C5

4.6K 275 56
                                    

"Start."
Seryosong utos ni Cloud kaya tumikhim ako at tumango.

Pinatugtog ko ang cellphone ko sa sasayawin ko.Buti na lang na memorize ko pa yung pop music na sinasayaw ko noon.

Kaya mo 'to Sash.Alam mong magaling kang sumayaw kaya todohin mo na.

Inhale.Exhale.

Nang tumugtog na ang music ay doon na ako gumalaw at humataw.Habang sumasayaw ako napatanong na lang ako sa sarili ko,matatanggap kaya ako?

Feeling ko hindi.Kase galit yata ang Elperes na 'to sa'kin.Nag-away kami kanina kaya imposibleng matanggap ako dito tsk.

"Wow."

"Ang ganda naman niya ta's ang ganda pa sumayaw."

"In fairness ang lambot ng katawan niya ah."

"Psh."
Napatingin naman ako kay Cloud na nakatingin sa akin,sa bawat galaw ko.

Nakakailang lang pero pinagpatuloy ko pa rin.Concentrate Sash, huwag mong tignan.

Nang natapos na yung sayaw ko ay nagpalakpanan sila and as expected,hindi pumalakpak si Cloud kaya nairita ako!

Ano ba naman 'yan!
Ang ganda kaya ng sayaw ko!
Bwesit din 'to eh!Tseh!

"Wuhoo nice one!Ano Cloud?Pasa ba para sa'yo?"
Tanong ng babaeng nasa gilid ni Cloud na naka kibit balikat lang.

"HINDI.HINDI PUMASA."
Masungit na sagot ni Cloud.

"Tsh!Cloud!Ang isip bata mo parin!"
Nakangiwi ang babae na nasa gilid ni Cloud.

Maganda siya,kulot ang buhok at parehas kami ng katangkaran,maputi din.May relasyon kaya sila?

"Okay lang,I did try my best naman pero okay lang 'no,at least."
Nakangiti kong sabi.

Sayang naman!Ang sungit talaga ng Elperes na 'to halatang magkaiba sila ni Sky.Buti hindi na influence si Sky sa paglalagim ng kasamaan niya.

Umalis na ako doon ng nakasimangot.
Nakaka badtrip!

Umupo muna ako sa bench sa gilid ng soccerfield kaya doon na lang ako nag cellphone.

Nakita ko ang mensahe ni Mommy sa akin sa isang lumang cellphone ko.Bumili kase ako ng bago nung lumipat ako ng school.

Mama;

Pupunta ka na naman ba sa condo mo anak?e sa bahay?

Me;

Hindi mo na naman ba ako papayagan Mom?

Minsan kase,gusto ni Mom na doon ako sa mansyon kase they missed me.

Mama;

Fine,but make sure you call me if you are not okay.

"Sash!Nandito ka lang pala,okay ba?pumasa ba?"
Tanong ni Chess.

At ayun nabadtrip na naman ako.

"Hindi,"

"Sayang naman!Hayaan mo na nga."

Biglang may tumama sa tuhod ko na bola.

"AH!BWESIT!"
sigaw ko.

Ang sakit!Halatang mag v-violet 'tong tuhod ko.

"Oh my gosh!Hoy kayong mga lalaki!Adik ba kayo?!"

"SINADYA NIYO BA 'YUN?!"

"Omg!Sash,dal'hin ka na namin sa Infirmary!"

"Miss, sorry."
Lumapit ang isang lalaki.

The Bad Boy's ChaseWhere stories live. Discover now