ipasa sa'kin.Ang problema ay hindi siya nakikinig!"
Untag ni Nea sabay tingin sa'kin.

"Wow ah?Kanina ka pa naka attack.Minsan lang nga kami e kase bigla ka nalang sumisingit sa pwesto namin!"

"Nakapuntos sana tayo kung ako ang nagpasa ng bola dahil mas magaling ako!Sana kasama ko ang magagaling maglaro.Hindi tulad ninyo.Napaka manhid!" Nandidiri siyang nakatingin sa amin.

"Sorry ah dahil eto lang kami.We enjoyed the game at iyon ang importante." Mariin na sabi ni Polene.

"Enjoy?E ang liit pa ng puntos natin tapos naging masaya kayo?Galingan niyo naman!Tulad ko." Pagmamayabang niya kaya nainis na rin ako.

"Oo ang galing mo pero hindi yata mapapantayan ang kayabangan mo,Nea!" Hindi ko na mapigilan ang sumagot.

"Anong nangyari dito?"
Biglang dumating si Couch kaya napatingin kami sa likuran.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now