C14

3.1K 208 30
                                    

Malapit na yata akong maubusan ng luha kakaiyak ko.Nandito ako ngayon sa sulok ng parking lot.Wala namang katao-tao kaya dito ako nagmuk-mok.

Sino kaya ang tumawag sa kaniya?

"Malamang may girlfriend na talaga 'yun,"
Nanlulumo kong ani.

Buti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ko sa kaniya.Ano na lang ang magiging reaksyon niya kung narinig niya yun?Malamang lalayuan ako.

"Anong ginagawa mo dito,Miss?"
Nagulantang ako sa gulat nang may nagsalita.

Agad akong lumingon at nakita ang isang lalaking hindi ko kilala.May katangkaran,magulo ang buhok at pormal ang damit.

Kumunot ang noo ko.

"Ano bang pake mo?"
Masungit kong sagot.

He chuckled.

"Ang sungit mo po."
Natatawa niyang sabi.Bigla siyang umupo sa gilid ko.

Salubong ang kilay ko nang tumabi siya sa'kin.Hindi naman kami ka ano-ano ah?

"Eto,gamitin mo."
Nilahad niya sa akin ang panyo niya kaya napatingin ako sa binigay niya.

"H'wag na." Nilayo ko ang nilahad niya sabay punas ko sa luha gamit ang kamay.Natawa naman ulit siya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko o sadyang masayahing tao lang siya?

"Bakit ka umiiyak dito?"

"Wala ka na do'n.Tsaka hoy,hindi kita kilala kaya umalis ka na."
Pagtataray ko.

"Ang panget mo."

Napangiwi ako sa sinabi niya at agaran siyang tiningnan.Hindi ko nga 'to kilala tapos ganiyan siya!

"Anong sinabi mo?!" Iritado kong tanong.

"Ang sabi ko ang panget mo kapag umiiyak." sagot niya.

Umirap ako sa kaniya at hindi na siya pinansin.

"Drew nga pala."
Ngumisi siya sa akin.I rolled my eyes again.Makikipag shake hands sana siya pero hindi ko tinanggap.

"Hindi ako nagtatanong."
Sabay kibit balikat ko at akmang aalis na.Bad mood ako kaya bad timing siya.

"Ang sungit mo na pala ngayon,Sasha."
Natatawa niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at agarang bumaling sa kaniya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"naguguluhang tanong ko.

"Hindi mo'ko nakikilala?"tanong niya sabay turo sa sarili.

Kumunot ang noo ko.Ni foot to head ko siya.Hindi ko naman siya kilala.Hindi ko rin siya namumukhaan.

"Hindi."

"It's me.Drew Reyes." Pagpapakilala niya.

"Drew Reyes?"

Tumango siya.

Mga ilang segundong nag p-process ang utak ko.Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang sumagi sa isip ko.

"D-drew?!ikaw na ba 'yan?!"
Nanlaki ang mata ko at sinuri ulit siya.

He's Drew!Friend ko siya since elementary pero hindi na kami nagkita nung pumunta kami  sa Las Vegas.Ang laki ng binago niya kase noon parating nag may salamin sa mata niya tsaka ang nega manamit.Ngayon ang pormal na.

The Bad Boy's ChaseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang